Chapter 15

1.5K 51 1
                                    


Zirk's Pov:

Nang natapos ako maglaro, hinanap ko si Kim pero wala siya e.

Marami ring lalake ang nakatitig sakin kaya huminto ako sa paglalaro ko kanina.

Nasan na ba yung Kim na iyon?

Hinanap ko siya pero wala talaga.

Pinuntahan ko nalang si Lanna, baka kasi nanduon si Kim.

Pagdating ko sa booth ni Lanna ay maraming lalake ang nakatambak doon.

Tss. Mahihirapan ako sa pagpasok nito. Bahala na nga! No choice e.

Nakipagsiksikan ako sa kanila hanggang nakarating ako sa front door ng booth ni Lanna.

Binuksan ko yung pinto at pumasok. Agad naman siya napatingin sakin.

"What?" Taning tanong lamang niya sakin.

"Nakita mo si Kim?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Hah? Wala. Di ba kasama mo siya?" Sagot niya naman sabay napataas ng isang kilay.

Huh? Wala si Kim dito? Kung ganon, nasaan na siya?

"Nawala si Kim." Sabi ko kay Lanna.

Mabagal sumink in ni Lanna yung mga salita na sinabi ko sa kanya. Hinintay ko muna siya at nagulat lang ako na napabigla siyang sumigaw.

"WHAAATT???!!!"

"Tss. Ingay mo." Reklamo ko sabay hawak sa aking tenga.

Loading mo naman Lanna.

"Hanapin na natin siya! Baka kinidnap na yun!" Tarantang pag-aalala ni Lanna para kay Kim.

Hindi naman ako masyadong nag-aalala kasi alam kong malakas si Kim. Black belt kaya yun ng karate.

Umalis na kaming dalawa ni Lanna sa booth at hinanap si Kim.

Sa paglabas namin rinig na rinig namin yung pagbubulungan ng mga lalake.

Grabe na ang panahon ngayun kasi ang bulungan ay maririnig na.

"Ganda nilang dalawa. Di ako makapili kung sino sa kanilang dalawa ang type ko."

Edi 'wag kang pumili.

"Pre, ganda naman yung umuna."

"Para sa akin ay yung nasa huli."

Ashus! Pili pili pa kayo diyan. Kung  hindi lang yun nang iwan si Kim, siya na yung pinili niyo e.

Napagbuntong hinga ako at si Lanna.

"Nasaan ka na ba kasi Kim."

*****^****^*****

Lese's Pov:

Papunta na sana ako sa Arcade na may biglang kumuhit sakin.

"Miss...Nahulog niyo po to."

Napalingon ako sa likod ko at laking gulat ko na nakita siya.

Sh*t! Ba't siya nang dito?!

Inabot sakin ni Shin yung nahulog kung susi sa sahig. Mabuti nga lang na nakita niya to pero bakit siya pa naman?!

"Ikaw pala yan. Gorilla." Sabi niya sakin sabay ngiti.

Akala ko ba nakipag peace na toh sa amin pero wala pala e.

Kinuha ko nalang yung susi ko na nasa kamay niya at tumalikod na sa kanya.

Palakad na sana ako na bigla siyang sumigaw ng "Thank you nga pala a!"

Lumingon ako ng sandali at sinagawan ko siya ng "Your welcome, UNGGOY!" Nilakasan ko ang pag sigaw ng unggoy kaya naman napatingin ang mga tao sakin.

Rinig niya rin yung sinabi ko kaya naman naglakad na ako papaalis sa paningin niya.

Nang naglalakad ako, may feeling akong may sumusunod sakin.

Tumalikod ako at...na...













Nagkahalik kami?!

Napatumba ako sa sahig na nakahawak sa aking mga bibig.

No...no...I can't believe it...Di pwede toh! Ikamamatay ko toh.

"Huy! Ok ka lang?" Tanong niya sakin sabay bigay ng kanyang kamay.

Sinampal ko ang kamay niya.

"Aray! Ano bang prob---"

Tumakbo ako ng malayo papunta sa CR habang umiiyak. Maraming nakatingin sa akin.

Kinulong ko lamang ang sarili ko sa cubicle at umiiyak.

Di pwede! First kiss ko! Wala akong planong ibigay yun sa kahit sino pa man!

Ngunit ayun...kinuha na...sa taong pinakaayaw kong maipakuha.

Sa UNGGOY pa naman!!!

Sa dami dami ng tao, bakit sa kanya pa? Ba't hindi nalang sa kay Daniel Padilla o kay James Reid?

Bakit si Raymond Shin Cruz pa naman ang naka kuha?! T____T

*knock*knock*

"Hoy. Gorilla. Lumabas ka nga diyan!" Sigaw ng boses na ayaw kong marinig.

"Sira ulo ka ba *hic* ? Female's restroom toh *hic* , tapos pinapasukan mo *hic*? Bakla ka ba *hic*?"

"Hindk ako bakla noh."

"E-edi umalis ka na *hic*...*sob*"

"Hindi. Hindi ako aalis kapag hindi ka lalabas diyan." Sabi niya.

Naghintay nalang ako at umiiyak pero hindi pa rin siya umaalis. Nasa labas parin siya ng cubicle ko.

Naawa ako konte sa kanya dahil marami na sigurong babae ang nag sasama ng tingin niya.

"Uhmm...sir? Pwede na po ba kayong lumabas? Female's restroom po kasi ito eh." Sabi ng hindi pamilyar na boses.

Yung janitress ata yung kausap niya.

"Hindi, pwede ate e. May babae kasi akong na paiyak at nasa loob siya ng cubicle na ito." Sabi niya sa janitress.

"Pero sir. Bawal po talaga e." Sabi ng janitress.

"Hindi talaga aki aalis ate." Paninigas nito.

"Umalis na po kayo."

"Ayaw ko talaga. Di pwede."

"Sir, pag hindi po kayo aalis, ipapatawag ko kayo sa security."

Hala! Patay ka.

"Sige na ate. Kinuha ko kasi yung first kiss nito kaya umii---"

Hindi siya natapos sa pagsasalita kasi lumabas na ako sa cubicle at naglakad na rin palabas sa restroom.

Sinundan niya ako at sinisigaw ang pangalan ko.

"Lese! I'm SORRY!"

Love Wars (Girls V.S Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon