Gab

3 0 0
                                    

Gab ay nako ang galing mo. Dahil dinala mo ko kay Mang Joel ayun tinamaan ng guilt ang mga kaibigan ko. Si Ram pinagluto ako, pinuntahan nila ako sa bahay.

Alexis thats good.

Gab salamat sa iyo.

Alexis masaya lang ako nakikita kang masaya?

Gab ha?

Alexis wala. Sabi ko wala yun. Wala lang iyon.

Gab ok

Nag katitigan ang dalawa sa salamin ng sasakyan.

Agad naman umiwas ng tingin si Alexis.

Pag dating sa school. Bago pa man pag buksan ni Alexis si Gab ay bumaba na ito.

Gab mauna na ako ah. Mamaya nalang.

Malapit sa sa room si Gab

Cheska Gab!

Gab oh ano?

Cheska may humahabol ba sa iyo bat madaling madali ka?

Gab ah wala. Baka kasi late na ako.

Cheska Gab, punta ah. Debut ng bunso namin.

Gab kailan?

Cheska sa Sabado. Finally, mapapakilala na kita kay kuya.

Gab ang kulit mo.

Cheska ipapakilala lang naman saka sabi nya sakin may gf na daw sya. Di naman ako naniniwala, baka palusot lang yun para di ko na kulitin.

Gab tigilan mo na kasi. Wala ka mapapala.

Cheska ito naman concern lang ako sa iyo. Ayoko din naman na nasasaktan ka na ng kung sino sino na lalaki. E may kilala ako na matino, mapagmahal na lalaki at higit sa lahat loyal, faithful, stick to one

Gab alam mo kahit kapatid mo yun wala naman assurance na hindi ako masasaktan.

Cheska ok ok. Sige na hindi na ko mangungulit. Pero pumunta ka ah.

Gab oo na. Pwede ko ba isama babygirls ko?

Cheska ay sige sige ok lang, sure na sure.

Nasa sasakyan na pauwi si Gab di tulad ng dati na madaldal ito, ngayon ay nananahimik lang ito.

Alexis bat tahimik ka?

Gab ay naku naku pagod lang. Oo pagod. Hay nakakapagod.

Alexis naiilang ka ba sakin?

Gab ilang? Naku bakit naman? Hindi no

Alexis naiilang ka kasi tingin mo gusto kita?

Gab ha? Hindi.

Alexis paano kung sabihin ko na gusto nga kita?

Gab ha? Ano? Ay nako, ano teka. Uhm mag drive ka dyan. Di bagay sa iyo mag joke.

Alexis gusto kita.

Gab hindi nakakatawa.

Alexis hindi ako nag bibiro.

Gab sorry. Pero hindi ako pwede mag boyfriend.

Alexis dahil ba kay Romeo? No, wag mo na sagutin.

Our PromiseWhere stories live. Discover now