Itong chapter na toh ay dedicated sa dalawang amazing readers ko sinaettedanrebagnus01 & alyssamay19
Sila lang kasi yung nagpaparamdam ng masyado at yun ang ikakasaya ko. Sana naman sa iba diyan, kahit isang hi lang na comment po masaya na ako. Pwede rin kayong magcomment ng gusto niyong isuggest sa mangyayari sa susunod na chapters at pagpipilian ko lang. Titingnan ko lang kung pwede kong mailagay o hinde.
Salamat para sa basa po nito at i enjoy niyo po ang pagbabasa sa chapter na toh.
*****^****^*****
Lanna's Pov:
Araw na ng paligsahan sa tatlong academy. Nga pala kung nagtatanong kayo kung bakit walang ka collab yung kalaban namin, heto yung sagot sa katanungan niyo.
Sagot: Nagawa ang EHU dahil sa isang collaboration ng dalawang academy na taga labas. Ito yung bunga sa kanilang pakikipag kapwa kaibigan ng dalawang paaralan.
Yun. Ok na siguro yung sagot para ma satisfy yang curiosity niyo kung meron man.
Malay ko lang sa plano ni Mom kung gagawa rin ba sila ng bagong academy ni Tita Vistal. Bahala na sila sa buhay nila.
Naglakad lang ako ng lakad dito sa FH. Nandito lahat ng mga estudyante sa dalawang school at syempre dahil mortal enemy ang dalawang school dati na ngayon ay nag cocollab marami paring mga estudyante ang hindi ang hindi pa nagkakasundo sa isa't isa. Napabuntong hinga ako ng makita ang isang grupo ng mga estudyante na nagsisigawan sa isa't isa. Araw pa naman ng paligsahan ngayon at nag gaganyan sila?
Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number ni Lese. Bakit ko siya tinatawagan? Syempre para pigilan tong gulo dito. Ms. President e.
[Oh? Lanna. Napatawag ka?]
"Punta ka rito malapit sa field. May nag-aaway na naman."
[*sigh* na naman? Palagi nalang? Sige. Punta na ako diyan.]
End of Call
Binaba ko na yung cellphone ko at nakatingin lang sa grupo ng mga estudyante. Ano ba naman kasi ang magagawa ko kung aawatin ko sila? Baka matamaan pa ako ng suntok kapag may susuntok sakin. Masayang naman tong beauty ko.
"Hoy! Lanna!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko.
"Tagal tagal mo rin noh?" Pang-aasar ko sa kanya. Naliligo ng pawis si Lese at hinihingal pa. Obvious masyado na tumakbo siya papunta rito.
"Uminom ka muna ng tubig, Pres. Baka ma dehydrate ka." Sabi ko naman siya.
Sinamaan niya ako ng tingin at binigyan ko siya ng 'what is your problem' look.
"Ba't di mo sila inawatan nung wala pa ako?" Medyo galit niya tanong at naglalakad na kami patungo sa grupo na tinutukoy ko kanina.
"Eeehh...Baka masali pa ako sa gulo. Tsaka wala rin naman akong talent sa pag-aawat e. Pwera lang sayo." Sagot ko naman sa kanya. Kumuha siya ng tuwalya at pinunasan ang sarili.
"Tse!"
Habang papalapit kami unting humihina yung hiyawan sa ibang nga estudyante. Kita nila ata yung galit na mukha ni Lese. Nakakatakot rin kaya siya kapag nagagalit pero mas nakakatakot talaga si Kim pagnagagalit. Wala kasi siyang sinasantos kapag nagalit e. Kapag may kasalanan ka, dapat pinagbabayaran mo ito. Hindi pera kundi yang katawan mo.
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Fiksi RemajaFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...