Lanna's Pov:
"May, bibilhin lang sana kami." Sagot ni Ken sa tanong ko.
"At ano naman yun?" Dagdag na tanong ni Kim.
"Basta." Sagot naman ni James.
Naglakad lakad lang kaming walo habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa nakaraang araw.
Bukas na pala last day nila dahil counted din kasi ito sa sabutan ng dalawang eskwelahan.
"Diba, kayo naman ang susunod na pupunta sa school namin?" Tanong ni Ethan.
"Oo."
"Kelan ba kayo papasok?"
"Di namin alam e." Tanging sagot lamang ni Zirk.
"Guys...Nagugutom na talaga ako."
Nagkatinginan kaming lahat ni Kim na nakahawak sa kanyang tiyan.
"W-what? May problema bang magugutom?" Tanong naman nito sabay taas ng kilay.
"Kababago pa nga natin natapos maglunch, nagugutom ka na agad?" Sabi naman ni Lese sa kanya
"E, kasalanan niyan ng Dunkin Donuts e." Sabi niya sabay turo sa Dunkin Donuts na nasa harapan namin.
Wala kaming choice kun'di magpunta na sa Dunkin Donuts. Mabilis kasi tong magutom si Kim e. Pag may nakita itong pagkain nagugutom ito. Hindi rin naman ito tumataba. Tss. Player naman kasi e.
Kumain na rin kami sa mga doughnuts na binili namin.
"May problema ba tiyan mo?" Tanong ni Shin sa kay Kim na hindi parin humihinto sa pagkain.
"Para ka kasing buntis na kumakain e." Dagdag pa nito.
Malapit na mabulunan si Kim sa kanyang kinakain ng marinig niya yung sinabi ni Shin. Kami naman ay nanlaki lamang ang mga mata sa sinabi niya.
Grabe tong bata toh. Akmang pang sabihin yun e, alam naman ata siguro nito kung gaano kalakas si Kim e.
"Hindi kaya." Pangdipensa ni Lese sa kanya.
"O-oo nga. Ba't mo naman na sabi yun." Pabiro kong sabi pero sa totoo ay nanginginig na ako sa lamig ng atmospera.
Grabe kasi tong magalit si Kim.
"Kim, gusto mo bili tayo ng ice cream?"
Napalingon ako kung sino man ang nagsabi nun.
Si Ethan pala.
Napatingin din si Kim sa kanya at nginitian ito.
Napabuntong hinga kaming lima habang sina Ethan at Kim ay naglalakad paalis papunta sa Snowpy. Si Shin naman ay napakunot noo lamang na nakatingin sa amin.
Sinuntok ni Lese ang ulo ni Shin.
"Aray! Ba't mo ba ako sinuntok? Akala ko ba peace na tayo?" Eh gago ka pala e! Mabuti nga naman na nakahanap ng paraan si Ethan para kalmahin si Kim.
"T*ngina mo! Gago ka!" Sabi ni Lese sa kanya.
"Ba't mo yun sinabi? Grabe ka kapag makasalita ah." Dagdag pa niya.
"Bakit bawal ba?" Putek! Tumatanong pa toh.
"Di ba obvious. Tss." Nagtinginan nalang kaming dalawa ni Zirk.
Napabuntong hinga ito kaya naman napatingin si Lese sa amin.
"Anong problema mo, Zirk?"
"Ahh...Kasi...me--"
Di na niya na ituloy kasi ako na yung tumuloy sa sasabihin niya.
"Yang mga lalake kasing iyan ay nagplaplastikan lamang." Napansin ko na nagkatinginan sina James at Shin habang si Ken naman ay parang wala lang.
Hind nga siya kasali.
"Wait...so ibig sabihin alam niyo ang mga pinaplano namin?" Inirapan ko lang si James.
"Hindi kaming lahat ang naka alam." Tumingin ako ni Zirk.
"Kami lang dalawa ni Zirk alam dati. Ngayon alam na rin ni Lese. Malay ko dun ni Kim kung alam na na niya pero parang hindi pa e." Pagpapaliwanag ni Zirk sa kanilang dalawa.
"Wait. Teyka nga lang. Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Lese sa aming lahat.
Napatahimik lamang kami at tumingin lang sa paligid.
"Hoy! Nandito ang nagtatanong. Wala diyan. Sagutin niyo nga ang mga tanong ko!" Utos nito sa amin.
"Ang ingay mo. Oo nga. Plastikan lamang toh namin." Sagot ni Shin sabay suot ng kanyang earphones.
"Alam niyo? Bagay tung kamay ko para sa pisngi niyo e. Ang p*p*ta niyo! T*ngina niyo! Mga G*go!" Pagsisigaw niya sa tatlo.
Napatingin ang mga tao sa kay Lese habang yung tatlo naman, hindi kumikibo.
"Tara na nga." Sabi nito sabay hila sa aming dalawa ni Zirk.
Napakahigpit ang pagkahawak nito sa amin.
Papalabas na sana kami na may biglang tumawag sa'min.
"Gals!"
Napalingon naman kaming tatlo sa kung saan galing ang boses nito.
Nakita namin si Kim na tumatakbo patungo samin habang nakahawak ng snowpy ice cream.
Pagkain na naman ang hawak nito.
"Saan ba kayo pupunta?" Tanong nito sa amin nang pagkarating niya.
"Uuwi na tayo." Napatingin ako sa kay Lese na parang naiiyak.
"Lese. Iiyak ka ba?" Napabuntong hinga si Lese.
"May problema ba?"
"Wala na. Kinuha na siya."
Nagkatinginan naman kaming tatlo sa isa't isa sa sinabi niya.
"Ang alin?!"
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...