Chapter # 13|kwento|

113 12 0
                                    

Sofia point of view


Pagkarating namin sa room masama ang tingin ni ma'am sa amin kaya nagtataka kami.

"Sundutin kona kaya ang mata ni ma'am"bulong sa amin ni flor.

"Ano kaba wag ka ngang ganyan"wika ko naman. Pero bakit nga ba masama ang tingin ni ma'am sa amin?

"Take your sit"mataray niyang sabi sa amin.

Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan, tumingin ako sa mga kaklase ko. Nakatingin Lang sila sa amin, anong meron?

"Ms.Sofia"galit ang boses ni ma'am kaya nagulat ako.

"Ba-bakit po ma-maam?"utal kung tanong.

"nalaman ko kanina na may nasaniban nanaman sa mga kaklase niyo, ano bang nangyayare sa mga yun?" hindi ako makatingin kay maam kasi wala siya nung time na pumunta kami sa ospital kaya di niya alam ang mga ginawa namin.

"hindi po namin alam maam kung bakit nangyayare sa atin to"mahina ko namang sagot kay maam. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo baka mapagalitan ako at ako mismo ang sisihin.

"HINDI MO ALAM??" nagulat ako bigla kasi sumigaw siya, napatingin ako sa harapan. "ANG BOBO MO NAMAN, AKO NGA ALAM KO KUNG ANO ANG NANGYAYARE SA SECTION NIYO" dugtong pa niya kaya naman mas lalo lang akong nagulat.

"paano niya nalaman?"bulong sa akin ni king. Paano nga ba?

Tumingin si maam sa mga kaklase ko pati narin sa akin."may isang pamilya ang masaya, nakatira sila sa baba ng abandoned hospital sa pampangga. Pero yung masayang pamilyang yun hindi naging habang buhay kasi may sumira sa kanila"

Nag iba ang ihip ng hangin parang ako lang ang nakakahalata na bumukas lahat ng bintana at lumakas ang hangin papasok sa loob ng room namin.

Masama ang tingin sa akin ni maam kaya kinabahan ako."may isang babae ang sumira sa pamilya nila, inagaw ng ahas na yun ang asawa ng babaeng yun kaya pinangako ng babaeng yun na hindi niya titigilan ang babaeng mang aagaw"

"maam nasaan na po yung babaeng tinutukoy niyo?"tanong ni third.

"wala na siya"sabay tingin sa langit na may lungkot sa mukha, mabait naman si maam kaso nga lang nag iiba minsan ang ugali niya."matagal na siyang wala pero alam kung bumalik siya at nararamdaman ko na nandito siya sa loob ng room"Kinilabotan ako sa kwento ni maam.

"ano ba naman yan, nananakot ba siya"wika sa akin ni king. Tumingin ako sa kanya, nakahawak na pala siya sa kamay ko..

"bitawan mo nga ako"mataray na sabi ko sa kanya sabay alis sa kamay ko.

"ito naman nag lalambing lang kasi natatakot ako" tsk! kahit kailan talaga napaka matatakutin niya.

"ok class tomorrow may activity tayo kaya wag kayong mag absent"wika ni maam sabay alis sa room.

Hiniga ko agad ang ulo ko sa desk ko, nakakainis naman bakit pa kasi naisipan namin na pumunta sa hospital na yun kung ito lang naman ang mangyayare.

"alam pala ni maam ang abandoned hospital?"tanong sa amin ni flor.

Nagkatinginan kami ni king pero nag snob agad ako sa kanya.

"sino kayang babae ang tinutukoy ni maam sa kwento niya at bakit niya nalaman ang kwentong yun?"gulat na tanong naman ni quel sa amin.

"bakit sa amin ka nag tatanong? Hindi naman namin alam ang kwento, kay maam ka mag tanong hindi dito" may period ba si flor ngayon, kasi ang taray niya.

"nga pala" tumingin kami sa harap at nandun si king. "napag usapan namin na kami nalang ang pupunta sa hospital para di na kayo madamay, ibigay niyo nalang ang mga damit or gamit na galing sa inyo"

"for what?"tanong naman ni jill..

"may nabasa kasi akong story sa library na kapag nag spirit of the glass ang isang tao dapat kompleto parin sila o di kaya isang bagay na mahalaga sa tao ang gamitin para kahit wala sila dun nandun naman ang mga kailangan na mga bagay"kwento ni king kaya nag lakad ako papunta sa harap.

"guys sana mag double ingat nalang tayo pareho kasi hindi natin alam kung anong mangyayare sa buhay natin, mag pray nalang tayo kay god para matulungan niya tayo"ngumiti ako sa mga kaklase ko..

Kinakabahan na ako hindi namin alam kung anong mangyayare sa amin kapag pumunta ulit kami dun ng kami kami lang, sana man lang may protection kami.

"sa mga officers mag uusap tayo ngayon pero yung iba ilagay niyo ang mga gamit niyo sa box na to at pwede na kayong umuwi"wika ko sa kanila.

Paglabas ng mga classmate namin sinara namin ang pinto at nag usap kami, nasa harap nila ako.

"rose, hindi pa namin alam kung paano gamitin to"wika ko kay rose, tinignan ko yung dragon na nakadikit sa kanang balikat ko.

"tuturuan ko kayo" napatingin ako kay rose, bigla namang umilaw yung palad niya kaya napatingin kami dun.

"ang astig talaga"wika naman ni will.

Umupo ako sa upuan ko at pinatayo ko si rose para iguide ang mga kakailanganin namin para sa hospital. Tumayo siya at kumuha ng chalk.

"hindi sa lahat ng oras makakakita tayo ng multo minsan kasi umiilaw yan kapag kailangan na natin, hindi ko pa alam ang gamit niyan kasi si tatay lang ang nakakaalam kung ano to" naging malungkot ang mukha ni rose.

"bakit, may nangyare ba sa tatay mo?"takang tanong ko kay rose.

"matagal na kasing hiwalay ang tatay at nanay  ko kaya ayokong binabanggit ang pangalan niya"nakayukong sabi niya. Hindi pa talaga namin alam ang buong story niya kaya dapat kaibiganin namin siya.

"sorry kung napaalala pa namin"wika naman ni flor.

"ok lang"wika naman niya sabay smile. "tuloy na natin"dugtong pa niya.

Kahit na may pinag dadaanan si rose masaya parin siya sa buhay niya, nag aaral parin siya ng mabuti. Kung ako kaya nasa sitwasyon niya ngayon hindi na siguro ako makakapag aral kasi hahanapin ko ang tatay ko para mabuo ulit kami..

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon