Chapter 54

1.2K 42 40
                                    


James' Pov:




Pagkatapos naming kumain ay napag isipan naming mag tambay sa office ni Tita Vistal. Gusto namin doon kasi malamig. Hindi rin naman kami pwedeng magtambay sa clinic kaya dito nalang kami.





"So? Why are you gentlemen here?" Tanong niya sa amin pagkatapos niyang kumuha ng kape at umupo sa upuan niya. Simply the Headmistress' Chair.




"Just nothing." Walang ganang sagot ni Ken sa kanyang tita.




"Well, then get out." Sabi niya laya agad naman kaming napa simangot.




"What's with those faces? I said get out." Sabi niya at tinuro yung pinto. Para tuloy kaming mga aso na pinapalabas ng bahay.




"Tita naman eh. Ang init init sa labas eh." Pagrereklamo ko. Alam kong para akong babae o batang nag rereklamo pero totoo naman kaya.



"Then go to your classroom?" Tanong niya sa aming apat.




"Ayaw namin. Masyadong ma ingay dun." Sagot ni Shin. Oo nga! Puro bulungan at tilian lamang ang aming naririnig doon.



Mga babae nga naman.





Pero yung apat talaga, naiiba sila sa mga ibang babae na nadiyan. Hindi sila tumitili kapag nakikita nila kami at hindi rin sila mga mukhang coloring book.




"Then since your here, do an errand for me." Napunta naman ang mga mata namin sa kay Tita Vistal at agad na tumayo sa kinauupuang sofa namin kanina.





"Ah, sige po Tita. Alis na po kami." Sabi ko at akmang na sanang hawakan ang doorknob.




"At saan naman kayo pupunta?" Tanong niya na ikinabato naming apat. Ayaw na ayaw naman talaga namin ang mabigyan kami ng isang utos eh. Gusto ko pang magpunta sa classroom na kahit maingay kesa sa mautusan ni Tita.



"T-tita naman eh. Diba gusto n-niyo po kaming bumalik sa classroom? Eh, ayan na po. Papunta na po kaya by---"



"NO!" Pagpuputol niya sa kay Shin.



"Pero tita Vistal naman eh!" Maktol ko at ngumuso na parang bata. I hate errands the most. I really really hate it.




"You don't want to go to FH?"



H-hah? A-ano raw? FH ba yung narinig ko? Baka nabibingi ako makitanong nga lang.



"A-ano po?" Tanong ko sa kanya.



"I said, ayaw niyo ba itong dalhin ang mga papel dito ni Beth?"




"Sige po, sige po. Kami na po ang bahala niyan." Sagot ko tapos nginitian siya. Nginitian niya rin naman ako papabalik at kinuha yung mga papel na nasa drawers niya.



"Anyway, these papers are IMPORTANT. Never EVER lose them." Sabi niya at diniinan yung ilang nga salita sa sinabi niya.



Mabuti pa yung papel, importante kesa sa puso ko. Haayy...Sadlyfe.





"You may go." At lumabas na kami. Si Ethan yung may hawak sa mga papel, siya yung nag volunteer eh.



"Hello? Oo. Sunduin niyo na kami." Sabi ni Ken sa cellphone niya. Tinawagan ata yung sundo namin eh.



Love Wars (Girls V.S Boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon