CHAPTER #30|bestfriend|

47 3 0
                                    

-------sofia-------

Masaya akong makitang nandito na ulit si maam dianne sa tabi namin. Tinupad niya talaga ang sinabi niya na hindi niya kami iiwan. Iniwan niya kami pero bumalik din naman siya.

"Flor"mahinang sabi niya sabay hawak sa kamay ni flor, hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. "Kumusta kana? Balita ko ilang linggo ka ng nakahilata dyan ha. Hindi kapa ba gigising?"dugtong niya.

May pumapatak na palang luha sa mata ko habang sinasabi ni maam yun sa kaniya. Namimiss ko na rin kasi ang kakulitan ng bestfriend ko.

Nakaramdam naman ako ng akbay mula sa likoran ko at alam kung si king yun, siya naman kasi lage ang nag co-comfort sakin kapag masama ang loob ko, siya yung nagpapalakas sakin.

"Will"

Napatingin agad ako sa likoran ko at mali pala ako ng hinala kasi si will yung umakbay sakin. Niyakap ko agad siya ng mahigpit pagkakita ko sa kaniya, subrang miss na miss kona siya. Hindi ko aakalain na pupunta siya dito.

"Namiss kita"mahinang sabi ko sa kaniya pero alam kung rinig nila yun.

"Namiss din kita sofia"wika din naman niya sakin kaya napangiti ako at lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.

Flor. Ikaw nalang ang kulang. Sana gumising kana para kompleto na tayong pito, sana ikaw yung kapalit ng pagkawala ni mom kasi nandito na si will at siya ang kapalit ni dad.

Malungkot man ako ngayon kasi nawala pareho ang magulang ko pero napalitan naman kunti ng saya ang puso ko dahil bumalik na si maam dianne at ganun din si will tanging si flor nalang talaga ang walang malay ngayon.

"Ah. So-sofia"

"Halatang excited ka talaga"rinig kung sabi naman ni adrian kaya tumawa sila, humiwalay naman ako agad kay will sabay hampas kay adrian.

"Namiss ko lang talaga yung barkada ko"nakangiting sabi ko sabay tingin ulit kay will, nakagiti lang din siya sakin.

"Ehem! Balita na uy, tapos na ang drama"pagpaparinig naman ni king kaya tumingin ako sa kaniya sabay ngiti.

"Magtitinginan lang ba tayo dito?"tanong naman ni rose ng nakatingi rin.

"Group hug"wika naman ni cess kaya nagyakap kaming lahat at kasali na sympre si flor.

Namiss ko talaga ng subra yung squad namin. Simula kasi nung mamatay si rina parang nawalan na kami ng pag-asang mabubuo kami ulit pero kahit pala ganun may mga tao paring nandyan para pasayahin at saluhin ang pagkukulang ng iba. Masaya akong nakilala ko silang lahat kasi kung hindi sila ang naging kapamilya ko, siguro hanggang ngayon nag luluksa parin ako dahil sa pagkamatay ng mga parents ko pero sila talaga ang nagpaligaya sakin lalo na si king......

"Bakit?"tanong niya nung nahalata na niyang nakatitig ako sa kaniya.

"Ehem! Muling ibalik ang tamis ng ---"

"Kamatis?"dugtong ni adrian kaya nagtawanan kaming lahat.

Napatingin naman ako bigla kay flor."Flor tignan mo kami. Subrang saya namin kahit na madaming problemang hinarap namin kaya naman gumising kana dyan para mas lalo tayong sumaya"nakangiting sabi ko sabay hawak sa kamay niya at niyakap ko siya.

May kamay naman akong naramdaman sa likoran habang hinahaplos niya yun. Tumingin na ulit ako kay flor, subrang himbing parin ng tulog niya kaya naman ngumiti ako bago ko siya halikan sa noo.

-----

Hindi ko alam kung bakit umilaw bigla yung labi ko nung halikan kona ang noo ni flor kaya naman napaatras ako agad.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon