------ROSE------
Hanggang ngayon hindi parin macontact ang number ni sofia kaya nag aalala na kami sa kaniya. Bumalik na muna kami sa ospital kung saan nandun sila ni nanay at tatay, tinanong ko si itay kung ano pabang silbi ng powers na meron kami.
"Hindi lang basta basta kapangyarihan ang nasa kamay niyong pito, ito rin ang mag sisilbing panangga niyo kapag kayo ay napahamak"wika samin ni tatay.
"Paano po to nakukuha?"tanong ni quel.
"Oo nga po, dati naman wala po kaming ganito"singit ni adrian.
"Kasi kayo ang itinadhana na maging isa sa kanila"sagot naman ni tatay.
"Rose puntahan na muna namin si king sa ospital baka siya lang mag isa dun"pagpapaalam naman ni quel.
"Sama ako"wika ni adrian.
"Ako rin"
"Tara na"
"Alis na po muna kami nay, tay"pagpapaalam ko sabay halik sa noo nila.
Lumabas na kami ng kwarto at nag madaling nag punta sa parking lot. Habang nag mamaneho si quel tumitingin ako sa labas, naaalala ko nanaman si sofia kung ok lang ba siya ngayon.
May umakbay naman bigla sakin at pagkalingon ko, si adrian.
"Malalampasan din natin to"mahinang sabi niya sakin kaya niyakap ko din siya pabalik.
"Sana nga"wika ko naman.
Sila ni will at flor hindi parin gumagaling, patuloy parin silang sinasaniban sa tingin ko kasi iba ang kinikilos nila pareho.
"Kailan kaya ulit tayo titigilan ni tina"wika ni quel samin kaya napatingin ako sa rear mirror.
"Hindi ko rin alam."sagot ko naman sa kaniya.
"Tinigilan na niya tayo dati pero ngayon bumabalik nanaman siya"wika naman ni adrian.
Napatingin ako sa palad ko. Kung hindi kaya silang anim ang nakatadhana ngayon, makikila kopa kaya sila?
Tumingin ako kay adrian.
Lalo na siya....
Siya yung taong never akong iniwan, nasa tabi ko lang siya lage lalo na kapag kailangan ko ng karamay.
"Adrian"tumingin siya sakin.
"Bakit?"tanong naman niya.
Niyakap ko siya ng patagilid habang nakasandal ako sa kaniya ganun din yung ulo ko."salamat"mahinang sabi ko.
"May hindi ba ako alam?"napatingin kami pareho kay quel sabay tawa.
"Wala kana dun!"wika naman ni adrian sabay yakap sakin pabalik.
Kahit na subrang daming problema ang hinarap namin, basta magkasama lang kaming pito parang wala lang pero sa ngayon inaalala ko parin si sofia kung nasaan siya.
|Sofia Calling|
"Tumatawag si sofia"wika ko sa kanila.
"Sagutin muna tapos i-loud speaker mo"wika naman ni quel.
Sinunod ko lang ang sinabi niya.
[Sofia?]
|wala na sila|
Napatingin kami sa isat isa at narinig naming humagulgol na si sofia sa pag iyak.
[Nasan ka ngayon?]-quel
[Pupuntahan ka namin]-adrian
|nasa ospital|
[Saang ospital?]
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...