Zirk's Pov:Lunch break na kaya naman umalis na kami sa classroom at pumunta sa cafeteria.
Nagsisiksikan ang mga tao dun kaya naman marami ang nakabundol sa amin.
"Ugh. Ba't ba nagsisiksikan ang mga tao dito? Pagnahulog tung sopas ko, lagot talaga sila." Medyo malakas ang pagkasabi dun kaya naman parang binibigyan kami ng daan nila.
Nice lang Kim ah. Nice lang talaga.
Sa Forrester High kasi hindi ganito simula nang nahulog yung strawberry cake ni Kim dahil may nakabundol sa kanya. Nagwala kasi itong si Kim sa cafeteria ng FH kaya ayun, hindi na nagsisiksikan ang mga tao doon.
Naghanap kami ng table hanggang may nakita kami na malapit sa window. Doon nalang kami sumettle down.
"Ganda ng view." Pahayag ni Lanna na nakahawak parin ng libro.
Nagsimula na kaming kumain ng may biglang nag-ehem. Napatingin kami sa kanila na nakatayo habang dala dala ang kani-kanilang tray.
"What? Spot niyo ba naman?" Sarkistadong tanong ni Kim.
"Yes. So alis." Sagot ni Ethan sabay utos sa amin.
Kapala ng mukha nitong gago na to.
"Like always boys. First Come--"
"FIRST SERVE." Pagtatapos ni James sa sasabihin ko na parang umuusok ang ilong. Nagalit ata to sa ginawa ni Kim sa kotse niya.
"It seems like you get it kaya kayo ang umalis." Sabi naman ni Lese sabay bigay ng pang-aasar look.
"Sorry pero reserve toh e. Naka reserve sa PANGALAN NAMIN." Sabi ni Shin sabay turo sa may nakalagay na reserve.
Napabuntong hinga si Lanna.
Nagulat kami bigla except sa kay Kim nang bigla lang kinuha ni Lanna yung may nakasulat na reserve. Inilagay niya ito sa kabilang table na ginamit kanina ng mga babae at ngayon ay tapos nang kumain. Maraming nakalagay na ginamit na plato. Galing ata sa mga babae kanina.
"Anong ginawa mo?" Tanong ni Kenneth.
"Di ba OBVIOUS? Inilagay ko diyan. Nakalagay kasi itong reserve card nato kanina diyan. It was move by a bunch of girls a while ago." Sagot naman ni Lanna sabay irap.
Ngayon ko pa nalaman na doon pala yun galing. Akala ko ba nakatutok lang ito sa libro niya kaya paano niya nalaman?
"It seems that your reserve card is supposed to be in there." Wala silang nagawa kaya umupo sila sa kabilang table. Narinig namin na nag-tss lamang si Shin.
Napangiti kami sa isa't isa nang nanalo naman ulit kami.
Another point for us.
*****^****^*****
Kim's Pov:
"Oy Kim. Mauna na kami. Iiwan ka na namin." Dinig ko. Natutulog kasi ako ngayon kahit tapos na ang klase.
Hindi pa ako bumangon dahil nakakatamad. May narinig akong pagsira ng pinto.
Lumabas na si Zirk.
Hayss...Wala talaga akong planong bumangon kahit ni isa pa. Nawalan kasi ako ng enerhiya kaya matutulog nalang muna ako. Maya maya may biglang pumasok. Hindi ko na ito pinansin kasi malamang isa naman itong estudyante.
May naglalaro sa buhok ko kaya naman agad na akong bumangon.
"Woah. Easy there."
Napabuntong hinga ako ng marinig ang boses na iyon. It's him. Of all people ba't siya pa? At bakit siya nandito? Diba iisang kotse lang sila?
Ayt...Oo nga pala. Sira yung kotse nila dahil sakin. Well. I don't give a damn about it.
Tumayo na ako at naglakad paalis. Feeling ko may sumusunod sakin pero hinayaan ko nalang. Nang makarating ako sa parking agad kong kinuha yung susi. I still can't believe to what happened to my car.
Nagstart na ako ng makina nang may biglang pumasok ng sasakyan ko.
Abg kapal ng mukha mo! Tae ka!
Napasama ako ng tingin sa kanya.
"What?" Sarkistadong tanong niya.
"Get out." Utos ko naman.
"No fucking way."
"The hell. Get out!"
Nagmamatigas ang ulo nito at hindi pa rin bumaba. Nagseat belt pa nga. Tangina.
"You can't make me. Dito na ako sasakay kasi may certain someone na sumira sa Benz namin kaya ayun, wala akong masasakyan." Pagpapahayag nito sakin sabay ngumiti.
I glared at him. How dare he!
"Hindi ko na yun kasalanan. Sinu ba naman kasing umuna hah?"
He just shrugged and smiled at me again.
"Umalis ka na nga." Utos ko.
"Like I said. Can't, Ki." Ugh. Don't call me that! That name didn't exist in this world.
"Why don't you just drive para matapos na toh?" Waw lang ha. Grabe siya. Feel na feel ang pagkaprinsipe. Eh hindi naman.
No choice kaya naman nagmaneho na ako kesa ma abutan pa kami ng bukas sa pakikipag awayan. Ayaw lumabas eh.
Ugh. I hate this guy. I hate Ethan Luke Scotts.
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...