Ethan's Pov:Lakad doon, lakad dito. Kahit saang banda nalang kami napagpag sa campus dito.
"Akala ko ba ako lang yung nagtotour, e kayo rin naman e." Sabi ni Lese.
"Sumama sana kayo sa akin kanina para madali lang." Dagdag pa niya saka binatukan siya ni Shin.
"Ano ba?!" Inis na tanong nito sa kanya.
"Tumahimik ka nga. Daldal ka lang ng daldal e." Ayan na naman sila. Susugod na naman yung gyera nila.
Kanina pa lang, rinig na rinig namin yung pinag-uusapan nila. Tungkol kay google raw e. Nakita ko rin na namula si Shin. Tsk. In lhab rin pala tung isa pang unggoy e. Akala lang nila na hindi kami nakikinig e, dinig na dinig yun namin kasi nasa likod namin sila.
Akala ko pa ba naman na matatalino tung dalawa. Top 1 pa nga. Yun pala isip bata rin pala.
"Guys...Ilang oras kaya tayo maglalakad? Gutom na ako e." Reklamo naman sa katabi ko.
Alam niyo na siya siguro...
"Ganyan ka naman palagi e. patay gutom." Sabi ni Zirk at sinamaan siya ng tingin ni Kim.
"Kanina pa kaya tayo dito. Punta nalang kaya tayo sa Principal's Office nila para madali." Binatukan namin siya at napa aray din siya sa sakit. Syempre sumali ako. May idea lang pala siya ngunit di niya sinabi. Di rin namin na isip e.
"Problema niyo ha?! Masakit kaya." Reklamo niya at hinawakan niya yung ulong niyang binatukan namin.
Kami kasing lahat ang bumatok sa kanya. Syempre hindi ko nilakasan sakin pero malay ko lang sa iba.
"Meron ka palang ideya diyan. Ba't di mo sinabi?"-Ako.
"Di kayo nagtanong e. Akala ko ba naman na naisipan niyo rin. Diba mga honors kayo? Tsk." Umuna na si Kim sa paglalakad.
"Hoy! Kim! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Lanna sa kanya.
"Ano? Sasama kayo sa akin papuntang office o hindi?" Agad naman kaming humabol sa kanya dahil ang bilis kasi maglakad.
Paano nga pala niya nalaman kung saan yung office?
*****^****^*****
Kim's Pov:
Problema ng mga taong ito? Binatukan man nila ako sa ulo. Magiging bobo talaga ako nito. T_T. Huwag naman sana kasi pinaghirapan kong mag-aral para ma honor.
Teyka...pinaghirapan ko ba?
Malay ko basta nagbabasa rin ako minsan ng libro. Saka na madali akong maka memorize ng mga bagay bagay kapag binabasa ko. Kaya bago mag exam nagbabasa ako ng libro. Di ako nakikinig at totoo yun.
"Ba't mu alam kung saan ang principal's office hah?" Tanong agad ni Et na ng makahabol siya sa akin.
"May nabasahan akong mapa. Namemorize ko yung direksyon kaya alam ko." Binasa ko yung emergency exit plan nila na nakalagay doon sa bulletin board nila. Kaya ayun. Alam ko.
"Weh?" Kinurot ko naman yung braso niya. Ayaw kasi maniwala e.
"Aray." Daig niya ng kinurot ko siya. Yan! Bagay sayo kasi binatukan mo ako kanina. Hindi nga malakas pero binatukan niya parin ako. May isang kamay lamang ang bumatok sa akin ng malakas kaya kung sino man iyon, patay talaga yun sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Novela JuvenilFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...