Mabilis na nagpalit si Val. Suot niya ng puting swimsuit at puting shorts. Nakasabit sa braso niya ang kanyang twalya.
Pababa siya ng hagdan ng mag bukas ang pintuan.
Nanlaki ang mga mata ni Val sa nakita at agad na itinakip ang tuwalya sa kanyang katawan.
"Francis?"
Bitbit ang isang maliit na maleta ay laking gulat din ng binata sa nakita.
"Valerie"
"anong, bakit? Ah, kasama ka ni Cheska?"
("namiss kita, masaya kong makita ka dito")"inihatid ko lang siya. Hi-hindi ko alam na kasama ka"
("buti kasama ka at nakita kita uli, miss na kita)"ganun ba? Uhm. Uh.."
("inihatid lang?baka pwede mag stay ka na")"aalis din ako agad. Kasama na ni Cheska si Gab, hindi naman nasabi na nandito ka, nautusan lang ako na magdala ng gamit nya dito. Nagkaayos na pala kayo"
("sana pwede ako mag stay, gusto ko makausap ka at makapagpaliwanag, magsorry")"ah oo. Sa itaas sa kanan na pinto ang kwarto ni Cheska"
Tumabi si Val para bigyang daan si Francis na dumaan sa hagdan.
Atsaka naman dumiretso sa pinto si Val.
"Valerie"
"yes?"
("please sabihin mo na mag stay ka")"uhm pupuntahan mo ba sila Gab?"
"oo"
"yan ang suot mo?"
("ang sexy mo bagay sa iyo ang suot mo pero gusto ko magpalit ka baka mabastos ka sa labas)"ah oo bakit?"
"wala naman"
("kaso wala akong karapatan na pag palitin ka ng suot")"sila kasi pinilit ako. Hindi daw nila ako isasama sa picturan kung di ako mag bikini. Naka rash guard ako kanina"
"ah may grupo kasi ng mga lalaki sa daanan e baka pag mag isa ka lang mabastos ka. Ilalapag ko lang itong gamit ni Cheska tapos ihatid kita sa mga kasama mo"
"o-ok sige"
Saglit lang ay bumaba na din si Francis at sabay na lumabas ang dalawa.
Habang naglalakad
("gusto kong bagalan ang paglalakad para mas makasama ko pa ng matagal si Francis")
("sana malayo pa ang kinaroroonan nila para mas matagal ko pang kasama si Valerie.")
Ilang saglit pa ay tanaw na nila ang mga kasama.
Paglapit nila.
Gab: wow magkasama sila.
Francis: hinatid ko lang si Valerie may mga lalaki kasi kaming nadaanan.
Val: salamat Francis ah.
Francis: wala yun uhm paano mauna na ako. Cheska, sasabay ka na saknila bukas ah.
Cheska. Yap ingat.Tumalikod na si Francis at nag simulang maglakad.
("isang tawag mo lang Val, please I'll stay)
Pinagitnaan ni Gab at Ram si Val.
Gab: ui ano di mo pipigilan?
Napakagat labi si Val.
Ram:hahayaan mo lang ba siya?
Val: natatakot ako. Baka ireject lang nya ko.
Cheska: I doubt, miss ka na nyan no.
Ram: dalii na girl decide na. Palayo na sya oh.
Gab: make a move...
"FRANCIS!!!" pagsigaw niyo ay mabilis na tumakbo si Val palapit kay Francis na agad na tumigil sa paglalakad at humarap sa kinaroroonan ni Val.
Magkalapit na ang dalawa, harapan.
Val: Francis.
Francis: Valerie?
Hinawakan ni Val ang kamay ng lalaki.
Nagkangitian ang dalawa.
Hinila ni Francis si Val papalapit sakanya at niyakap.
Ilang saglit pa ay naghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa
Val: Francis. I'm sorry. Sorry kung nagalit agad ako, sorry kasi sobrang takot ako masaktan.
Francis: shhh nagkamali ako sa party noon. Pero Valerie. Gusto kita, gusto talaga kita. Hindi kita ginamit lang, sinama kita sa party dahil gusto kita ipakilala sa pamilya ko.
Val: takot ako masaktan, pero nung dumating ka at maramdaman kong gusto kita mas naramdaman ko ang takot na mawala ka sakin at mapunta ka sa iba. Francis, hindi na ko takot magmahal kahit alam ko na pwede akong masaktan.
Francis:Valerie, wala kang dapat ikatakot, kasi ipinapangako ko sa iyo na hindi kita sasaktan. Valerie.
Hindi na hinintay ni Val ang iba pang sasabihin ng lalaki at muli siyang yumakap dito.
Val: please stay
Tumango tango ang lalaki.
Saglit pa ay naghiwalay na uli ang dalawa.
Francis: ayoko ihatid si Cheska kanina pero ng makita kita, ayoko na umalis. Salamat pinigilan mo ko.
Val: salamat sa mga kaibigan ko at sila umudyok sa akin.
Parehong humarap ang dalawa sa kinaroroonan ng mga kasama.
Nanonood sakanila ang mga kaibigan.
Nag thumbs up si Ram sakanila.
Nag flying kiss naman si Gab.
Itinaas ni Val ang dalawang kamay at sumenyas na kunwari ay inilis ang korono sa ulo at itinapon ito.
Nagtawanan ang mga kaibigan.
Val: hugutera queen is now signing off..