--------SOFIA--------
After 3 days umuwi na rin sa bahay si flor kasi magaling na siya kaya naman nakakapasyal na kaming pito sa park. Nilibing naman agad ang katawan ni mom and dad kasi ayokong nakikita silang nasa kabaong kasi sa tuwing nakikita ko sila naaalala ko lahat ng nangyare sa buhay ko pati narin sa buhay na nasa paligid ko.
Sa bahay nila king muna ako nakituloy kasi ayokong umuwi sa bahay namin ng mag isa lang ako. Nakakatakot kaya at tska mukhang hunted house pa bahay namin. Bawal naman daw kina rose kasi nandun ang tatay niya at wala silang ibang higaan, kina quel at will naman hindi rin pwede daw kaya no choice ako kundi sa bahay nila king, total nandun din ang bestfriend kung si flor.
----------
Nag aabang lang kaming tatlo ni king at flor dito sa labas ng bahay nila kasi susunduin kami ni quel, pupunta daw kami ng boracay para mag relax buti nalang saktong seven ticket ang nabili ng daddy niya kaya naman saktong sakto lang samin.
"Ang tagal naman ata nila"wika ko sa kanilang dalawa.
"Tinext ko na si rose"wika naman ni flor.
"Oh nandyan na pala sila"
Huminto na ang sasakyan ni quel at bumaba naman silang apat.
"Ang tagal niyo naman ata"inis na tanong ko sa kanila.
"Sorry sofia"wika naman ni quel habang binubuhat na nila yung dala naming mga gamit at nilagay nila yun sa likod ng sasakyan ni quel.
Sumakay na kaming lahat pagkatapos.
"Nga pala sasama si princess may special ticket siya sakin"wika ni quel kaya napatingin kami sa kaniya, tumingin naman siya sa rear mirror habang nakangiti.
"Mag maneho kana nga lang. Lumalandi ka nanaman"wika naman ni will kaya nagtawanan kami.
Magkatabi kaming dalawa ni king ngayon habanh si will at flor naman sa likoran namin at sa bandang dulo si adrian at rose. Siguro si princess sa harapan kasi halatang si quel lang ang walang partner.
Nag simula ng ipaandar ni quel ang sasakyan niya.
Pinuntahan na muna namin si princess sa bahay nila at pagkatapos nag maneho na ulit si quel, tama nga ang hinala ko kasi katabi ni quel ngayon si cess.
------
Habang nasa byahe kami tulog na ang lahat kasi wala ni isang tao ang nagsasalita except lang sympre kay quel kasi siya ang nag mamaneho.
Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni king habang nakahawak ang kamay niya sa kamay ko,well gustong gusto ko rin naman kasi kinikilig ako haha. Yung feeling na akala ko hindi na kami magkakabalikan kasi akala ko lulukuhin niya ulit ako pero mali ata ang akala ko kasi this time pakiramdam ko seryoso talaga siya sakin kaya naman napapangiti nalang ako.
---------
Maya-maya nagising nalang ako bigla kasi narinig kung sumisigaw na si quel na nandito na daw kami kaya naman minulat ko agad ang mata ko at nandito na nga kami sa boracay. Ang bilis naman ata.
Napatingin ako sa gilid ko, tulog parin si king hanggang ngayon. Tulog mantika talaga tong lalaking to pero sarap niyang titigan lalo na pag tulog haha. Ngayon ko pa lang narealized kung gaano siya kacute.
"Naiinlove ka nanaman sakin?"
Tsk! Gising na pala tong mukong to, hindi man lang nag sasabi. Kaming dalawa nalang ang nasa loob ng van ni king kaya naman nag lambing nanaman siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko habang nakahawak din ang kamay niya sa kamay ko.
"Tara na. Alis na tayo"yaya ko sa kaniya sabay tayo pero hinila niya ako pabalik sa upuan kaya naman napaharap ako sa kaniya ngayon.
"Dito na muna tayo."wika niya sabay ngiti, para naman siyang manyak kung makatingin sakin.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...