Chapter 46

1.2K 33 0
                                    


Ken's Pov:

Nasa backstage kami ngayon ni Lanna. Hinihintay yung mga turn namin. Uuna yung mga babae tsaka susunod narin yung mga lalake. Ladies first kasi e.

Konte lang yung mga contestants kasi parang dalawang paaralan lamang ang nasa paligsahan dito. Oo, tatlo nga kami pero collab nga diba?

Ba't ba nagcocollab yung dalawang paaralan hah? Yun ang malaking tanong dito. Ako nga e, walang alam. Kaya huwag niyo akong tatanungin. Hintayin niyo nalang sina Tita Beth at Tita Vistal na magkakapov. I eexplain ata nila pero di ko alam kung kelan.

"Huy, Ken! Anyare sayo? Kanina pa kita tinatawag." Napabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Lanna.

Kaming dalawa ni Lanna ang sa mga solo at may dalawang magkapair naman para sa duet. Chen ba yung pangalan sa lalake? Parang ganun na nga pero sa babae di ko alam.

Naks! Dami kong walang alam a.

"Ano ba Ken?! Nabibingi ka na ba?" Nabigla ako sa pagsigaw ni Lanna.

Tiningnan ko siya gamit ang mga mata ko. Syempre! Ano sa tangin nyo gagamitin ko? Bibig? Tenga? Luh.

"B-bakit?" Na uutal kong tanong. Medyo kinabahan kasi ako, baka galit siya. Umiiling iling lamang siya at kinuha yung kamay ko.

Ramdam ko ang pangignig ng mga kamay niya. Kinakabahan ata siya. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa kabilang kamay ko. Nakapatong yung kamay niya sa kaliwang kamay ko at yung kanang kamay ko naman ay nakapatong rin sa kamay na nakapatong sa kaliwang kamay ko. Galing noh?

"Magiging ok ka lang." Mahinhin kong sambit at nakita ko siyang ngumiti. Nginitian ko naman as a reply.

"Sure ka?" Tanong niya habang nakangiti.

"Sure na sure. 100% sure." Sabi ko. Niyakap niya naman ako at yun ang dahilan sa bilis ng tibok ng puso ko.

Asha! Lanna! Mamatay na ata ako!

Tumawa siya ng konte.

"May sasabihin ako sayo mamaya." At niyakap niya ako ulit. Niyakap ko naman siya pabalik.

Di ko alam pero ang saya ko ngayong araw na ito.

[Next! From FH and SCA.]

"K-ken..." tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko pa rin na kinakabahan pa siya.

"Relax...We'll be fine." Nginitian ko siya pero umiling iling siya na parang hindi iyon ang ibig niyang sabihin.


"Nandito si Dad."

*****^****^*****

Lanna's Pov:

Tumingin tingin ako sa mga audience at may isang tao ang nakakuha ng attention ko. Hindi siya isang ordinaryong audience lang. He's special to me.

"K-ken..."


"Nandito si Dad."

Nakita ko naman na nanglaki yung mga mata niya. Alam kong kinakabahan rin siya kasi nakakakilabot ang mga paningin ni Dad. Nakatingin siya sa amin. Tumuyo yung lalamunan ko.


This is Dad were talking about. He wants everything to be perfect. He likes perfection.


"Ken...Di ko...Kaya." nabigla ako sa pagyakap niya sa'kin at may binulong sa tenga ko. Napangiti lang ako sa sarili sa sinabi niya.

Love Wars (Girls V.S Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon