CHAPTER # 25|PAG UWI|

96 8 2
                                    

--------KING--------

Hindi na muna ako pumasok sa school kasi babantayan ko muna yung kakambal ko. Hindi pa umuuwi sila ni mom and dad galing sa business trip nila sa boracay kaya kami na muna ni flor ang nasa bahay pero hindi pa siya pwedeng umuwi kasi kailangan pa niyang mag pahinga sa ospital.

"will"tawag ko sa kaniya. Pwede ng umuwi si will sa bahay nila kasi ok na siya pero si flor wala paring malay hanggang ngayon.

Tumingin siya sa akin sabay upo sa kama niya.

"sorry king kung nadamay pa si flor"nakayukong sabi niya sa akin. Tinapik ko ang balikat niya kaya napatingin siya.

"hindi kita sinisisi will"wika ko naman sa kanya.

Bumukas bigla yung pinto at nakita namin sila ni adrian at rose. Mukhang nagkakamabutihan silang dalawa ha, kasi lageng magkasama.

"masaya akong makita kang magaling, will"nakangiting sabi ni adrian sa kanya.

"ako din"wika naman ni rose.

"salamat"ngumiti din sa kanila si will sabay tayo.

"samahan kana namin pumunta sa baba"wika ni adrian at binuhat niya ang mga gamit ni will.

"pasensya na talaga king kung nadamay ang kapatid mo"sabi niya ulit sa akin, tumango lang ako sa kaniya habang nakangiti.

Umalis na sila sa room at kami nalang dalawa ni flor ang nandito. Tumingin ako sa kaniya sabay ngiti.

"flor miss na miss na kita, kailan ka ba magigising"tanong ko sa kaniya. Mahimbing parin ang tulog niya hanggang ngayon.

"flor gumising kana oh, please lang"pagmamakaawa ko sa kanya habang nakahawak ako sa kamay niya.

Tuwing nakikita ko siyang ganyan ang itsura niya sana ako nalang yung nasa kalagayan niya ngayon, ayokong mahirapan yung kakambal ko.



--------ADRIAN------

Pagkatapos naming pumunta sa bahay nila will, pumunta naman kami ni rose sa mall para libangin siya. Mukhang malalim nanaman kasi ang iniisip niya, ayokong maging malungkot siya.

"anong iniisip mo?"tanong ko sa kaniya habang nag mamaneho ako papuntang mall.

"ha.......... Ah ....... wala to"wika naman niya sa akin. Hindi ako naniniwala sa kaniya kasi alam kung meron siyang iniisip.

"sabihin muna, ano yun?"pangungulit ko naman sa kaniya.

Tumingin ako saglit sa kaniya at nakita kung nakayuko lang siya. Hindi naman pwedeng titigan ko lang siya kasi mababangga kami.

"bumalik na kasi si tatay sa buhay namin ni nanay"malungkot na sabi niya at halatang nakayuko parin siya.

"oh, ayaw mo nun masaya na ulit ang pamilya niyo"wika ko naman sa kaniya.

"pero adrian galit parin ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pag iwan sa amin ni nanay"

Kung ako nasa kalagayan niya ngayon magagalit din ako sa tatay ko pero ama ko parin siya.

"alam ko yun rose. Pero mas makakabuti kung patatawarin mo ng unti unti ang ginawa ng tatay niyo sa inyo kesa naman sa ikaw ang lageng may problema,diba?"wika ko naman.

"sige"maikling sagot naman niya sa akin.

Nakarating na kami sa parking lot ng mall kaya bumaba na kami agad para mamasyal sa mall.

"pumasok kaba kanina?"tanong niya sa akin habang nag lalakad kami.

"hindi, ikaw?"pabalik kung tanong sa kaniya.

"hindi rin"

Naalala ko sabi ni sofia siya lang daw mag isa ang pumasok kanina.

"saan tayo unang pupunta?"tanong niya sa akin.

"ewan"sagot ko naman sa kaniya.

*

Lumibot lang kami kahit saan, hanggang sa gumabi na kaya pumunta na muna kami sa park kasi may fireworks ngayon.

Pagkarating namin dun umupo agad kami sa may bench chair sabay tingala sa langet. Nag umpisa na pala ang fireworks nahuli kami ng dating.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon