-------SOFIA------
"condolence will"malungkot na sabi ko kay will, nalaman ko kasi na wala na pala ang lola niya nung pumunta sa bahay namin yung dad at mom niya, hinahanap si will pero hindi ko sinabi na nandito siya sa bahay nila adrian.
"salamat"wika naman niya sa akin sabay yakap kaya niyakap ko na din siya. Matalik kung kaibigan si will kaya nalulungkot ako nung mabalitaan ko ang nangyare sa lola niya.
"sabi ng mom mo hindi ka daw pupunta sa burol ng lola mo?"tanong ko sa kanya sabay hiwalay sa isat isa. Yumuko siya sabay upo sa sofa, nasa bahay namin siya ngayon.
"sa thursday kasi ang alis nila, pupunta tayo sa hospital diba?"sabay tingin sa akin, oo nga pala sa friday na pala ang alis namin.
"pero paano ang lola mo,will?" alam kung mahirap ang sitwasyon niya ngayon.
"hindi ko naman pwedeng iwan kayo kasi sabi ni rose diba dapat magkakasama tayong pito"wika niya sa akin.
"alam ko yun"sabay iwas tingin sa kanya pero alam kung naka tingin parin siya sa akin.
"Sofia, wag muna akong alalahanin. Ok lang ako"wika niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya sabay ngiti kaya ngumiti din siya sa akin.
"guys" sabay kaming tumingin sa pinto ng bahay namin. Nandito na silang lahat, sinabi ko kasi na dapat mag ready tayo at ngayong araw na to ang napag usapan namin.
Umupo si king sa gitna naming dalawa ni will kaya napakunot noo ako, papansin talaga to kahit kailan.
"so, anong plano?"tanong ni quel sa akin.
"si rose ang tanungin natin"sabay tingin kay rose, tumingin na din yung iba.
"nga pala sofia bat di natin isama yung tatlo para maging sampo na tayo?"wika sa akin ni will. Hindi naman kasi pwedeng may madamay na iba pa naming kaklase, dapat kaming pito lang.
"will, baka mapahamak lang sila kapag sinama natin sila"wika ko naman.
"sofia"tumingin kami pareho kay quel na nakayuko lang habang nakayukom ang mga kamao niya.
"anong problema quel?"takang tanong sa kanya ni flor.
"nakita ko si hanna kagabi, pinayuhan niya ako na wag na daw natin ituloy tong gagawin natin kasi----"
"baka mapahamak lang tayo pareho"dugtong ni will.
"nagpakita din sa akin si hanna, yan din ang sinabi niya sa akin"wika sa amin ni king, tika bat sa akin hindi nagpakita si hanna pati kay flor, rose at adrian?
"hindi pwedeng hindi natin ituloy baka kasi mas lalo pang lumala"wika naman ni rose.
"guys"tumingin kaming lahat sa may pinto at nakita namin si jill, hingal na hingal. Teka paano niya nalaman na nandito kaming lahat??
"Anyare sayo?"takang tanong ni adrian.
"tignan niyo"pinakita niya sa amin ang nakaukit na dragon sa kanang braso niya, kumunot ang noo ko sabay tingin kay rose.
"akala ko ba pito lang ang meron?"takang tanong ko kay rose, halatang nag tataka din si rose kung paano nangyae yun.
"nagpa-tattoo ako" tinignan ko ng masama si jill, kaya pala meron din siya pero hindi porket nagpa tattoo siya pwede na siyang sumama..
"alam mo jill ang kulit mo talaga"inis na sabi ko sa kaniya, umupo siya malapit kay rose.
"gusto ko talagang sumama sofia kaya payagan niyo na ako"para siyang bata, tsk! Akala ba niya madali lang tong gagawin namin?
"sige"napatingin ako kay rose, bakit niya pinayagan? "wala namang masama kung sasama siya diba?"
"oo nga naman sofia"wika naman ni flor. No choice ako kasi pinagtulungan na nila ako.
"so anong plano?"excited na sabi ni jill habang nakatingin lang kami sa kanya.
"ikaw ang ipapakain namin sa multo"inis kung sagot sa kanya sabay snob.
"ito naman si sofia, wag kana magalit"wika naman niya sa akin..
***********
---------
------KING------"lord gabayan niyo po kami, wag niyo po kaming papabayaan"pabulong na sabi ko sa sarili ko habang nakapikit ang dalawa kung mata. Nasa abondanted hospital na kasi kami, hindi pa masyadong madilim kaya nasa labas muna kami ng hospital.
"maglaro ulit tayo ng spirit of the glass, kahit anong mangyare wag kayong bibitaw sa maliit na baso na to"babala sa amin ni rose.
"king nakikinig kaba?"tanong sa akin ni flor.
Tumango lang ako sa kanya.
"tara na"wika ni sofia, tumabi ako sa kanya at hahawakan ko na sana ang kamay niya kaso epal talaga tong si will at gumitna pa sa amin.
"tara"nakangiting sabi niya kay sofia sabay hawak sa kamay. Tsk! kung hindi ko lang sila katropa baka kanina ko pa siya binugbog.
"yan kasi torpe"wika ni third. Sumama kasi siya.
"tsk!"inis kung sabi, pumasok na sila sa loob habang ako nakatayo parin sa labas.
"pasok kana"tumingin ako sa unahan ko at nakita ko si flor kaya naglakad na ako papasok ng hospital.
------------
Unti unti ng dumidilim sa paligid kaya nag sindi na kami ng kandila sa bawat sulok ng ospital na to, nasa 2nd floor kami.
"puntahan mo si sofia nag iisa siya"tumingin ako kay toni, kaklase namin. 11 kaming nasa loob ngayon, i mean sabihin na nating 11 kaming pumunta dito.
"wag kana kasi maging torpe"wika naman ni harry. Torpe ako? Hindi ah humahanap lang ako ng tyempo.
Lumapit ako kay sofia at buti nalang walang will ang umepal.
"ok kalang?"alalang tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin sabay ngiti. "sana matapos na to"
"wag kang mag alala sofia po-protektahan kita"sabi ko sabay ngiti kaya tumawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?
"Alam mo. Kaya ko naman ang sarili ko, takot ka sa multo diba?"tumatawang sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya, kaya tumahimik siya.
"Takot ako pero magiging malakas ako para sayo"wika ko sabay ngiti.
Ilang minutes din kaming di nag salita pero titig sa mga mata.
"mahal mo pa ba ako?"tanong ko sa kanya, biglang bumilis ang heart beat ko. Di ko alam kung anong isasagot niya.
"di ko alam"umiwas na siya ng tingin sa akin pero nakahawak parin ako sa kamay niya.
"hindi ako mag sasawang mag sorry dahil sa nagawa ko sayo noon"wika ko sa kanya habang nakatingin sa langit.
"ok na yun, tapos na yun"wika naman niya.
Tumingin ako sa kanya pero siya nakatingin lang sa mga star sa langit, "mahal mo pa ba ako?"tanong ko ulit.
Bigla nalang may sumapok sa ulo ko kaya napabitiw ako sa kamay ni sofia, pagkatingin ko si will.
"ang korny mo,bro"sabi niya. Tumayo na si sofia kaya tumayo na din ako.
"Alam mo kahit kailan talaga napaka paki-alamero mo"galit na sabi ko sa kanya, moment ko to eh tas sisirain niya.
"wag na kayo mag away"awat sa amin ni sofia.
"king, ang ex hindi na dapat binabalikan tandaan mo yan" nakangiting sabi niya. Gago talaga siya, kung wala lang si sofia sa harap namin ngayon baka napatay kona tong lalaking to.
"sa tingin mo may pag asa ka sa kanya?"asar ko naman sa kanya ngayon, at halata sa mukha niya na naiinis siya.
"ano ba tama na nga"awat sa amin ulit ni sofia.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...