-------Rose-------
Kinabukasan umalis na muna sila ni adrian at quel para puntahan muna nila si will sa bahay nila.
Nandito lang ako sa kwarto ni tatay nakahawak sa kamay niya habang naka ngiti.
Maya-maya biglang bumukas yung pinto at nakita ko si nanay, umiiyak.
"nay"tawag ko sa kaniya sabay mano.
"kumusta na daw ang tatay mo? Ok na ba siya? Kailan daw siya magigising"sunod sunod na tanong sa akin ni nanay.
"ok na siya nay, posible daw na magigising na siya ngayon o bukas"nakangiting sabi ko sa kaniya.
"ano ba kasi nangyare?"
Ayokong mag sinungaling sa kaniya kaya sasabihin ko ang totoo.
"hindi kasi siya nakita ni quel sa daan kaya nasagasaan siya ni quel"wika ko sa kaniya, hinawakan ni nanay ang kamay ni tatay.
"salamat rose, kasi kahit na galit ka sa kaniya hindi mo siya pinabayaan"nakangiting sabi niya sa akin habang tumutulo ang luha sa mata niya.
"nanay naman, kayo na nga po ang nag turo sa akin kung paano magpatawad diba"
Ngumiti ako ng malapad sa kaniya sabay yakap. Kung paano ko minahal ang nanay ko ganun din ang pagmamahal ko sa tatay ko pero sabi nga ni nanay mas mabuting magpatawad ka sa taong nagkakasala sayo para wala ka ng iisipin pang nakakasama.
Actually nung hindi ko pa nakikita ang tatay ko,sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya kayang lapitan baka anong magawa ko sa kaniya pero kagabi nung makita ko siya, parang dinurog ang puso ko nung makita ko siyang naka higa at may dugo.
Nagbabago pala talaga ang pagtingin ng isang tao kapag kaharap muna ng personal ang taong gusto mo ng makita.
*
"rose"
Napatingin kami pareho sa likoran ng may tumawag sa pangalan ko.
"oh, nasaan si will? Kumusta na daw siya?"tanong ko kina adrian at quel.
"ganun parin ang itsura niya, ang laki ng eye bags niya at parang nasasapian parin siya."wika ni adrian sa amin.
"parang hindi na nga si will yung nakita namin kanina"kwento naman ni quel.
"ano bang nangyare?"tanong naman ni nanay sa akin kaya napatingin ako sa kanila ng dahan dahan.
Hindi ko pa pala nasasabi kay nanay ang nangyare sa school pati na rin sa buhay namin baka kasi mag alala lang siya lalo sa akin, ayokong mangyare yun.
"nay, sorry"
Alam kung ayaw na niyang ipagamit sa akin ang kakayahan ko pero hindi ako matatahimik kung lahat ng mga kaklase at kaibigan ko sinasaktan ni tina at ng iba pang mga sumanib sa katawan nila.
"ginamit mo?"tanong niya sa akin.
Tumango lang ako habang naka yuko."ayokong nakikitang nahihirapan ang mga kaibigan at kaklase ko habang may sumasanib sa kanila. Ginamit ko yun para paalisin ang mga masasamang espirito"
"pano ka? Hindi mo man lang naisip ang katawan mo kapag ginamit mo ang kakayahan mo"galit na sabi sa akin ni nanay.
*
"tama na"
May boses kaming narinig. Isang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Isang boses na miss na miss ko na.
*
Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako kay tatay. May tumulong luha sa mata ko ng makita ko na siyang gising na.
"mission ng anak muna protektahan ang mga taong nasasaniban ng masasamang espirito"wika niya kay nanay.
"tay, gising kana"gulat na sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin sabay tango, hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"sorry anak kung nagawa ko yun sa inyo ng nanay mo"wika niya sa akin, lalo lang tumulo ang luha ko sa sinabi niya.
"ok na po yun tay, nakalimutan ko na yun"wika ko naman sa kaniya.
*
Huminga ako ng malalim sabay ngiti sa kaniya, humiwalay na ako tska ko pinunasan ang luha sa mata ko.
"nga pala tay, mga kaibigan ko. Si quel at adrian"pagpapakilala ko sa kanilang dalawa, nag mano naman sila pareho kay tatay.
"may kakayahan din ba silang katulad ng sayo?"tanong sa akin ni itay, tumango lang ako sa tanong niya.
"may apat pa po kaming kasama kaso yung isa nasaniban kagabi, yung isa naman nag wawala at yung dalawa nanghihina"kwento ni quel kay tatay.
"teka lang, yung dalawang yun ay sina sofia at king?"tanong ko sa kanila.
"oo"sagot ni adrian. "mas malala daw si king sabi ni sofia kasi hindi parin siya gising hanggang ngayon"dugtong pa niya.
"sa palagay ko, ang nakalaban niyong espirito ay malakas."-tatay.
"subrang lakas niya, kahit kaming pito ang magkakasama hindi parin siya nawawala at umaalis"wika ko.
"ano bang ginawa ng kaibigan mo bakit siya nanghina?"tanong niya sa amin.
"nung nakita ko kasi sila ni king at sofia, magkahawak ang mga kamay nila." wika ni quel, yun din ang napansin ko sa kanila kagabi.
Nagulat ako nung subrang lakas ni sofia,umilaw nga pati yung mata niya. Kahit siya lang mag isa ang tinaas ang kamay, pero parang may kakaibang kakayahan ata si sofia.
"kapag ang dalawang tao nagmahalan at mahal nila ang isat isa. Lalakas ang kapangyarihan nila lalo na kapag naghawakan sila ng kamay"tumingin ako kina adrian at quel. "pero kapag tudo na ang pwersa na ginamit nila, manghihina ang isa sa kanila at posible pa siyang macomatose"dugtong pa niya sa amin.
"si king"mahinang sabi ni quel.
"hindi pwedeng mawala si king, paano na si sofia?"wika ko naman sa kanila.
"kung yun ang kapalaran na nakahanda sa isa niyong kaibigan, tanggapin nalang"wika naman ni tatay.
"paano po ba mawala ang isang espirito"tanong ni nanay.
"hindi basta-basta nawawala ang espirito, dumadapo sila sa ibat ibang tao na buhay pa. Gusto nila muling mabuhay dito sa mundo."wika niya sa amin.
"paano kapag nag higanti lang ang espiritong yun"tanong naman ni quel.
"mas malakas ang mga espiritong naghihiganti sa mundo lalo na kapag galit siya sa taong yun, lahat gagawin niya mapatay lang yun"
"yung mommy at daddy ni sofia"wika ko sa kanila ni adrian.
Bakit bigla akong kinabahan? May masama bang mangyayare?
"puntahan natin si tita at tito"wika ko sa kanila..
*
Tumakbo na kaming tatlo paalis ng ospital.
"saan ba tayo pupunta rose?"tanong sa akin ni quel.
"masama ang kutob ko, ayokong mapahamak ang pamilya ni sofia"wika ko naman sa kanila.
Ayokong masaktan at lumuha nanaman siya dahil sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
KorkuPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...