--------KING-----
Nasaan ako??
Minulat ko agad ang mga mata ko at nasa clinic pala kaming anim. Gising na si will at flor.
"anong nangyare?"takang tanong ni flor. Oo nga anong nangyare?
Ang naalala ko, sabay sabay naming tinaas ang kanang kamay namin at dun na ako biglang nahilo. Hindi lang pala ako nahilo kundi sila din.
"tika lang di kaya" tama yung naisip ko?
"oo king"
Napatingin kami bigla sa nag salita at nakita namin si rose.. "may kapangyarihan din kayo tulad ng sa akin."dugtong pa niya at ipinakita sa amin ang naka ukit sa kanang balikat niya.
"wow ang astig pare-pareho tayong meron"gulat na sabi ni will.
"anong nangyare?"
Napatingin kami sa likoran ko at gising na pala si quel, tanging si sofia nalang ang tulog.
"Sabi ng tatay ko. May iba pa daw akong kasama at kayo yun" wika naman ni rose.
Ang astig naman, so dapat hindi na ako matakot sa multo kasi may kakayahan akong ganito? Pero kapag ginamit naman namin to, manghihina kami at mawawalan ng malay.
"tayo nalang kayang pito ang pumunta sa abandoned hospital total may kakayahan din naman tayong mapaalis ang mga espirito diba"wika ni flor.
"hindi niyo pa alam ang kakayahan na nasa inyo kaya mag iingat kayo, isang maling galaw niyo lang dyan tiyak may kapalit yan"paalala naman sa amin ni rose.
"ano naman ang kapalit kapag nagkamali kami?"takang tanong ko kay rose.
Tumingin siya ng seryoso sa amin." hindi pwedeng dito tayo mag usap may makakarinig"mahinang sabi ni rose sa amin.
"teka, iiwan natin si sofia?"
Hindi pwede baka may masamang mangyare sa kanya.
"sige mamaya nalang tayo mag usap kapag gising na si sofia"wika sa amin ni rose at umalis na siya ng clinic.
Napatingin ako sa dragon na nakaukit sa kanang braso ko. Saan ko kaya to namana? Bakit may ganito ako?
QUEL POINT OF VIEW
Paano nangyare yun? Paano kami nagkaroon ng drawing sa balikat namin, at pare-pareho pa talaga? Di kaya kami lang ang makakasolve sa problemang hinaharap namin ngayon?
"dapat walang makakaalam kung anong meron tayo"bulong sa amin ni king.. Sira talaga to kahit kailan, binatukan ko siya ng malakas kaya napahawak siya sa ulo niya.
"baliw ka talaga hindi muna dapat sinabi sa amin yun kasi alam na namin"sabi ko sabay snob sa kanya.
"AH"
Napatingin kami kay sofia at unti unti niyang minumulat ang mga mata niya. Nag uunahan naman sa pag lapit si will at king.
"ok kana ba?"halata sa itsura ni king na nag aalala siya.. Oh well naging ex lang naman niya si sofia tapos...... Babalikan niya ulit -__- Tsk diba dapat past is past they will never be back >_< hehe tama ba?
"anong masakit sayo?"nag aalala din si will. Nanliligaw pa kasi si will sa kanya. Pustahan hindi siya sasagutin niyan.. heheheheh....
"Okay na ako"wika naman ni sofia sabay upo at inalog niya ang ulo niya. "anong nangyare?"
"Shhhh" baliw talaga tong si king. Parang sinasapian ng baliw na multo.
"ba-bakit?"gulat na tanong ni sofia. Gusto kung matawa sa pinag gagawa ngayon ni king.
"sabi ni rose wag daw tayo maging maingay"mahinang sabi ni king pero rinig namin. Nagkatinginan nalang kaming lima sabay tawa.
"para kang baliw"wika ko sabay hampas sa likoran niya.
"Huy! walang nakakatawa sa sinabi ko"inis na sabi naman ni king sa amin.
-------
Pumunta na kami sa room namin pero nakasalubong namin si rose kaya dinala niya kami sa garden at dun nag usap kami.
" paano nangyare yun rose?"takang tanong ni Sofia. Oo nga naman saan namin namana ang ganitong kakayahan?
"Sa libo libong tao sa mundo pito lang ang biniyayaan ng ganyan at tayong pito yun" lalo lang kaming nag tataka kung bakit kami pa ang napili.
"Bakit kami nagkaroon nito?" Tanong naman ni flor.
"Oo nga" wika ko naman.
"Nasa lahi yan"
Huh? Lahi? May ganito ba ang parents ko? Wala naman silang sinabi sa akin.
"Teka lang, wala naman sa lahi namin to, ha?" Tanong ni king.
"Sa amin din " wika ko naman..
"Alam niyo kasi Hindi kona yan masasagot pero ang tanging nasagot ko lang ay yung tanong niyo kanina" wika naman ni rose.
Naguguluhan parin ako pero alam kung hindi lang ako ang naguguluhan, kasi sa itsura ng mga to. Hindi na maipinta kasi nagkasalubong na ang dalawa nilang kilay.
"Oh, nandito lang pala kayo" tumingin kaming lahat sa nag salita at si third lang pala.
"Bakit?" Wika naman ni will..
"Kanina pa kayo hinahanap ni ma'am lalo kana, sofia" tumingin kaming lahat kay sofia pero siya naka tingin lang kay third.
"Bakit daw?" Takang tanong ni Sofia.
"Ewan basta sumunod na kayo baka mapagalitan pa kayo" sabi naman ni third sabay takbo paalis.
Nagkatinginan kaming pito. Tumingin bigla si rose sa sahig.
"Tara na" wika niya kaya nag lakad na kami paalis.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
TerrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...