SOFIA POINT OF VIEW
.
"Sofia,alam muna bang nag quit na si ma'am dianne sa school?"balita sa akin ni flor kaya napanga-nga ako.
Paano siya nag quit?? Akala ko ba hindi niya kami iiwan hanggang sa mag graduate kaming lahat sa school na to?
"Paano nangyare yun?"
"mukhang seryoso pinag uusapan niyo ah?"singit ni dave na kakarating palang.
Nakangiti lang siya sa akin habang papalapit siya sa amin ni flor..
"nag quit na si ma'am"walang emosyon na sabi ko.
Pangalawa na siyang nanay sa buhay ko pero hindi ko na siya makikita. Kahit ngayon palang namimiss kona siya.
"alam mo sofia wag ka ng malungkot"napatingin naman kami sa kanan at nakita namin si third.
"sino bang hindi malulungkot. Halos lahat na ng araw kasama ko siya lage tapos siya ang lageng nasa tabi ko kapag kailangan ko siya .. Tapos---"
"oh mukhang may patay hah?"bungad samin ni king kaya natuon ang attention namin sa kaniya.
"sira ulo ka talaga!"sabay batok sa kaniya ni quel.
"anyare?"tanong ni adrian na kakarating lang din.
"nag quit na kasi si ma'am"sagot naman ni flor.
Yumuko ulit ako.
Bakit kaya siya nag quit sa school? Eh, alam naman naming lahat na wala siyang problema sa amin pero bakit siya nag quit?? Siguro, may mga bagay na hindi namin alam tungkol sa buhay niya kaya naman umalis na siya.
"sofia wag ka ng malungkot nandito pa naman kami,oh"sabi ni dave sabay akbay sa akin kaya napatingin ako sa kanilang lahat.
Ngumiti ako ng malapad at naalala ko bigla yung trip na pinaguusapan namin kailan lang."may plan na ba kayo sa darating na trip natin sa pampangga?"
"wala pa nga eh"sabi ni quel.
Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room.
"ano bang balak mo sofia?Total ikaw din naman ang president namin"tanong sa akin ni flor.
Sa totoo lang, wala pa akong napagplanohan sa isipan ko dahil medyo busy din ang utak ko sa mga gawain sa school.
"Teka lang mag search ako mamaya tungkol sa trip to pampangga basta mag online kayo at ime-message ko nalang kayo"nakangiting sabi ko.
Di namin namalayan na nasa tapat na pala kami ng room namin.
"flor mukhang di papayag ang parents ko"napatingin ako sa direction nila flor at cess. Halata sa mukha niya na nag sisinungaling siya. Tsk! sinungaling talaga.
"Bakit naman cess? Katuwaan lang naman natin yun diba? Tska malapit na ang bakasyon hindi na tayo magkakasama ulit"sabi naman ni flor..
"alam mo sofia may narinig ako sa kabilang section. May magandang hospital daw sa pampangga at mukhang maeexcite tayo kasi hunted house daw yun"wika sakin ni will.
"dun nalang kaya tayo?"napangiti ako.
Mukhang maganda nga yung sinasabi ni will.
"pero sofia hindi daw nagpapapasok yung guard dun baka mapahamak daw tayo"sabi naman ni king.
"edi! Takutin natin siya para siya na ang umalis" Bright idea.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...