Ethan's Pov:
My mind went blank. Parang nasira yung utak ko sa kakaisip. Hindi ako nag iisip na kung ano ang magiging reaksyon niya kundi ano yung gagawin ko.
Masaya ako. (Don't tell her)
Masaya akong nahihiya? Di ko alam! Basta pagkatapos nun ay agad niya akong itinulak.
Oh ano ngayon? Marathon na naman? Ako nanaman itong hahabol?
Di ko kayang tumingin sa direksyon niya. Di ko alam kung ano na ngayon ang reaksyon ng mukha niya. Gusto kung tignan para malaman kung ano nga yung nararamdaman niya pero natatakot ako. Baka galit siya sakin ngayon.
Never pa akong naka halik ng isang babae for how many times already. Rather, di pa nga kami. WALA PANG KAMI.
Tas nangyari na ito sa aming dalawa. Nakarami na kami. Kung maliit lang para sa inyo, pwes! Huwag kayo, more than one is many! Tandaan niyo yan.
Ang tahimik naming dalawa. Ilang minuto na kaya ang lumipas, but we are still here, sitting on the grass.
Nabasag ang katahimikan nung may sumigaw.
"Hoy! Nandyan lang pala yung bola. Hm? M-may na tamaan ba sa inyong dalawa?" Tanong ng isang lalake dala dala ang isang baseball bat.
Aba't ikaw pala ang dahilan nito e. Ewan ko bang mag papasalamat ba ako sayo o hinde. Aish!
"Mag---" pinutol ni Kim yung isasalita ko.
"Mag-ingat ka sa susunod. Heto oh, bola niyo." Sabi niya sa lalake na lumapit sa amin na ngayon ay nag lalakad na paalis dala dala ang bola na tumama sa amin.
"Tara na. Hinahanap na ata nila tayo. Minarathon pa ba naman natin yung buong campus na akalain mong daig pa ang isang kastilyo." Wika nito sa akin. Nakaramdan akong ng konteng kirot sa dibdib ko.
Wala ba siyang naramdaman kahit konte sa nagyari sa aming dalawa? Ganun ba kadali sa kanya ang nangyari? Dati e, sumisigaw pa yun o tatakbo.
Ba't ngayun, parang natural lang sa kanya? Habang ako dito na gago sa kakaisip.
"Hoy! Tatayo ka ba o tatayo? Halika na. Iiwan kita diyan e." Tawag niya sa akin. Napangiti nalang ako sa sarili ko.
Nga ba naman, ano ba naman ako sa buhay niya. Oo dati nagulat siya kasi di pa kami close nun masyado? Pero ngayon, wala lang ata sa kanya ang isang halik galing sakin.
She has probably dated other men other than me. Why wouldn't she? There are many guys all around the world. I'm not the only one. I'm not special.
DI AKO SPECIAL CHILD! HUTA!
Naglakad kami pabalik sa mga kasama namin. Napatingin ako sa aking mga kaibigang lalake.
Mabuti pa nga sa kanila, steady lang sa pag proprocess. Sigurado akong mag kakatuluyan tong mga gago sa mga nilalandian nila. Ako lang ata siguro yung hindi e.
We even had that promise na bawal kaming mahulog sa isang babae. Kasi pag nahulog ka, talo ka.
At oo, talo nga ako. Hulog na hulog na ako sa kanya. Di na ako makaka akyat pabalik. Ganito pala ang tinatawag nating pag-ibig. Kausapin ko kaya sila mama at papa tungkol nito minsan.
Sigurado din akong ganito din ang nararamdaman ng mga kaibigan ko ngayon. Syempre, abot tenga yung mga ngiti e. Tsaka sa mga nilalandi naman nila, 100% sure akong may gusto din yan sa kanila. Jusko! Mukha pa nga lang ng mga ito.
Pero si Kim kaya...
May pag-asa ba ako sa puso mo?
*****^****^*****
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...