Lese's Pov:
Nagtext yung tatlo sakin tungkol sa mga E.S na nasa kani kanilang club. Well...Same goes to me. At siya pa naman!"Guys...he's our new member on for 3 days, Raymond Shin Cruz." Sabi ni manager samin.
Tss...Ba't ikaw pa?
"Hey! Pareho pala tayo ng club." Sabi nito sakin.
Nasa tabi ko siya?! Kapal ng mukha ng unggoy nito.
Sampal you want?
"So guys...magkakaroon tayo ng quiz just like what I promised."
Nag quiz kami at infairness kasi naka kuha siya ng 19/20 habang ako naman ay 20/20.
Kaming tatlo nina Shin at manager lang ang nakapasa. The quiz is all about biology and the lessons are for college students.
Yeah, the lessons are for college students...The club gives quizes tungkol sa mga higher level lessons. We take lessons in the club. We also study and study and study and study....Yun lang ang ginagawa namin.
Sometimes sumasali si Kim dito pag wala silang activities. The sports club sometimes takes a break para naman hindi ma over work yung mga students. Si Kim naman ay ayaw ng mga break kaya pag wala siyang magawa tumatambay siya dito at makikinig o matutulog.
"Akala ko ba na puro ka lang daldal. Ganun pa man, may utak nga pala."-Shin.
Aba, aba...gusto pala nito magsuntukan ah.
"Anu bang problema sa bibig mo? Ba't di yan ma tahimik? May germs ba?" Tanong ko nang tanong na may halong pakikipagdigmaan.
"Wala nama. E, sayo? Meron ba?" Sagot naman nito.
Puta tung unggoy nito!
Papatayin ko na to siguro e."Sorry ah pero wala akong panahon na makikipagdaldalan sa mga unggoy. Why don't you go to the zoo para meron kang kasama?" Suggest ko sa kanya.
Walang hiya tong unggoy na toh. Sana tinawag ko na dati yung Zoo.
"Heh..E di kung samahan mo nalang kaya ako?"-Shin.
"Uhm..Excuse me? *raises an eyebrow* At sino ka naman para mag yaya sa akin na samahan kita?"-Me.
"I'm Raymond Shin Cruz, my dear. You may call me Shin. *wink*."
Okay....that's it. Walk out na ako.
"Lese! Saan ka pupunta?" Sigaw ni manager sakin.
"May kukunin lang po ako *smiles*. Babalik lang naman po ako agad." Sagot ko naman.
I went ahead to our classroom to grab something. And guess what did I grabbed?
A baseball bat. :)
This bat belongs to Kim. Sabi niya sa amin na to get it when we need it. Kaya naman kinuha ko toh kasi I need it.
Nakatatak sa baseball bat ang pangalan ni Kim kaya naman nakatingin ang lahat na nadaan kong students.
Just watch out Monkey.
*****^****^*****
Hindi rin ako nagtagal sa paglakad, na nang naka balik na ako sa club room. They were all starring at me holding a bat.
Naglakad ako papunta sa harap ng unggoy nayun. He was looking straight at me.
Yep, he's handsome. Too bad for you pretty face pero kailangan kitang bugbugin.
Itunuro ko sa kanya ang baseball bat.
"Do you get the meaning of this? Mr. Monkey?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah...I think so? But you know...won't you get expelled doing this?" Tanong niya pa balik sakin.
Oo nga noh? Meh...bahala na.
"Yep. But...Meh...Wala akong pake alam." Sagot ko naman.
Tatamaan ko na sana siya pero pinigilan nila ako ni Zirk, Eilanna at Kim.
"Let go of me." Utos ko sa kanila.
May plano ding suntukin ako ni unggoy pero pinigilan din siya sa mga kaibigan niya.
"Lakas mo rin noh? If I am a monkey then your a Gorilla!" Sigaw nito sakin.
Aba! Kapal nang mukha talaga ng gagong ito. Kung hindi panila ako pinigilan e, tagal ko na tung na bugbog tung unggoy nato.
"Lese, calm down." Sabi ni Zirk sakin.
"Tara na nga Lese. Alis na tayo dito." Sabi ni Lanna sakin sabay hila.
Napatingin ako ni Kim na nakahawak sa baseball bat niya. She tilted her head and asked "Lese...Are you hungry?"
Pfft! Really Kim?
Napatawa ako konte ni Kim pero hinila na ako nina Zirk at Lanna palabas habang si Kim naman ay nananatili sa loob.
What's she gonna do?
"Seriously, Lese? Ba't mo malapit na magawa yon?" Tanong ni Lanna na inis na inis sakin.
Oo na! Ako na yung mali.
"And what's more? He's an E.S! He's not a regular student here. You should have controlled your temper." Dagdag pa niya.
"Stop it now. Alam na ni Lese na mali siya. Kaya calm down rin, Lanna." Pagtatanggol ni Zirk sakin.
I lhab you Zirk!
"Sige na nga. Pero nasan nga ba si Kim?" Tanong bigla ni Lanna sa amin.
"She was still inside the room." Sagot ko naman.
"What?"
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...