CHAPTER # 7 |SANIB|

149 11 1
                                    

-SOFIA POINT OF VIEW-

Buti nalang yung isa naming kaklase sinundo ng magulang niya kaya sinakay na kami sa bus. Nag tataka na daw kasi yung parents kung bakit ang tagal naman ata nung trip na yun kaya naman sumugod na sila agad dito.

----------

----------

Nasa school ako ngayon ng may narinig akong mga malalaking boses na nag mumula mismo sa loob ng room namin. Tumakbo ako papasok at nakita ko si hanna at rina nag aaway.

"ang landi mo talaga"sigaw ni hanna mismo sa mukha ni rina kaya gumitna ako sa kanila. Nakatingin lang sa amin yung mga kaklase namin.

"ano bang nangyayare dito?"tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumingin ako kay hanna at masama ang tingin niya kay rina at pagkatingin ko naman kay rina ay parang gulat pa ang reaction ng mukha niya. Anong nangyayare dito?

"anong nangyayare dito?"napatingin ako sa may pinto nakita namin si will at flor.

"hindi ko rin alam"wika ko naman sa kanila.

Pumunta na sila sa akin at umupo na si rina at hanna.

"sagutin niyo ako.. Anong nangyayare dito?? Bakit kayo nag aaway?" galit na tanong ko sa kanilang dalawa ni hanna.

Sa section kasi namin hindi pwedeng may mag away kasi ang turing pa naman sa amin ng mga teacher ay GOOD at hindi BAD.

"hindi ko alam kay hanna bigla nalang niya akong sinugod"wika sa amin ni rina sabay tingin kay hanna.

"hanna bakit mo naman yun ginawa?"tanong ko naman kay hanna.

Tinignan niya ako ng masama.

"HAHAHAHAH hindi ko kayo titigilan HAHAHA"bigla nalang nagsarahan ang mga pinto at bintana kaya yung mga kaklase namin hindi maiwasang di sumigaw ng malakas dahil sa takot.

"mga malalandi kayo"

Pakiramdam ko hindi si hanna ang nasa harapan namin ngayon kasi kakaiba siya kung kumilos, iba ang boses niya parang may halong babae at lalaki pati na rin bata.

Hinanap agad ng mga mata ko si rose pero mukhang wala siya sa loob kaya napatingin ako kay will.. Tumingin din siya sa mata ko sabay hawak sa kamay ko.

"hanna tumigil kana"wika ko kay hanna pero hindi parin siya tumitigil, tawa parin siya ng tawa habang nasa taas ng techer's table.

"mamamatay kayong lahat HAHAHAHA"

Anong pinag sasabi ni hanna, natatakot na ako dahil sa mga ginagawa niya ngayon. Patay sindi ang mga ilaw at yung mga papel namin ay nag siliparan. Nasa side lang kami ng room, takot na takot habang pinag mamasdan namin si hanna.

"SOFIAA"nag mumula ang isang tinig sa labas kaya napatingin kaming lahat kasama na dun si hanna.

"mukhang si king yun"mahinang sabi sa akin ni will kaya napatingin ako sa kanya. Mukha ngang si king yun.

Tumayo ulit si hanna at tumingala sa taas habang yung kamay niya nakataas din pero sa side lang.

"AHHHHH"sigaw niya, halos mabingi kami sa boses niya kaya napaupo nalang kami habang tinatakpan ang tenga namin.

"anong ginagawa niya"galit na sabi naman ni flor sa amin.

"hindi ko alam"wika ko naman sa kanya.

Bigla nalang nawala yung ingay kaya unti unti kaming tumitingin sa harapan.

Nagulat kaming lahat kasi nag iba ang itsura ni hanna. Subrang kapal ng eye bags niya at ang itim itim pa, halos lumabas na ang mga mata niya, yung ngipin niya subrang itim, yung damit niya punit punit at yung buhok naman niya ay buhaghag..

"mukhang iba na to"rinig kung sabi ni steve..

Iba na nga ang nangyayare ngayon, hindi na to maganda..

"dahil to sa spirit of the glass"rinig ko namang sabi ni jonas.

"SOFIAAA"muli kung narinig ang boses ni king sa labas ng pinto.

Tumingin ako sa pinto pero napatingin din ako sa harapan ko. Nagulat ako agad kasi nasa harap ko si hanna, diko alam kung anong gagawin ko parang ng manhid ang buong katawan ko.

Biglang hinila ni hanna yung buhok ko kaya napatayo ako sa sakit. Tumayo na din si will habang hawak parin ang kamay ko.

"tumigil kana hanna"galit na sabi ni will sa kanya..

Binitawan na ni hanna yung buhok ko pero hinawakan niya ang kwelyo ni will at dun na siya napabitaw sa kamay ko.

"hanna tama na"awat ko naman sa kaniya at may namumuo ng luha sa mga mata ko.

Bigla nalang tinapon ni hanna si will sa unahan kaya napahiga siya sabay bagsak sa sahig.

"WILL"sigaw ko at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

Hinawakan ulit ni hanna ang buhok ko kaya napatayo ulit ako. Hinila niya ako papunta sa labas sabay bukas sa may pinto.

Alam kung nagulat si king kasi lumaki ang mata niya at napa-atras din siya.

"a-anong nangyayare sayo hanna?"gulat na tanong sa kanya ni king at hindi parin niya inaalis ang tingin niya kay hanna.

"tumigil kana"

May boses kaming narinig mula sa likoran kaya unti unting humaharap sa kanya si hanna pati na rin ako.

"sa tingin mo titigil ako?"kakaiba ang boses ni hanna at nakakatakot talaga.

Nagsi labasan naman ang mga estudyante pati na rin ang mga kaklase namin.

"hindi mo alam kung anong ginagawa mo?"galit na sabi ni rose sa kanya. Binitawan na ni hanna yung buhok ko kaya agad lumapit si king sa akin.

"ok kalang ba?"mahinang tanong niya. Tumango lang ako sabay punas sa luha ko at tumingin ulit kina hanna at rose.

"wala silang alam dito kaya bumalik kana kung saan kaman nanggaling"

Tika saan nga ba nanggaling si hanna? Anong pinag sasabi ni rose?

"HAHAHAH ano ako tanga? Uto-uto?"

Susugurin na sana niya si rose pero bigla niyang tinaas ang kanang kamay niya kaya nagpa ikot ikot lang sila habang naka taas ang kamay ni rose.

"lumayo kana sa katawan ni hanna, maawa ka sa kanya" wika sa kanya ni rose..

"Si-sinaniban si hanna?"takot na sabi ni flor.

"hindi ko kayo tatantanan"

"kung ayaw mo talagang umalis sa katawan ni hanna mapipilitan ko tong gawin kahit ayoko"sabi naman ni rose sa kanya.

----------------------

Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay si hanna kaya pumunta agad ako sa kanya.

"hanna, hanna"sabi ko habang tinatapik ang magkabilang pisngi niya.

"magigising din siya mamaya"rinig kung sabi ni rose. Napatingin ako sa kanya.

"rose salamat"mahinang sabi ko, ngumiti lang siya sakin at halatang nanghihina siya.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon