CHAPTER # 4 |ONE NIGHT,ONE KILL|

195 17 3
                                    

-SOFIA POINT OF VIEW-

Pagkapasok palang namin alam kung natatakot na kami kasi hindi kami nag hihiwalay. Kung nasaan yung isa nandun din yung iba, tika lang.......

Akala ko ba di takot si king sa multo?

Bakit siya nakadikit mismo sa akin, i mean sa amin ni will pala hindi niya mabitawan ang mga braso namin ni will at halatang nanginginig ang paa niya. Di ko tuloy maiwasang di matawa sa ginawa niya.

"huy!"sabay batok sa ulo ni king."bitawan mo nga kami"dugtong pa niya. Tumingin si king sa amin ni will sabay ngiti ng pilit.

"ma-may nakita ka-kasi ako"pati boses niya nanginginig kaya nag katinginan kami ni will sabay tawa. Ang laki ng katawan niya tapos duwag siya sa multo?? Hahahahaha...

"sofia hahanap lang kami ni quel ng pwesto sa taas para makapag pahinga na tayo"pag papaalam ni flor sa akin. Inalis ko ang kamay ni king sa braso ko.

"samahan ko na kayo"wika ko sa kanila. Umiling lang si flor sabay ngiti sa akin.

"kaya na namin"wika naman niya sa akin ng nakangiti parin.

Umakyat na sila sa taas kaya umupo na muna kami sa floor, kaming lahat.

"guys ok lang ba kayo?"tanong ko sa kanila. Hindi kasi sila nag sasalita simula kanina pa.

"pagod lang kami"wika naman ni hanna.

"maghahanap lang din kami ng room para makapag pahinga na tayo"wika ko sa kanila sabay ngiti at tumayo na ako.

"saan ka pupunta?"takang tanong ni king sa akin.

"samahan na kita"wika naman ni will kaya ngumiti lang ako sabay tango. Tumayo na siya at biglang tumayo din si king.

"ako din"wika naman niya, ngumiti lang ako sa kanya.

"Uy. Love triangle"sabi ni adrian. Luko-luko talaga to.

Nanliligaw palang si will sa akin pero di ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi.

"Uyyyyy"sumabay naman ang mga kaklase namin.

"anong ginagawa niyo dito?"

Nagulat kami ng marinig namin ang boses mula sa pinto kaya tumingin kaming lahat dun.

Lumapit ako kay guard sabay ngiti, nakayuko lang siya sa akin at mukhang basang basa siya kaya nag tataka ako. Lumingon ako sa mga kaklase ko at nag tataka din sila.

"guard sorry kung maingay kami----"

"umalis na kayo dito kung ayaw niyong mamatay isa isa."

Malamig ang boses niya at nakakatakot, pati yung itsura niya kahit di ko pa siya nakikita nakakatakot.

Bigla nalang nagsi-taasan ang mga balahibo ko at lumaki ang mata ko nung inangat niya ng kunti ang ulo niya. Nakita kung ngumiti ang bibig niya. Napa atras ako ng kunti sa gulat.

"a-ano pong i-ibig niyong sabihin?"takang tanong ko sa kanya..

"hindi niyo alam kung anong lugar ang pinasok niyo, kung gusto niyo pang mabuhay umalis na kayo kasi hindi nila kayo tatantanan"yumuko ulit siya at dahan dahang umalis.

Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Parang na manhid ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya.

"baliw lang siguro yun"rinig kung sabi ni steve.

Napalunok ako."guys wag kayo mag hiwa-hiwalay dito lang kayo sa baba wag kayong aalis dito hanggat di pa kami dumarating"paalala ko sa kanila.

"Naniniwala ka sa sinasabi nung baliw na guard na yun"wika naman ni flor. Narinig pala niya ang sinabi nung guard kanina.

Tumingin ako sa kanya."mukhang kakaiba ang itsura niya, may kakaiba akong nararamdaman hindi ko alam kung bakit"

Simula nung nakita ko yung guard nag iba yung pakiramdam ko sa ospital na to.

"tama yung guard, hindi natin alam kung anong ginagawa natin"wika naman ni rose. Inangat niya ang ulo niya at tinignan niya kami isa isa..

"may third eye ako...."natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Parang kinilabotan ako sa narinig ko mula sa bibig niya.

"na-nanakot kaba rose?"tanong ni steve. Mukhang hindi biro ang ginawa namin ngayon kasi nakakatakot na dito at isa pa gabi na, ang tanging ilaw lang namin ay yung kanya-kaniya naming phone.

"wag kayong ganyan."wika naman ni flor.

"may nahanap na kaming room, sa taas"wika naman ni quel kaya nag unahan silang umakyat.

Naiwan kaming lima."umuwi nalang kaya tayo"sabi ni king.

"paano tayo uuwi. Eh,wala na tayong kotse o van"sabi naman ni will. Oo nga, umuwi kasi agad ang tito ni quel kaya di namin alam kung anong gagawin namin ngayon.

"dito nalang tayo, mga matatakutin talaga kayo"wika naman ni flor sabay tawa ng mahina.

Sana walang masamang mangyare sa amin, uuwi na kami agad bukas kahit na mag commute kami ok lang basta maka uwi na kami agad.

------------

TITO POINT OF VIEW (tito ni quel)

Habang nag mamaneho ako hindi ako mapakali kasi mukhang may sumusunod sa akin. Hindi ko alam kung sino pero mukhang nasa loob siya ng van ko.

Bumaba na muna ako saglit sa gas station at nagpa gas. Hindi ako mapakali, mukhang may sumusunod talaga sa akin habang nag mamaneho ako.

Tinawagan ko muna sila ni quel pero hindi siya sumasagot, mukhang walang signal sa hospital na yun o kaya low bat ang phone niya.

Nag maneho ulit ako pauwi. May nararamdaman talaga ako na nakasakay sa loob ng van ko. Tumingin ako sa rear mirror ng van at lumaki ang mata ko sa nakita ko.

Isang babae na naka white ang damit, puro sugat ang katawan, basang basa, mahaba ang buhok at natatakpan ang mukha niya.

Naka upo siya sa bandang dulo ng van ko.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot at tumataas na ang mga balahibo ko. Subrang bilis na rin ng tibok ng dibdib ko.

"tulungan niyo ako" bata ang boses niya at malamig din ang boses niya.

Nakatingin parin ako sa mirror at tinitignan ko siya..........

"pinatay niya akooooooo....."this time galit na galit na ang boses niya.."gusto ko din siyang patayin" Lalong tumaas ang balahibo ko..

"si-sino ka-kaba?"tanong ko sa kaniya.

Bigla siyang tumawa ng malakas, nag iiba ang boses niya. May bata at may matanda.. "hahahaha"

PEPEEEPPPPPPPPP (kotse yun hahaha)

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon