GAB
Manang Gab, si Cheska nasa labas.
Gab pakisabi sa school na kami magkita at mag usap. Ayoko lumabas ng kwarto. Ayokong makipag usap kahit na sino.
Manang ok sige. May gusto ka ba kainin?
Gab mamaya na po please iwan nyo na po muna ako.
. . . . . . . . . .
RAMRalph babe? Gusto mo lumabas? Movie, shopping, beach? O gusto mo mag luto tayo.
Ram thanks babe. I'll sleep na muna.
Ralph tanghali na and you're not eating anything yet.
Ram later na.
. . . . . . . . . .
VALVal sorry mom kung napatawag ako. I have no one to talk to na.
Vanessa bakit anak ano ba ang nangyari?
Val my friends hates me. We made a promise, Ram, Gab and I, hindi kami pwede mag bf hanggang mag 25 kami.
Vanessa nagalit ba sila sa iyo kasi ginawa mo yang promise na yan
Val no mom, it was Gab's idea. There was this guy. Mom she made me change the way I judge guys. Kaso mom ginamit lang nya ako. And worst akala ng mga kaibigan ko boyfriend ko sya. Akala nila hindi ako tumupad ng pangako. Wala na ma, wala na ako kaibigan at yung guy na akala ko makakapag pabago sa akin. Wala na. Wala na ma.(umiyak si Val)
Vanessa sorry anak wala ako dyan para damayan ka.
Val mom bakit ganun? Bakit, ikaw nasaktan ka na niloko ka na ni dad pero pinili mo padin magmahal si tito nandyan kasama mo ngayon. Hindi ka ba natatakot? Balewala ba yung sakit?
Vanessa hindi ko din alam anak e. Sobra anak, sobrang sakit ng malaman ko ang kalokohan ng dad mo, padagdag ng padagdag ang sakit habang nalalaman ko ang kalokohan ng dad mo at wasak na wasak ako, durog na durog ng piliin nya ang babae nya kaysa sa atin. Kasama sa pag alis ko ang pag mo-move on. Akala ko pag malayo na ko wala na yung sakit, pero araw araw nararamdaman ko padin yun hanggang sa dumating ang tito mo. And it was like magic, ang corny no anak. Pero unti-unti nawala ang sakit, ang galit, napalitan ng saya, pagmamahal, mga bagong pangarap. Kasi Nak, hindi naman love ang nananakit, yung tao. And hindi lahat ng tao nananakit, marami padin naghahanap ng totoong pag ibig, kaso nga lang minsan kakapilit natin mahanap napupunta tayo sa maling tao tapos ipinipilit natin kahit hindi naman talaga sila yung para sa atin kaya nasasaktan tayo.