Gab

3 0 0
                                    

Nasa classroom si Gab naghihintay ng proffesor ng lapitan siya ni Alexis.

"Gab"

"anong ginagawa mo dito? Paano ka ba nakakapasok dito? Gusto mo isumbong kita sa guard?"

"estudyante ako may i.d ako. Gab please mag usap tayo"

"bakit pa?para saan pa ba?"

"Gab, sorry. Maling mali na idinamay kita sa galit ko kay Romeo. Pero alam ko kasi na masasaktan sya ng sobra pag ikaw ang ginamit ko. Oo loko loko yun, oo babaero. Pero ayun tinamaan sa iyo, nakahanap ng katapat. At hindi naman ako nagtataka, Gab, madali kang mahalin, maganda ka sa loob at labas. Masarap kang kasama. Gab, sorry at sa totoo lang walang alam si Romeo sa nagawa ko. Sorry Gab, ibabalik ko mga binayad mo sa akin"

"No need. Pinapatawad na kita."

"Talaga ba?"

Tumango tango ang dalaga.

"si Romeo?"

" Bahala na kaming mag usap, at sana kung anuman alitan nyo maayos na. Salamat Alex, masarap ka din kasama, sana hindi ganito ang nangyari sa atin baka naging magkaibigan pa tayo"

Nagdatingan na ang mga kaklase ni Gab kasunod noon ang kanilang prof kaya nagpaalam na si Alexis.

Our PromiseWhere stories live. Discover now