CHAPTER # 2 |NEW ADVISER|

261 12 1
                                    

-SOFIA POINT OF VIEW-

Pag gising ko naligo na ako agad at nag bihis para pumasok na ako sa school. Pero bago ako pumasok sa school tinignan ko muna ang phone ko, nag message si flor.


FROM: bestie flor
-sofia sorry pala kahapon, nagalit ako ng walang dahilan.


Hindi ko na siya ni-replayan kasi pupunta din naman ako sa school at mag kikita din naman kami. 

Bumaba na ako at kumain na. Subrang tahimik sa bahay namin at ako lang ata mag isa ang nandito.

Nasaan na ang mga tao dito??

"MOM. DAD" sigaw ko habang hinahanap sila pero wala ni isang tao ang nandito.

Hindi na ako kumain at sa halip umalis nalang ako. Actually malaki ang bahay namin kaso nakakatakot lalo na pag gabi mukhang may aswang sa bubong namin.

Ako na ang nag maneho sa kotse ni dad at pagkarating ko sa school pinarada ko na sa parking area. Bumaba na ako at umakyat. Nasa ilalim kasi ang parking area habang nasa taas naman ang mga building ng school.

Nakarating na ako sa room namin at  pumunta na muna ako sa harap para pag usapan ang gagawin namin sa darating na trip to pampangga.

"Ano, pinayagan ba kayo?"tanong ko sa mga kaklase ko. Kunti palang ang dumarating.

"sofia ako pinayagan ako, sabi ko kasi 'mom pag di ka pumayag babagsak ako' astig diba"napatawa ako sa sinabi ni steve. Luko luko talaga to pag nalaman ng parents niya na nag sisilungaling siya,yari kaming lahat.

"sofia ano tuloy na natin?"wika sa akin ni flor habang papalapit kung nasaan ako.

"sige pero tanungin na muna natin ang iba" Tumingin ako sa mga kaklase ko sabay ngiti ng malapad.

"yung iba pinayagan ba?"tanong ko ulit sa kanila.

Yung iba pinayagan samantalang ang iba hindi kasi daw baka mapahamak sila sa abandoned hospital.Kahit na kunti lang kami tuloy parin ang trip.

"sofia may na search ako kahapon" wika sa amin ni king. 

Hindi ako maka imik kasi nahihiya ako sa sinabi o ginawa ko sa kanya kahapon.

"mukhang may nangyayare sa inyong dalawa ha!?"tanong ni quel kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano namang mangyayare?"wika ko sabay kuha sa libro na nasa harapan ko.

"king, Anong nangyare sa kanang pisngi mo?"tanong sa kanya ni will kaya napatingin ako sa mukha niya at pulang pula nga. Ganon na ba kalakas ang pag sampal ko sa pisngi niya?

"wala sinampal ako ni..............."tumingin siya sa akin, umiwas nalang ako ng tingin.

"si sofia ang sumampal sayo?"takang tanong naman ni flor. Hay naku naman mga chissmosa talaga sila.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon