Bea ikaw ah umiiwas ka sa basaan kaya nag resign ka agad agad at effective immedietly pa
Val hindi naman. Ang hirap lang na kasi pag sabayin ng work at pag aaral, graduating pa naman ako.
Bea akala ko naman dito ka na hanggang Ma"am Val na tawag ko sa iyo.
Val naku sasakit lang ulo ko sa iyo noh.
Bea e teka, nagpaalam ka na ba kay papa Francis?
Val ha? E bakit naman papaalam pa. Hayaan mo yun. Makakahanap din yun ng ibang pag ti-tripan.
Bea asus ano ako bulag? Kala mo di ko kayo napapansin. Mga ngitian at kindatan nyo.
Val wala na yun Bea, sabi ko naman sa iyo diba. Pare-pareho lang mga lalaki. O wag ka na kumontra. Base on my own experience na yan.
Bea oh my. So naging kayo?
Umiling si Val
Val nakakatawa nga e. Hindi naging kame pero nagawa nya akong saktan. Ang galing diba?
Bea ang sad naman. So lalo ka na magiging bitter nyan, ikaw na talaga ang Hugot Queen.
Val words of wisdom yun hindi hugot. Anyway (may kinuha sa bag) pakibigay kay Francis ang jacket na to. Si Cheska nagbigay nito sakin pero alam ko sakanya to.
Bea wow kilalang kilala ang amoy.
Val aalis na ako. May pupuntahan pa ako e.
Bea o sige. Sinadya mo na talaga na hapon pumunta para di abutan si Francis ah.
Val mas ok na yun. Bye Bea, salamat ah. Magkita tayo minsan.
Bea: oo pag bake mo ko ng amplaya cupcakes ah