ROSE POINT OF VIEW
Sa bilis ng oras uwian na agad. Hindi ko pa nakikita si hanna simula nung dinala siya sa clinic. Sana maging ok na siya. Hindi naman kasi tama ang ginagawa ng multo'ng yun pero mas hindi tama ang ginawa nila adrian nung nasa hospital pa kami, nag laro sila ng spirit of the glass. Hindi nila alam kung anong mangyayare kapag hindi nila natapos yun.
"anak, mukhang malalim ang iniisip mo ha?"wika ni nanay sabay upo sa tabi ko, ngumiti lang ako sa kanya.
"wala po nay" ayokong mag alala si nanay kapag nalaman niya ang ginawa ko sa school.
"kumain kana ba?Nagugutom ka ba?" Kahit kailan talaga napaka maalalahanin ni nanay, kapag umuuwi ako ng bahay yan lage ang naririnig ko sa bibig niya.
Umiling ako sabay ngiti ulit.." nay, akyat na muna ako sa kwarto ko"
"sige anak"
Simula nung mawala si tatay, hindi na namin binabanggit ang pangalan niya. Ayokong umiyak, masaktan at lumuha dahil lang sa pinag palit kami ng tatay ko sa ibang pamilya. Pamilya na mga mayayaman.
Pagpasok ko sa kwarto ko humiga ako agad sabay tingin sa kisami.
'Tatay saan po kayo pupunta? '
'ayoko na sa bahay na to, sawang sawa na ako'
'bakit mo kami ginaganito ha?, binigay ko naman lahat ha. Ako na ang nag trabaho para sa atin tapos iiwan mo lang din kami'
'wag kang ganyan kasi nag trabaho din ako, sawang sawa na ako sa bwesit na buhay na to '
------
Sa mga oras na yun di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas kasi wala na ang padre de pamilya namin, umalis na. Hindi ko alam kung bakit niya kami pinag palit sa mga mayayaman.
Minsan na ding nagkasakit si nanay dahil sa kakaisip kay tatay at yun ang hinding hindi ko makakalimutan. Namuo bigla sa puso ko ang galit sa kanya, kaya kapag nagpakita siya ulit sa bahay na to. Di ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Kinalimutan ko na siya. Hindi ko na siya ama. Wala na akong tatay na gago.
----
Sa kanya tong powers ko, si nanay wala siyang ganitong lakas tanging si tatay lang. Kay tatay ko to minana.
HANNA POINT OF VIEW
Pag gising ko palang subrang sakit na ng katawan ko diko alam kung bakit at tska paano ako nakarating sa clinic. Ang naalala ko lang ay nung bumaba ako sa kotse ko para umakyat na sa room namin.
"ms. hanna ok na po ba kayo"bumungad agad sa akin ang mukha nung nurse. Umupo ako sa kama sabay unat sa mga kamay ko.
"anong nangyare?"takang tanong ko sa nurse..
"sinaniban ka"
Napatingin ako sa may pinto, nakita ko si king at will.
"sinaniban??"gulat na sabi ko. Bakit ganito ang itsura ko?
"sinaniban ka ng isang ligaw na kaluluwa" Bigla nalang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nakakatakot naman.
"alam mo ba ang ginawa mo kanina?" Nakangiting sabi ni will sa akin. Lumapit sila at umupo malapit sa kama.
"ano?" Wala akong matandaan.
"kakaiba ka, at subrang lakas mo kanina. Si rose ang nagpatigil sayo"kwento naman sa akin ni king. Si rose?
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...