Dahil maaga pa ay may pagkakataon mag relax relax.
Bea may boyfriend ka?
Umiling si Val
Bea naku mag iingat ka dito. Mga lalaki dito malalandi. Lalo pag wala kang bf. Pero kahit naman may asawa nilalandi nila.
Val wala akong plano maging laruan nila. I'm just here for work experience and boys are no-no. Boys? Pare-pareho lang sila.
Francis ouch
Bea yoh why? Naano ka?
Francis tinamaan ang ego ko. Anyway break ka na daw Valerie sabi ni Ma"am, tara sabay na tayo.
Naupo si Francis sa katapat na bakanteng upuan na pinuwestuhan ni Val.
Francis lalim ng hugot, let me guess naloko ka na no
Val no, at hindi mangyayari yun.
Francis so where are you coming from kung hindi based on experience.
Val hindi ko kailangan ng experience.
Francis so hindi ka pa nag kaka boyfriend?
Val I don't need one.
Francis ok maybe that is why.
Val enough na ang nakita kong experience ng nanay ko ng lokohin sya ng tatay ko at sumama sa ibang babae. Isama mo na ang limang lalaki na nanloko at nanakit sa bestfriend ko. At isa pang lalaki na nanloko sa isa ko pang bestfriend.
Natawa si Francis.
Francis ok ok. Pero wag mo namna lahatin.
Val babawiin ko lang sinabi ko if makahanap ako ng isa kahit isang matinong lalaki.
Francis ipakikilala kita sa lolo ko.
Val ok given. Mga lalaki noon gentleman. Pero ngayon wala ka ng makikitang ganun.
Francis ok so pwede ko bang sabihin na lahat ng babae manloloko? Kasi niloko ng mom ko ang dad ko at naloko nadin ako ng babae.
Val hindi magloloko ang babae kung hindi mauuna ang lalaki.
Francis oh wow so women are saints.
Val whatever, why would I need to argue with you.
Kinuha nito ang pagkain at tumayo.
Francis stay. Ako nalang aalis.
Tumayo na ang lalaki.
Francis one day kakainin mo mga sinabi mo at for sure mabubusog ka.