Francis Valerie
Val ano yun?
Francis may itatanong lang ako
Val ano? Bilisan mo mag i-in na ako.
Francis gusto mo na ba ako?
Val ha
Francis o sige sige wag mo na sagutin. Ahm, pwede ba kita yayain sa date bukas ng gabi?
Val ok.
Francis ah wear something nice.
Val I always do wear nice clothes
Francis I mean. Mag ayos ka, wear a dress, heels.
Val ok.
Pumunta na sa counter si Val
Val Bea!!!
Bea bakit?
Val tingin ko bukas na sya magtatapat.
Bea bakit?
Val niyaya nya ko mag date bukas. Formal, pinag dedress nya ko, heels ewan basta nice daw.
Bea OMG ano gagawin mo?
Val ewan ko. Hindi ko alam.
Bea gusto mo ba sya
Tumango tango si Val
Val pero
Bea pero?
Val natatakot ako.
Bea ok naiintindihan ko pinanggagalingan mo. Pero tignan mo sa dami dami ng hugutero at hugutera, sa dami ng mga niloko, naloko, manloloko bakit ang dami padin mag jowa, madami padin ang nagpapakasal, bakit?
Val ewan
Bea kasi love is magical, masarap mainlove. Yes pwede ka masaktan, kung napunta ka sa maling tao.
Val paano ko malalaman kung sino ang tamang tao?
Bea paano natin malalaman kung takot tayong malaman kung sino sya. Love is a risk, it is not for the weak.
Val I wanna take a risk. Kasi nararamdaman ko totoo si Francis sa akin.
Bea finally..