Maagang nagising si Val dahil may pasok siya. Dahil sa araw-araw na pag tetext ng lalaki sakanya nakasanayan na niyang tignan ang cellphone sa umaga, ngunit wala padin mensahe mula dito.
Naligo na siya at nag madali na mag ayos para makapasok.
Papasok palang ay nakita na niya si Francis.
Itinaas nito ng bahagya ang kaliwang kilay.
Nakita niyang nakita siya ni Francis ngunit hindi nito siya binati tulad ng kinagawian.
Hanggang sa mag break ay hindi ito pinapansin ng lalaki. Matapos kumain si Francis ay nagmadali ng kumain ni Val at agad na nagtungo sa lockerroom dahil doon nag hihintay si Francis ng oras para mag-in.
Val Ah Francis
Ui Val, ano ba ginagawa mo? Bulong ng dalaga sa sarili.
Francis uhm bakit?
Val ah uhm kasi yun ano ahm, yung mamon oo yun mamon na binigay mo sa akin. San mo binili? Kasi gustong gusto ni Ram yung kaibigan ko. Oo nagustuhan nya yun.
Francis ah yun ba. Sa mall lang. Makikita mo yun sa may supermarket.
Val ok salamat. Nagustuhan talaga kasi ni Gab yun.
Francis Gab?
Val oo kaibigan ko diba sabi ko
Francis ah nagkamali siguro ako ng rinig akala ko sabi mo Ram
Valerie!!! Ano ba itong ginagawa mo, nakakahiya ka
Val ah dalawa kasi yun bestfriends ko. Pareho nilang gusto.
Francis ok.
Agad ng tinalikuran ni Val ang lalaki.
Ano ba nangyari sa iyo Val? Bat mo ginawa yun? Pero nakakainis ang lalaking to. Ngayong sya na ang pinapansin sya naman itong snabero. Hay naku bahala nga sya. Kakainis.
Binagalan ni Val ang paglalakad palabas ng store at naka ilang sasakyan na ang dumaan ay hindi padin siya nakakasakay.
Nang makita niya na palabas na ang lalaki sa store nag kunwari ito na nag tetext. Sa pag aakalang may iaabot uli ang lalaki sakanya ay nadismaya lamang siya dahil dumaan lang ang lalaki at hindi nito siya pinansin.
Val nakakainis ka na Francis ano bang problema mo?
Kasalukuyang naghihintay si Val ng kanilang Prof.
Val Cathy nasaan na yun pinatype ko sa iyo na report na sinummary ko? Ipapasa na natin yun mamaya.
At sinadya niyang isend din kay Francis ang text nya na iyon.
Naku Val ano na ba talaga itong ginagawa mo? Nakakainis ka na Val.
Francis importante yata ang message mo, sa akin mo na send
Val may load naman pala siya.
Nag reply siya kay Francis at humingi ng paumanhin pero hindi na ito muli nag reply