"Ano?!"
Parang nakuryente ang katawan ko at tila bumilis ang pintig ng puso ko, Hindi ko akalaing maririnig ko ang salitang iyon. Natataranta akong napatingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko, I need to get there as soon as possible!
"Nagdrive siya ng lasing, nasa St. Lukes kami." Hingal na sabi ni Yen, tila nanginginig ito at takot sa nangyari.
Nag drive ng lasing! Parang sumakit ang ulo ko din sa pagkarinig, Bakit nya gagawin iyon? At Nasaan si Xander, Bakit hindi siya ang nagdrive?
Gusto kong pumunta pero nakakahiya sa magulang ko kung bigla nalang akong aalis, pero maiintindihan naman siguro nila kapag sinabi kong emergency diba? Pero paano kung tinanong nila kung sino? Napapikit na lamang ako at kinalma ang aking sarili, "I'll be there, pasig lang naman ako. Is he going to be fine?"
"Nasa ER pa sya eh, hindi pa lumalabas yung Doktor. Hindi ko alam kung malala o ano, si Xander kasi may finifill up na form." Napakagat ako sa ilalim kong labi, sa loob loob ko sobrang nagpapanic na ako. What if something happens to him? Paano kung natamaan ulo nya? Paano kung may internal bleeding?
Breathe, Kath. Breathe.
"Pupunta ako jan." Binaba ko na agad ang tawag at akmang tatayo ng may humawak sa aking balikat.
"Do you need a ride?"
Napakunot ang noo ko ng makita si Xander, nakalimutan kong katabi ko nga pala ito ngayon. Tumayo sya habang inaantay ang sagot ko.
"Ha?" Gulat kong sabi.
"Ride? Papunta sa boyfriend mo?"
Napairap ako sa kanya, "Seryoso to, Ken."
Hindi siya sumagot at nagaantay pa rin ng aking sagot. It's too tempting pero ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.
"Magtataxi nalang ako. It's okay, magstay ka nalang dito at baka hanapin ka pa ng parents mo." Sinubukan ko pang ngumiti para hindi mukhang awkward, But his facial expression didn't change kaya nawala yung ngiti ko.
Nilipat nya ang naka krus nyang kamay sa kanyang bulsa, napahinga siya ng malalim. "Kath, Your boy is in the hospital. Magpapa hard to get ka pa rin ba? This is a serious situation and I'm trying to help you as a friend."
Tama nga naman siya, but i'm not trying na magpa hard to get! Ayoko lang talagang meron siyang gamitin against sakin, knowing him mahilig siyang manabat para makuha gusto niya. Kahit simpleng bagay lang. I know him too well.
But in a case like this, ngayong kailangan ko talaga pumayag nalang ako. Pinaalam niya sa parents ko na lalabas lang kami para magpahangin, pumayag naman sila at nakita ko pang nakangiti si mama at may pangaasar na tingin sakin. Hindi ko na lamang pinansin iyon.
Sumakay na kami sa dala nyang FJ Cruiser at tumambad sakin ang amoy cinnamon na amoy. His car is so clean unlike dati na parang nadaanan ng bagyo. Maybe because his car is new?
Tahimik lamang kami sa buong byahe, hindi nagtanong ng kahit na ano si Ken at hinayaang tahimik lamang ang aming paligid. But what's deafening is my heartbeat, kapag iniisip kong pupunta kaming hospital para kay Daniel, parang sasabog na to sa kakatibok.
I hope he's fine, I hope it's not that serious.
Gusto ko siyang suntukin, gusto ko siyang hampasin! Hindi ba siya nagiisip? Bakit siya magddrive kapag lasing!
Madali kaming nakarating sa St. Lukes, malalaki ang hakbang ko patungong ER. Halos madapa dapa na ako at hindi na tinignan kung sumunod pa si Ken sa akin. I don't care about that, I wanna know If he's okay!
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
