Shin's Pov:Di ko alam kung bakit ko to ginagawa. Baka kasi nakonsensya lang. Ba't ba kasi ito umiiyak.
"Anong tinitingin mo diyan?" Tanong nito sakin habang pinupunasan yung mga luha niya.
"Wala lang. Akala ko kasi di ka umiiyak." Sabi ko naman.
"Tumahimik ka nga anong akala mo sakin? Dapat nga di kita pinakita nun e. Kainis ka!" Sabi nito sakin sabay suntuk sa braso ko.
"Aray!" Reklamo ko naman.
Hindi niya lang ako pinansin.
Pumunta kami sa arcade. Sabi niya kasi nandito yung mga kaibigan niya pero wala e. Hinanap namin sila pero wala talaga.
"Nasan na ba yun sila?" Tanong niya habang ninilibotlibot yung arcade.
"Baka naman nagutom kaya bumili muna sila ng pagkain." Sabi ko naman.
Napalingon siya sakin.
"Bago pa kaya kami natapos kumain ng lunch. Hindi kami patay gutom noh. Except ni Kim, oo yun, patay gutom talaga yun pero di naman yun nagpapasama nila Zirk or Lanna kapag bibili ng pagkain e." Sabi naman niya sakin.
Waw. Kilalang kilala talaga niya ang mga kaibigan niya.
Naglakad lang kami ng lakad hanggang may masdan akong babae na hinihila ng isang lalake...
Si ET?!
Napatulala lang ako sa nakikita ko. Close nilang dalawa. Parang magkajowa ngang pumorma e. Bagay na bagay sila, parang...they were just made for each other.
Nawala ako sa pinagdedelusionan ko nang bigla lang akong sinuntok ni Lese.
"Huy! Ba't tulala kalang diyan?" Tanong nito sakin.
"W-wala...may nakita lang ako." Sagot ko naman.
Napatingin siya sakin na parang may mali.
"W-what?" Tanong ko naman sa kanya.
Di niya ito sinagot at tumingin sa direksyon kung saan ako nakatitig kanina.
Nanlaki ang mga mata niya.
"I-is that...K-Kim?" Tanong niya sakin.
"Yep...That's her." Sagot ko naman sa tanong niya.
Napatahimik siya at pinagmasadan ang dalawa.
Maya maya ay nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon nila.
"KIM!!!"
*****^****^*****
Kim's Pov:
Naglakad lakad lang kami ni Ethan matapos niya akong kinaladkad pa paalis sa arcade.
"Ethan...nagugutom na ako." Sabi ko sa kanya.
Napahinto naman siya sa paglalakad habang nakahawak parin sa aking braso.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito at tumingin sakin.
"Hindi naman talaga ako nagugutom. Sanabi ko lang yun para ma pahinto ka sa paglalakad o sa pag hihila ko." Sagot ko naman at binitiwan na niya yung braso ko na kanina pa niya hinahawakan.
"Sorry."
"Hah? Sa alin?" Tanong ko naman sabay hawak sa braso ko na hinawakan niya.
Nanakit kasi ito dahil sa kahigpit ng paghahawak niya.
"Dahil diyan." Sabay turo sa hinahawakan kong braso.
[A/n: Yeah, daming hawak nga word. Sorry sa isturbo.]
"Ahh...hindi. Ok lang to." Sabi ko naman sabay bitaw sa braso ko at nginitian ko siya.
Napangit rin naman siya.
"KIM!!!"
Tumingin akon sa likod ko kung saan nang galing yung boses. Nakita ko si Lese na tumatakbo papunta samin.
"Lese!" Sigaw ko sa kanya nang nakarating siya sa harapan namin.
Kasunod niya ay si Shin.
Teyka...anung ginagawa niya kasama si Lese?
Napatingin lang ako sa kanya na hinahangal.
"Kim!" Sigaw naman ulit nito sakin.
Uso ba ang sigawan ngayon?
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.
"Ahh...Wala." Sagot ko naman.
Nakita ko siya napatingin sa kay Ethan kaya agad ko namang inexplain kung ano ang nangyari kanina.
"So ibig mong sabihin... Hinahanap mo sila Zirk at Lanna?"
Tumango lamang ako.
Napagbuntong hinga si Lese at tinalikuran ako.
"Tara na nga. Hanapin na natin yung dalawang iyon." Sabi niya at naglakad na siya.
Saan kaya yung dalawang iyon nagpunta?...
Maya maya ay may nakita kaming dalawang babae na may kasamang dalawang lalake.
Sina Zirk at Lanna yun! Kasama nila sina James at Kenneth.
Nagtakbuan kaming apat papunta naman sa kanila.
Ginulat ko naman sila ng "Hoy! Anung ginagawa niyong apat hah?!"
Nagulat silang apat sa akin.
"Jus ko po. Mamatay na sana ako kanina." -Zirk.
"Kabayong Kim!!!"-Lanna.
Napatawa lang ako sa naging reaksyon nilang dalawa pagkatapos nun ay kinulit nila yung buhok ko. Kaya ayun tuloy. Gulo na yung buhok ko.
"Kim naman e. Wag ka sanang mang iwan na walang paalam." Sabi ni Zirk sabay buntong hinga nito.
"Oo nga! Nagtext ka sana kung aalis ka." Pangsang-ayon naman ni Lanna sa kay Zirk.
Ipinakita ko sa kanila yung cp ko, walang load at empty bat ito.
"Anung gamit sa cellphone mong iyan?!" Inis na tanong ni Lese sakin.
"Decoration?" Pabiro kong sagot.
Sinuntok naman nila yung ulo ko pero hindi malakas a. Baka naman mahulog yung utak ko sa sahig.
Nagtawanan lang kaming apat habang yung mga lalake naman ay napangiti lang samin.
"Ano palang ginagawa niyo dito?" Biglang tanong ni Lanna.
"Aahh...may..."
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...