Chapter 14

1.7K 50 0
                                    


Lese's Pov:

*kring*kring*kring* < [Kristina]

Dinig ko yung pagring ng aking cellphone. Sinagot ko ito habang ang mukha ko ay nakadikit sa unan ko.

"Hello..." Walang gana kong pagbati.

Hindi ko naman kasi tiningnan yung screen kung sino man yung caller. Tinatamad kasi akong gumawa ng mga bagay bagay.

[TAKTE! Natutulog ka pa ba?!]

Napa upo ako ng maayos dahil sa laking gulat ko ng pagsigaw sa kausap ko.

"Puta! Sino ba toh?" Galit kong tanong.

Walang 'ya tung kausap ko. Akmang akong sigawan.

[Hoooyy!!! Si Kim tohhh!!!] Sigaw niya ulit.

Aish! Kim naman oh. Sakit na tuloy yung tenga ko.

"Ba't ka ba napatawag?"

[Hala, nakalimutan mo na ba ata? May lakad tayo ngayon, tae.]

Hindi na ako nag dalawang isip pang tunayo at nag punta na sa banyo.

Enend call ko na yung tawag namin ni Kim.

Takte naman oh. May lakad pa pala kami ngayung  araw nato.

Binilisan ko na yung pagkaligo ko at nag damit na panglakad. Kumain na ako ng almusal at nag paalam na kay Mama at ni Papa.

Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive na papunta sa meeting point namin.

*****^****^*****

Kim's Pov:

"Tagal niya~" Reklamo ni Lanna.

Kotse kasi ni Lese ang gagamitin namin papunta sa mall.

"Ginising mo ba talaga siya?" Tanong ni Zirk sakin.

"Oo. Papunta na siguro yon dito sa park." Sagot ko naman sa kanila.

Ang park na ito ay ang pinakahalaga sa amin dahil dito kami nagtatambay pag walang magawa sa bahay. Dito na rin yung meeting point kung may lakad kaming apat.

*beep*beep*

Napalingon kami sa direksyon ng nagbeepbeep kanina.

Nagwawave si Lese samin sa driver's window.

Nagwave naman kaming tatlo sa kanya at naglakad na papunta sa kotse niya. Sumakay na kami at nagmaneho na si Lese.

"Ba't tagal mong nakaratin?" Tanong ni Zirk sa kanya habang nagsusuklay ng buhok niya.

"Sorry...Nakalimutan ko kasi e. Alzheimer's nato." Sagot niya naman na pabiro.

Napatawa lang ako na nasa front seat habang sina Lanna at Zirk ay nasa passenger's seat.

"Hay nako, Lese. Sa susunod ako na yung magdadala ng kotse. Kapag hindi ka dumating ng maaga o sa oras ng usapan natin...Iiwan na namin ka." Pabirong sabi ni Zirk.

Nagtawanan nalang kaming apat.

Hays...ganda talaga kapag may mga kaibigang palaro at pabiro.

*****^****^*****

Medyo malayo yung dinaanan namin dahil sa traffic kaya naman nakarating kami ng hapon sa mall.

"Ano Kim? Gutom ka na?" Natatawang tanong ni Lanna sakin.

Nakita niya kasi akong nakatingin sa McDo kaya ayun, tinutukso niya ako.

Oo amin ko, gutom na gutom na talaga ako.

"May problema bang magugutom?" Tanong ko naman sabay bigay ng samang tingin sa kanya.

"Eto naman o. Hindi naman mapadala sa joke." Sabi niya at nag peace sign sakin.

"E, binubully mo yung tiyan ko e." Sagot ko naman at napatawa lang siya.

"Tara na nga kayong dalawa. McDo tayo. Libre ko." Yaya ni Zirk sa aming dalawa ni Lanna.

Yes! Libre ni  Zirk! Ayos toh.

Nag order si Zirk ng dalawang spicy chicken with rice, isang chicken fillet at isang spaghetti with rice din.

Kilalang kilala talaga kami ni Mommy Zirk. Pati paburitong foods namin alam na niya.

Sakin na punta yung spaghetti. Yung dalawang spicy chicken ay napunta nila Lese at Lanna. Normal chicken lang si Mommy Zirk.

"I lhab you mommy~" Sabi naming tatlo sabay pang-aasar ni Zirk at nagbigay ako ng kiss sa pisngi niya.

"Magsitigilan na nga kayo. Libre na nga...umo O.A na...Tss." Sabi niya sa amin.

Nagtawanan nalang kaming tatlo habang si Zirk naman ay sinamaan kami ng tingin.

Nang natapos kaming kumain, dumiretso na kami sa pamimili ng mga damit na nasa lista ni Nna.

Nakainis talaga tong si Nna. Ba't pa ba ako yung pinabili e, meron naman yung boyfriend niya o siya.

Hayyss...

"Oh, tapus na yung nasa lista. Nabili na natin lahat." Sabi ni Lanna sa amin.

"Tara arcade tayo?" Yaya ko sa kanila.

Tumango yung dalawa pero si Lese daw ay iilalagay pa niya yung mga damit na binili namin sa likod ng sasakyan. Susundan nalang daw niya kami kaya pumunta naman kami sa Arcade.

Si Lanna ay nasa karaokehan at kumakanta lang doon mag-isa kasi naman iba yung pinaglalaroan namin ni Zirk.

Si Zirk ay naglalaro ng parang sayaw sayawan na kung may arrow na huhulog sa screen ay
Istestep niya yung pinagtatayuan niya sa kaparehas ng direksyon sa arrow.

Anu ba ngang tawag sa laro nayan? Di ko alam e.

[A/n: Di ko talaga alam. Sorry sa istorbo]

Ako naman ay naglalaro ng basketball. Palagi ko itong mashoshot kaya maraming tao ang nakatingin sakin.

Dinig ko ang pagbubulungan nila.

"Ganda naman niya. Marunong ding maglaro ng basketball."

"Type ko ata siya."

"Astig naman niya."

Napalingon ako sa likod ko at kitang kita ko na may maraming lalake ang nakatingin sakin.

"Grabe! Hot niya!"

"Pwede kayang huminge ng number?"

Lalapitan sana ako ng isa sa mga lalake pero may humila sakin pa alis sa arcade.

Love Wars (Girls V.S Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon