-SOFIA POINT OF VIEW-
After 2 days dumating na ang pinaka hihintay naming araw at yun ay ang mag trip to pampangga. Pumayag ang tito ni quel na siya na ang mag maneho papunta dun kaya wala na kaming problema.
Pero akalain niyo yun lahat ng classmate namin sumama na. Exciting daw kasi kaya ready na sila mamayang 6:00 pm.
----6:00--------
"nandito na ba ang lahat?"sigaw ko habang tinitignan sila pero mukhang may kulang pa.
"si flor"kinilabotan ako sa narinig kung boses.
Bakit kaya palaging malamig ang boses ni rose? Lage siguro siyang umiinom ng malamig na tubig.
"nandito na kami"sigaw naman si king kasama na niya si flor.
"sakay na kayo"yaya sa amin ng tito ni quel kaya sumakay na kami. Nasa bandang hulihan kami ng van kasama ko sila ni will,at king pati na rin yung iba naming kaklase. Si quel naman at flor nasa unahan.
"saan naman tayo manunuluyan kapag gumabi na dun?"tanong ni adrian.
Oo nga saan nga ba?
"para mas exciting dun na din tayo humiga sa ospital"wika naman ni flor.
Mas exciting nga yun pero natatakot naman yung iba.
"basta tandaan niyo kj's not allowed"singit naman ni king.
Akala ko tulog siya kasi nakasandal yung ulo niya sa balikat ko.
"matulog na muna kayo, ako na ang bahala"sabi naman ng tito ni quel kaya natulog na kami.
-------
-------
-------
------
"sofia, gising nandito na tayo"
Unti unti kung minulat ang mga mata ko at nakita ko agad silang lahat nakatingin sa akin.
"bat ganyan mga itsura niyo?"takang tanong ko sa kanila. Mukhang nakakita sila ng multo.
"paano ba naman kasi iniwan na tayo agad ng tito ni quel kaya ayan tayo na ang papasok sa loob"
Tika lang.
Ngayon ko lang napansin na nakahiga na pala ako sa damuhan kaya bumangon ako agad at pinagpag ang pantalon ko.
"anong oras na ba?"takang tanong ko sa kanila.
"gumising ka nga sofia....... Gabi na........ 7:00 pm na"
Grabe ang bilis naman ata ng oras at tska bakit pa kami nandito? Bat di pa sila pumasok sa loob?
"tara na"yaya ko sa kanila at ako na ang nauna.
Hindi naman sa matapang ako. Basta may kasama ako matapang ako pero kapag wala naduduwag ako.
-KING POING OF VIEW-
Sa kadami rami ba namang pupuntahan namin bakit dito pa sa hunted na hospital na to ang napag tripan nila. Kinikilabotan ako at parang may matang nakasunod sa amin.
"ikaw na ang mauna"tumingin ako kay flor.
a-a-ako talaga??
"naduduwag ka?"wika naman sa akin ni sofia.
Ako duwag? Hindi ah! Natatakot lang ako masama ba yun.
"teka! Bakit ako. Si will nalang o kaya si quel"
"tarantado lalaki ka ba?? O bakla"pang aasar sa akin ni quel.
Halata naman sa mukha niya na takot siya, tsk! Hay bakit ba kasi dito pa nila naisipang pumunta?
"ako na nga lang"wika naman ni sofia at siya na nga ang nauna.
Matapang talaga siya at walang kinakatakotan. Pati kamatayan.
"tika lang, ako na"tumingin siya bigla sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Mahal ko pa din si sofia hanggang ngayon pero mukhang wala na akong silbi sa kanya. Gago kasi ako iniwan ko siya tapos babalik ako. Gago diba.
"tama na ang drama, balita na, uy!"sira talaga tong si will. Panira ng moment.
Hinampas ko nalang siya at hindi ko parin binitawan ang kamay ni sofia. Ako na ang naunang pumasok sa loob pero bago ako pumasok huminto muna ako sabay ngiti sa kanila.
"halatang natatakot"sabi naman ni steve..
Siya kaya nandito sa kalagayan ko, ang hirap maging leader. Teka! hindi naman ako ang leader ha.?
"hindi ba pwedeng pray na muna......., bago pasok?" bumibilis na ang tibok ng puso ko. Sana di nalang pala ako sumama kaso mapilit tong si flor eh.
"ok mag pray na muna tayo"wika naman ni sofia kaya binitawan niya nag kamay ko.
Tumingin ako sa kanya habang nakapikit ang mga mata nilang lahat. Subrang ganda niya at gusto ko siyang balikan ulit pero sabi nila nililigawan daw ni will si sofia, mukhang wala na akong pag asa.
"amen" pagka-sabi nila nun pinikit ko agad ang mata ko.
"huy! tapos na, idilat mona yang mata mo" Pag dilat ko ngumiti agad ako kay sofia, umiwas naman siya ng tingin.
"pasok na tayo"excited naman tong si adrian. Kanina pa nga nanginginig ang paa ko eh.
"wa-wait" tumigil silang lahat sabay tingin sa akin.
"ano nanaman king"galit na sabi ni quel sa akin.
Inhale, exhale......... relax,ok.
"wala lang"sabay smile kaya binatukan nila ako.
"wala lang daw, tara na pasok na tayo"wika naman ni flor.
"tika lang, excited naman kayo"wika ko naman sa kanila. Oo nga naman excited sila masyado.
Ano bang gusto nilang makita sa loob? Pareho lang naman yan sa ordinary hospital na nakikita nila.
"bahala ka sa buhay mo king, basta kami papasok na"sabi ni sofia kaya pumasok na silang lahat.
-----
----
Ba-ba-bakit ako nalang ang naiwan??
May nakita akong isang babaeng nakaputi, mahaba ang buhok at papalapit siya sa akin kaya lumaki ang mata ko.
"GU-GUYS WAITTTTT"sigaw ko at tumakbo na papasok.
Dyos ko nakakatakot dito sana walang mangyareng masama sa amin.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...