Cheska bakit ka nakasimamgot?
Gab namimiss ko na babygirls ko. Two weeks na kaming hindi nagkikita kita.
Cheska bakit?
Gab busy na sila. Pero happy naman ako para kay Val. She came out from her comfort zone. Yung bookworm na yun ngayon nag hi-hiking na, nag tetennis, baka bungee jumping gawin na din nun.
Cheska uhm baka may boylet kaya inspired.
Gab hindi no nainspire lang kay Ram, si Ram kasi dami na din changes. Last time nga pinag luto kami nun.
Cheska naku, ano ba yan. Wala nga kayong mga boyfriend busy naman kayo sa kanya kanya nyong life.
Gab ok lang yun. Mag kakaibigan naman kahit matagal di magkita magkakaiibigan padin yan. Namimiss ko nga lang talaga sila. Noon kasi di ko napapansin na matagal na kami hindi nagkikita kita.
Cheska miss mo na mag ka bf no?
Gab hindi no. Alam mo ba nagagawa ko na uli hobby ko. Kaya mas naeenjoy ko ngayon pagiging single ko. Nag paparlor at nagcocoffee na nga din ako mag isa. Sad, pero keri naman. Dami ko na din napanood na movies, sa gabi yun ang pampaantok ko. Mas nakikilala ko sarili ko ngayon, mas alam ko kung ano gusto ko, like sa ayos ng buhok, hindi na ako humihingi ng opinyon ng babygirls ko kasi mag isa lang ako, bukod pala sa latte may gusto na akong ibang flavor ng drink, hindi nadin puro cheesecake ang kinakain ko.
Napapangiti si Gab habang nagkukwento.
Cheska alam mo, ako inaasar lang kita lagi, pero alam mo proud ako sa iyo. Kung makikinig lang ako sa iyo, di ko iisipin na si Gab ka, nag mamature ka na, you're learning on your own. Hindi ka na dumedepende ng happiness mo sa iba and soon si Miss Independent ka na.
Naglalakad si Gab papalapit sa sasakyan. Nakayuko at mabagal ang lakad.
Alexis uhm may problema ba?
Gab wala.
Alexis bat nakasimangot ka?
Gab namimiss ko lang mga kaibigan ko. Tara uwi na tayo.
Sumakay na sa sasakyan si Gab.
Habang nasa byahe napansin ni Gab na iba ang dinadaanan nila.
Gab san tayo pupunta?
Alexis uhm basta.
Gab uhm alam ko to ah.
Pumarada sila sa tapat ng isang school
Gab dito ako nag highschool. Paano mo nalaman?
Alexis sa fb mo. Alam mo dapat wag mo masyado ibigay lahat ng info mo. Delikado.
Gab sige papalitan ko mamaya. Tara baba na tayo.
Alexis ilibre mo ko ha.
Gab oo ba. Tara ayun si Mang Joel oh.
Mang Joel Gab? Oo Ikaw nga. Nasaan sina Ram at Val?
Gab naku kuya mga busy mga yun. (humarap kay Alexis) sabi sa iyo diba kilala ako ni Mang Joel.
Mang Joel aba oo. Itong mga babaeng to, sila ng mga kaibigan nya mahilig sa fishball. Gusto ni Gab tostado si Val naman squidballs ang gusto, si Ram mahilig sa maanghang yun.
Gab tandang tanda nyo pa talaga.
Mang Joel hay nako hija hindi ko makakalimutan kayong tatlong magkakaibigan. Napakabubuti ng mg iyan. Naku ikaw lalaki, maswerte ka dyan sa nobya mo, napakababa ng loob. Alam mo ba, ipinagamot niyan ang misis ko.
Gab Mang Joel talaga. E kamusta na po ang asawa nyo? Si Ate Tere?
Mamg Joel mabuti naman, mabuti. Hija sa susunod isama mo mga kaibigan mo ha. Sabihin mo miss ko na sila.
Gab oo kuya sasabihin ko mag fi-fishball party tayo. Alexis kuhanan mo kami ni Mang Joel.
Tinignan ni Gab ang picture
Gab ang ganda. Salamat Alexis. Kain ka na, ako bahala sa iyo. Naku the best ang sauce ni Ate Tere.