Lanna's Pov:Muli kaming bumalik sa FH. Namiss na naming apat ang school nato. Pero hindi parin namin ma alis sa aming utak na magcocollab yung dalawang school.
"The four beauties of our school. Pinapatawag po kayo sa office." Sabi ng adviser namin pagkapasok niya.
Nagsitayuan naman kaming apat at lumabas na sa classroom.
"You guys knew what is it, right?" Tanong sa amin ni Kim sabay lingon.
Tumango naman kaming tatlo sabay sabay at naglakad na papuntang office.
Actually hindi namin gusto makipagcollab sa mortal enemy ng school namin. Why? Kasi maraming palaka at unggoy doon. Zoo yun e. Kaso lang magkabestfriends sina Tita Vistal at si Mom. Mabait naman din si Tita Vistal kaya di naming kayang tanggihan ang mga disesyon nila.
Nakakasakit sa ulo talaga toh. Tsk.
*****^****^*****
Nang makapasok na kami sa office nakita ko si Mom at si Tita Vistal kasama yung mga unggoy.
Pero may isa sa kanila na wala doon.
Si Ken...
Nasaan na kaya yun?
Umupo nalang kaming apat sa may bakanteng sofa.
"Right. Everybody is now present so---"
"Not everybody." Pagpuputol ko ni Mom kaya napalingon naman silang lahat sa akin.
"Nasaan siya?" Tanong ko.
"Kung si Ken ang hinahanap mo... Ayun! Bumalik doon sa Korea." Sagot naman ni Shin na nakasimangot.
"Bakit naman daw? Alam naman niya siguro na magcocollab yung dalawang school diba?" Tanong ni Lese sabay taas ng isang kilay.
"Tinawagan siya bigla ng Papa niya kahapon. Ngayon daw yung flight niya papuntang Korea." Sagot naman ni James.
"Nasaan na siya ngayon?" This time ako naman ang nagtatanong.
"Alam mo? Puntahan mo nga nalang. Baka ma abutan mo pa siya sa airport." Sabi ni Tita Vistal at napabuntong hinga siya.
Napatayo naman agad ako.
"What is the exact time of his flight?" Nagkatinginan naman silang tatlo na parang nagtuturuan kung sino ang sasabi.
"When is it?" Medyo napataas ko yung boses ko kaya nakita kong nanginig yung dalawa, sina Shin at James.
"A-ah...Baka mga 10:30?" Sagot naman nila. Tumingin ako sa relo ko at 10:00 na.
Umalis na ako at pumunta sa parking. Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho.
Di ko alam kung bakit nagkaganito ako pero gusto kung pigilan siya. Gustong andito lang siya sa tabi ko.
*****^****^*****
Tita Beth's Pov:
Nakatulala lamang kaming lahat dito nang umalis na yung anak ko.
BINABASA MO ANG
Love Wars (Girls V.S Boys)
Teen FictionFour girls versus four boys... Naging E.S (Exchange Student) sila sa kani kanilang school na matagal nang mortal enemies. Bawal sa dalawang grupo ang pagmamahalan dahil maari itong makasira sa pagkakaibigan nila. Ano kaya ang mangyayari kapag na in...