CHAPTER # 6 |PAG PAPARAMDAM|

152 11 1
                                    

QUEL POINT OF VIEW

"umuwi na tayo"takot na sabi sa akin ni hanna.

Nasa ospital parin kami, hindi ko alam kung anong gagawin ko simula kanina pa. Kapag umuwi kami saan naman kami sasakay. Malayo ang pampangga sa manila at imposible na makarating kami agad dun, at isa pa wala na kaming pera.

"ayoko na dito"wika naman ni gina.

"kung natatakot kayong lahat."yumuko ako. Pare-pareho kaming nasa ganitong sitwasyon at di namin alam kung saan kami pupunta.. "wala tayong mapapala sa takot niyo. Kasi kung natatakot kayo mas lalo lang nila tayong tatakutin"dugtong ko.

"kasalanan ko to!"

Napatingin kami kay sofia. Hindi namin siya sini-sisi kasi gusto din naman naming pumunta dito kaya wala dapat sisihin.

Lumapit sa kanya si will pati narin si king."hindi natin alam pareho na ganito pala ang magiging sitwasyon natin ngayon"wika sa kanya ni will.

"oo nga kaya wag mo sisisihin sarili mo"sabi naman ni king.

Nakukuha pa nilang mag drama eh ganito na nga ang kalagayan namin ngayon. Umupo ako sa floor sabay hawak sa buhok ko.

"mag ste-stay nanaman tayo dito ng one day"rinig kung sabi ni flor.

"wala tayong choice"sabi ko naman sa kanila sabay angat sa ulo ko.

"hindi kayo nakinig"

Napatingin kami kay rose. Malamig ang boses niya at nakakatakot, nakayuko siya kanina pero ngayon inangat na niya ang ulo niya.

"Guys alis na muna kami, mag hahanap lang kami ng masasakyan natin"pagpapaalam ni sofia.

"Samahan na kita"sabay silang dalawa ni will at king.

Kahit kailan talaga, silang dalawa ang magaling sa chorus.

"Hindi na, sila ni rose at flor  nalang ang isasama ko"wika naman ni sofia.

Pagka alis nila dito may nilabas biglang laruan si adrian.

"mag laro nalang kaya tayo?"yaya niya samin.

"nakukuha mo pang mag laro ng ganyan "inis na sabi naman ni steve. Tumayo ako at lumapit kay adrian.

"game ako"wika ko sa kanya..

Wala naman kasi kaming mapapala kung takot ang paiiralin namin diba, pumunta kami dito para mag enjoy hindi para matakot.

"ako din"rinig kung sabi ni will.

"tawagin kaya natin ang kaluluwa ng tito ko para makausap ko siya"sabay ngiti sa kanila. Namimiss ko na kasi siya.

"ano wala ng sasali, akala ko ba kj is not allowed?"tanong ni adrian sa iba.

Pumunta nasa amin ang mga kaklase namin except lang kay king. Matatakutin talaga siya.

"ok start na tayo"wika ni adrian.

Nilagay namin yung isa naming daliri sa maliit na baso at pinikit namin ang mga mata namin.

"spirit of the glass nandyan kana ba?? Spirit of the glass magpakita ka"

Minulat ko ang mga mata ko at ganon din ang iba naming kaklase, bigla kasing dumating sila sofia.

"a-anong ginagawa niyo?"takang tanong ni rose sa amin.

"hindi nila alam ang ginagawa nila"galit na sabi ni king.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon