Bago umalis ay mahigpit na nag bilin si Gab sa kasambahay na wag na wag magpapapasok na kahit na sino at huwag mag bibigay ng personal na impormasyon sa kung sino mang tatawag.
Gab mas mabuti na nag iingat ate. Alis na po ako.
Naglalakap sa pasilyo si Gab na harangin siya ni Romeo.
Romeo good morning.
Gab hi Romeo good morning.
Romeo nakatulog ka ba ng maayos?
Gab oo naman. Salamat uli kagabi sa dinner. Minsan ako naman manlilibre sa iyo.
Romeo sige aasahan ko yan. Papasok nadin ako baka ma-late ako. Ingat ka, mag aral mabuti.
Gab ok salamat
Mula sa likod ni Gab
Cheska GabNilingon ito ni Gab
Gab good morning Cheska.
Cheska nagkabalikan na kayo no? Di ka na nakatiis no?
Gab ano bang sinasabi mo? Mag kaibigan lang kami.
Cheska kaibigan nako tigilan mo ko.
Gab seryoso ako. Nakakatuwa nga hindi ko inaasahan kay Romeo yung ganun. Akala ko magagalit na sya sa akin at titigilan ako.
Cheska baka tinamaan talaga sa iyo.
Gab ewan ko ayoko isipin.
Cheska sige na nga, halika na bilisan na natin at baka ma-late tayo.
Gab mauna ka na titignan ko lang sino nag text sa akin.
Unknown kung gusto mo malaman kanino ka dapat mag ingat magkita tayo mamaya sa likod na labasan ng school. Wala kang pag sasabihan.
Gab nakakatakot naman ito.
Sinubukang tawagan ni Gab ang numero pero naka off na agad ito.
Gab uhm. Ano gagawin ko?
Kahit nag dadalawang isip ay nag tungo parin si Gab sa lugar na sinabi ng nag text doon ay agad niya agad nakita ang lalaking sakay ng itim na motor na naka itim na pants at jacket.
Kumaway ito sakanya.
Gab sino ka?
Agad na tanong ni Gab pag lapit niya sa lalaki.
Inabot nito ang isang itim na jacket.
Lalaki isuot mo ito. Itago mo ang bag mo sa loob.
At saka abot ng helmet.
Gab isasakay mo ako sa motor? Saan mo ako dadalhin?
Lalaki sumakay ka na
Pautos na sabi nito.
Mabilis na pinatakbo ng lalaki ang motor, sa bilis ay hindi na alam ni Gab kung nasaan sila. Hindi siya makapag salita sa takot.
Hindi niya kilala ang lalaki pero napasama sya dito sa takot na ano ang gawin sakanya kung hindi sya sumama.
Gab bakit pa kasi ako nag punta. Hay nako san kaya ako dadalhin ng lalaking ito.
Huminto ang lalaki.
Nakilala ni Gab ang kalye na pinaghintuan nila
Lalaki wag mo tatanggalin ang helmet mo. At huwag kang mag papahalata. Sa may coffee shop sa kanan may tatlong lalaki.
Gab sino sila?
Lalaki hindi ko din alam. Pero ang alam ko binabantayan nila ang kilos mo.
Gab bakit?
Hindi sumagot ang lalaki pinaandar muli nito ang motor.
Tumugil muli sila sa isang coffee shop.
Pinababa ng lalaki si Gab at saka ito bumaba
Lalaki sa loob tayo mag usap.
Tinignan maigi ni Gab ang lalaki ng mag tanggal ito ng helmet.
Gwapo, pero mukhang badboy. Nakakatakot.
Lalaki umorder ka na ng gusto mo
Hanggang sa dumating ang kanilang order ay tahimik ang dalawa.
Gab sino ba sila? At sino ka?
Alexis ako si Alexis. Kaklase ako ni Romeo. Ang mga yun? Hindi ko alam. Pero si Romeo ang nagpapabantay sa iyo.
Gab e bakit?
Alexis alam mo naman siguro kung gaano kakilala sa school ang ex boyfriend mo diba?
Tumango ang babae.
Alexis yung ginawa mo sakanyang pag papahiya sa court.
Gab yung nag sorry sya?
Alexis iniisip mo ba na ganun-ganun lang nya tatanggapin yun?
Gab nag usap na kami ng maayos. Nag kaintindihan na kami.
Alexis yan ang hirap sa inyong mga babae. Madali kayo mapapaniwala.
Napailing iling ang lalaki.
Gab e ano ba ang gagawin nya?
Alexis hindi ko alam. Narinig ko lang na pinababantayan ang mga kilos at gawain mo ni Romeo.
Gab baka naman concern lang sakin si Romeo. Baka for security purpose ang pagpapabantay nya sa akin.
Alexis bakit naman sya makikipag usap privately sa mga yun kung for security purpose? Ok inaalam ko pa ano balak nya. Kaya mag ingat ka na muna ngayon.
Gab why are you doing this? May gusto ka sakin no?
Tumawa ang lalaki.
Alexis gusto agad?
Tinitigan niya ng masama ang lalaki
Alexis I just can't just shut up kung alam ko something is about to happen.
Gab ok, thank you Alexis. Sabihan mo ko agad if may malaman ka. Siguro sa mga magulang ko muna ako uuwi para mas safe.
Kinuha ni Gab ang ice coffee niya, ininom ito na nakatingin sa lalaki.
Gab maniniwala ba ako sa sinasabi nito? Pero bakit naman ako pagsisinungalingan nito? Ano kaya ang balak sa akin ni Romeo?
Alexis bilisan mo na at ihahatid kita sa uuwian mo.
Gab naku wag na. Pupuntahan ko nalang muna ang kaibigan ko.
Alexis ihahatid na kita.
Gab kung mapilit ka sige pero tatawagan ko muna siya.
Kinuha ni Gab ang cellphone sa bag