Kim's Pov:
Tawa lang kami ng tawa dito. Nagtatago lang kami sa may puno na kung saan malapit sa ika-2 na trap.
"Ano ba yun si Ken, hahahaha, akala ko ba naman hindi siya madadapa eh. Wahahah." Bulong tapos tawa ni Zirk. Ulol na si ses. Tapos yung dalawa, nagpipigil din ng tawa. At ako? Ayun katatapos lang tumawa kaya nanahimik na.
"Oi. Kailan kayo tatahimik diyan? Ayan na sila oh." Sabi ko sabay turo sa apat na lalake na naglalakad naman ulit papunta sa ika-3 trap.
"Wahaha. Mga ugok talaga. Alam naman nila na may mga traps, sinundan parin. Wahahha." Sabi nitong si Lese. Hay naku! Nga naman. Mga ulol talaga.
"Tara. Sundan na natin yung mga unggoy." Yaya ko sa kanila at sumang-ayon rin yung tatlo. Naglakad na kaming apat at syempre nakatago parin, alangan nabang magpapagitna kami sa harapan nila diba?
Tapos ano? Sisigaw kami ng Merry Christmas? Ganern?
"Kailangan ba talaga natin sundan yung mga arrow na iyan? Alam naman natin na may mga patibong pero sinusundan parin natin." Reklamo ni Shin. Well, obviously you don't have to. Common sense mga brad.
"Parang lang kasi yang love, kahit alam mo nang ma----"
"HEEPPS! OPS! OPS! DON'T SAY IT!" putol ni Ken sa kanya. Napa nguso naman si James at inirapan si Ken. Napa face-palm naman kaming mga babae dito na nanonood lang sa kanila. Ganito na ba umakte mga lalake ngayon? I have to admit, pero grabe ah! Tinalo pa niya ata kaming mga babae dito e.
"Hmph! BITTER ka lang. Gagu! Bleh~" sabi ni James tas nilabas niya yung dila niya na parang nanunukso. Poker face lang naman si Kenneth. Makikipag talo pa ba siya sa mukhang pato? Psh. Oo, inaamin ko na gwapo si James pero pag ngumuso siya ay para siyang pato. To be honest.
"Tara na nga. Di tayo pumunta dito para mag babaklaan." awat ni Shin sa dalawa. Sinamaan siya ng tingin nila Ken at James. Di pinansin ni Shin ang kanilang mga titig at dumiretso lang sa paglalakad. Nakarinig ako ng mga tawang pinipigilan sa tabi ko. Tiningnan ko sina Zirk at Lese, halos mamula sa pagpipigil ng tawa.
"You know what Shin? You're ROAD." Napahinto sa paglalakad si Shin at tiningnan si James. He has this 'WTF?!' face.
E? A-ano daw? Si Ken? Kalsada? What the fuck?!
"Yo-You're acteng like a k-ked." dagdag pa niya.
Biglang may lumagpas na hangin sa amin. Napahinto yung utak ko sa narinig niyang sinabi. Pati sina Zirk, Lese at Eilanna ay parang pino process yung mga salitang binitaw ni Ken. Napa isip ako bigla ng, SI KEN NGA BA TALAGA TOH?!
Biglang humalakhak ng tawa si Eilanna at dahil ang pagtatawa ay isang virus, sumunod sina Lese at Zirk. Ako? Ayun, tumatawa rin.
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...