Ram

1 0 0
                                    

Naiwan sina Ram at Ralph sa tabing dagat.

Mahina na ang apoy ng kanilang bon fire.

Nakasandal si Ralph sa kahoy at nakasandal naman sakanya si Ram.

Parehong tahimik, nakatanaw sa dagat na nasisinagan ng ilaw ng buwan.

Ralph: masaya ka?

Ram: oo sobra. Ikaw?

Ralph: lagi naman sobra ang saya ko kapag kasama kita.

Ram: ikaw talaga ang sweet sweet mo.

Ralph: i love you.

Ram: I love you too. So much. Alam mo sa mga ganitong pagkakataon hinihiling ko na sana huminto ang oras. Tapos ganito lang tayo, nakatanaw sa magandang view tapos katabi kita.

Ralph: ako ayokong huminto ang oras. Dahil marami pa akong gusto gawin kasama ka.

Ram: ikaw talaga. Oo nga sabagay.

Ralph: hindi ka pa ba nilalamig?

Umiling si Ram.

Ram: dito muna tayo. Ang ganda ganda dito, kita mo ang dagat, ang buwan, mga bituin.

Ralph: at higit sa lahat ang pinakamaganda, ikaw.

Ram: ikaw talaga lagi mo ko binobola. Sinagot na nga kita e.

Ralph: at kahit pakasalan mo pa ako hindi hindi kita bobolahin. Totoo lang mga sasabihin ko.

Bumangon si Ram at humarap sa lalaki.

Ram: pumapayat ang katawan ko pero tumataba ng tumataba puso ko dahil sa mga matatamis mong sinasabi.

Hinalikan ni Ram ang lalaki.

Ram: I love you so much.

Ralph: I love you.

Bumalik na sa dating pwesto si Ram.

Ram: kamusta naman mga kaibigan ko?

Ralph: natutuwa ako sa inyo kasi ang dami nyong pagkakaiba pero magkakasundo kayo.

Ram: oo nga e. Pero masaya diba,masarap sila kasama.

Ralph: yeah, I know totoong kaibigan sila. Nag worry talaga ako nung nag away away kayo, pero alam ko magiging maayos kayo agad, naramdaman ko na mahal na mahal mo sila talaga nung hindi kayo nagkakausap usap.

Ram: mga kapatid ko na yun. Di ko kaya mawala sila.

Ralph: at alam ko ganun ka din sakanila. Wag ka na mag worry, hindi na mauulit yun. Natuto na kayo.

Ram: Lord, ang bait ko po siguro nung past life ko, kasi binigyan nyo ko ng 2 totoong kaibigan at isang boyfriend na close to perfection na. Salamat po.

Ralph: He just loves you so much.

Ram: I know. Hmmm sayang lowbatt na phone ko. Dami ko pa gusto kunan ng pics.

Ralph: madilim na wala ka ng makukunan.

Ram: yung moon, yun reflection ng moon sa dagat.

Ralph: di ko dala cp ko e.

Ram: di bale, hindi ko naman malilimutan to e.

Raplh: kaso baka malito ka.

Ram: paano?

Ralph: e madami pa tayong beach na pupuntahan e.

Ram: ay oi nga no. Hahaha ikaw talaga. Wag mo ko masyado paasahin ha.

Ralph: hindi kita pinaasa kasi pangako ko yan sa iyo.

Ram: more travels to come, yey, excited na ako. And sa lahat ng yon lahat ng picture natin mapopost ko na.

Ralph: ikaw talaga IG. FB nanaman naiisip mo agad.

Ram: its my way of telling the whole world na ikaw lang nag iisang mahal ko.

Ralph: I dont need fb and IG, ikaw na kasi mundo ko.

Niyakap ni Ram ng mahigpit ang lalaki.

Isang halik naman sa noo ang tugon saknya ni Ralph

Our PromiseWhere stories live. Discover now