--------SOFIA-------
Pagkapasok palang namin, halos hindi na maipinta ang mga mukha ng kaklase namin. Subrang lungkot ng mga itsura nila, yung iba takot ang nararamdaman. Alam ko ang pakiramdam nila ngayon. Pati ako natatakot na baka isang araw lahat kami mamatay na..
Sinara ko lahat ng bintana at pinto para walang makakarinig sa pinag uusapan namin..
"alam kung natatakot kayo. Natatakot din ako, baka isang araw o kaya bukas may isa nanamang mawawala sa klase natin"pumunta ako sa harap pati narin sila ni will, king, adrian, quel, at flor.
"anong gagawin natin niyan?"sa boses palang ni jill alam kung natatakot na siya..
"double ingat nalang tayo, pero hindi maiiwasang hindi sila sumunod sa atin"wika naman ni king. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"kagabi kasi habang pauwi ako sa bahay namin, may narinig akong isang boses bata. Naglalaro siya ng tagu-taguan diko alam kung niyayaya niya ba ako o tinatakot. Pagbilang niya ng tatlo may nakabangga ako"huminto siya saglit sabay tingin sa mga kaklase ko.. Yung itsura naman ng mga classmate namin seryosong nakikinig.. "nakita ko si rina"
'nakakatakot naman '
'bakit nangyare to sa atin?'
'parang ayoko ng mag aral 'Yan ang mga naririnig kung usapan sa loob ng room namin.
"kung hindi kayo mag aaral, hindi parin nila tayo tatantanan"wika ko naman sa kanila..
"ginulo niyo pa kasi sila"
Napatingin kaming lahat kay rose, nakayuko lang siya habang yung kamao niya handa ng manuntok..
"rose anong kailangan namin gawin?"tanong ko sa kanya. Inangat na niya ang ulo niya..
"wala na kayong magagawa kasi sinusundan nila kayo kahit saan kayo magpunta, hindi sila matatahimik hanggat hindi nila kayo napapatay isa isa"kinilabutan ako sa sinabi ni rose.
"paano kung....... Pumunta ulit tayo sa hospital na yun at maglaro ulit ng spirit of glass pero this time tatapusin na natin"sabi naman ni adrian..
"kung yan ang gusto niyo ....... pero mag iingat kayo. Malalakas sila at kaya nila kayong patayin lahat"paalala naman sa amin ni rose sabay upo ulit..
"ayoko ng sumama"rinig kung sabi ng isa naming kaklase.
"sumama ka nung time na mag trip tayo diba?"inis na sabi ko sa kanya. Hindi kasi pwedeng kami lang ang pupunta dun dapat kaming lahat, subrang unfair nun.
"ang daya niyo naman kung hindi kayo sasama"wika naman ni flor.
"hindi niyo kami mapipigilan"
Napatingin kami sa side ng room, malapit sa may bintana.
Nagsitakbohan paharap ang mga kaklase namin nung bigla siyang umakyat sa pader na parang spider man. Kinilabutan ako sa nakita ko, anong nangyayare ngayon? Hindi ba talaga nila kami tatantanan.
"tumigil kana, wag niyo silang idamay"tumutulo na ang luha ko habang sinasabi ko yun..
"hindi mo ba talaga kami tatantanan"sigaw naman ni king..
"maawa ka sa mga kaklase namin, dalawa na ang pinatay mo tapos ngayon may papatayin ka nanaman"tuloy tuloy parin tumutulo ang luha ko..
Kasalanan ko to alam ko kaya dapat hindi ang mga kaklase ko ang sisihin niya kundi ako..
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...