Maraming tumatakbo sa isipan ko nung gabing yon. Hindi ko siya maintindihan, one moment he's cold then magiging ganito sya sakin. Ano bang gusto niyang palabasin? Pinaglalaruan nya nanaman ang isipan ko eh. Para akong baliw dito na finifigure out yung actions nya.
He didn't speak after that, hinahabol ko ang hininga ko dahil sa kakaiyak kanina. panay hikbi lang ang naririnig ko dahil sa katahimikan. then he closed the passenger door at umikot para sumakay, I have no idea what he's planning but whatever that is... hindi na ako magpapatalo. pagod na ako ngayong gabi.
Sabay ng sakit ng mata, puso at utak ko, ngayon ko lang din naramdaman yung paa ko. Shit, I've been wearing heels for hours now parang tinutusok tusok ito sa sakit.
"Hahatid na kita." Basag niya sa katahimikan. I deeply sighed at umiling ako sa kanya. "You'll take me home looking like this? Baka lusubin ka ng magulang ko. Let's go somewhere else."
Naramdaman kong napatingin siya sa gawi ko, tinignan ko naman siya at kumunot ang noo ko. "Focus on the road, Daniel."
Parang balewala lamang ang sinabi ko sa kanya at tinanong niya pa ako kung saan ko gusto pumunta. I shrugged, Wala rin akong idea.
Akala ko dadalhin niya ako sa restaurants or any other place... pero noong tumigil yung sasakyan napansin kong nasa harap na kami ng bahay nya. Parang nataranta ang kalooblooban ko non, Bakit sa bahay niya? Is he planning on something again?
Gosh, Kath. You're being paranoid.
But no! It's alright to be paranoid!
Ugh
"Uhm... Sa loob muna tayo? I'll make you coffee para mawala yung alcohol sa sistema mo." Pansin kong takot siyang tumingin sa mga mata ko, he looked at me for a second and diverted his eyes to the window behind me. Good! Akala ko ako lang yung may konting... pag awkward sa eksena ngayon pero hindi pala.
Hindi ko na inantay ang sagot niya at bumaba na ako ng sasakyan. Pagkababa ko ay kita ang pagtataka ng kanilang kasambahay, umiwas na lamang ako ng tingin. I don't blame them, baka gusto nilang makita kung sinong babae nanaman ang dinala ng kanilang amo. I scoffed at the Idea.
Lumabas na rin ng kotse si Daniel at nauna siyang maglakad sakin, Akala ko nung una iiwan niya ako pero pinagbuksan niya pala ako ng pintuan. Nararamdaman kong nakatingin siya sakin pero pinigilan ko talaga ang sarili ko na hindi siya tignan.
Tahimik ang bahay nila, buti na lang dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil siguro sa pagkaiyak. I have to talk to him about this too, I need to know what's going on inside of his head.
"Uh, Kusina tayo?" Aya niya.
Tumikhim ako at naglakad patungo roon, akala niya siguro sasagutin ko siya. Huh! Asa siya!
Bawat tapak ko ay ramdam ko ang sakit ng aking paa, sumalubong sa akin ang brown/white layout ng kitchen nila, meron itong counter sa gitna na mayroong apat na high chair. Yung dining table kasi nila nasa kabilang parte ng kusina.
Pinagmasdan ko ang likod niya habang may ginagawa sya, kumunot ang noo ko sa pagtataka ng makitang hindi kape ang ginagawa niya. Kumuha siya ng bown sa kanilang cupboard at binuksan ang takip ng kanilang kaldero.
Sakto, noong nagsasalin siya ng sabaw biglang kumulo ang tyan ko. Panay finger food nga lang pala ang kinain ko kanina sa party.
Nilapag niya iyon sa harap ko, Iniwasan kong tumingin sa kanya at tumingin lamang sa binigay niyang sabaw. Meron itong kangkong at labanos, then two pieces of shrimp.
"Uh... Sino nagluto?" basag ko sa katahimikan, nakatayo lamang siya sa harap ko. Alam ko nakatingin lang siya.
"Ako. Kanina bago umalis, nirequest kasi ni Julia."
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
