CHAPTER # 9 |Maliliit na gagamba|

176 15 1
                                    

-------FLOR------

"flor wait" sigaw sa akin ni king.

Oh well magkapatid lang naman kaming dalawa, as in kambal kaya same school kami at di dapat kami magkahiwalay.

Galit kung tinignan siya."bakit ba" Iritang tanong ko naman sa kanya.

"tulungan mo akong makipag balikan kay sofia"

Tsk kala ba niya mahal pa siya ni sofia. May will na siya noh.

"alam mo king, wag ka ng umasang babalikan kapa niya"wika ko sa kanya sabay snob. 

Iniwan iwan niya tapos babalikan niya. Sira ulo pala tong kambal ko eh.

Nag lakad ulit ako papasok sa school namin, hinabol nanaman niya ako."sige na flor please" sabay pacute. Hindi na tatalab sa akin yang pagpapa cute niya, lage ko kaya yang nakikita.

"tigilan mo nga ako"iritang sabi ko parin. Hindi kaya siya manahimik dyan nakakainis..

"Uy king at flor napano kayo?" Napatingin ako sa unahan at nakita ko si quel. Hays isa pa tong lalaking to.

Lumiko lang ako sa kanya at di na siya pinansin.

"anong problema nun?" rinig kung tanong ni quel kay king.

"ewan may period yata hahaha

Nakakatawa ba kung may period ang isang babae. Hindi naman diba!? Sarap batukan ng dalawang yun, nakakainis!

-------

-------

-------

"huy pakopya" mahinang sabi sa akin ni king. Kanina pa talaga ako napipikon sa kanya.

"Kapag tayo nahuli ni ma'am luko lagot ka sa akin"

Diba niya alam na bawal makipag usap ang babae sa mga lalaki lalo na kapag nasa klase kami.

"MS. JIMENEZ AND MR. JIMENEZ WHAT ARE YOU DOING"

Hiniga ko nalang ang ulo ko sa desk ko habang nakapikit ang mga mata ko. 

Sabi na nga ba eh, matalas ang pandinig ng bruhang yan. Nakakainis.

"sorry ma'am"rinig kung sabi ni king..

May kumalabit bigla sa likoran ko at pagkatingin ko nakita ko si sofia."anong nangyare?"takang tanong niya sa akin.

"wala"inis na sagot ko naman sa kanya.

Wala ding utak yung teacher namin noh, kung ayaw niyang makipag usap kami sa mga lalaki. Edi sana hinati niya ang babae at lalaki. Tsk! naging teacher eh wala naman palang utak.

----

BELLLLLL

"CLASS DISMISS" sigaw ni ma'am sabay alis sa room namin. Hiniga ko ang ulo ko sa desk ko. 

Pambihira mukhang natagusan nanaman ako. Ang ayoko talaga sa lahat ay magkaroon ng period.

|yeah, ayoko talaga magkaroon. Sana naging lalaki nalang ako|

"flor anyare sayo?"takang tanong sa akin ni dave. Nakatingin na din sa akin sila ni sofia, quel, king, adrian, at will.

"wala masakit lang yung puson ko" Totoo naman ha.

"dalhin na kita sa clinic"rinig kung sabi ni sofia. Inangat ko ang ulo ko at sumandal ako sa upuan.

"king halika nga dito"wika ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at may binulong ako.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon