CHAPTER #16 |Secret love|

111 9 0
                                    

-------Sofia------

"alam mo ang swerte mo kasi dalawang lalaki ang nagka-gusto sayo"wika sa akin ni flor kaya napatingin ako sa kanya.

"flor, kahit ilang lalaki pa ang dumating sa buhay ko hindi na ulit ako mag mamahal kasi minsan na akong nasaktan at ayoko na"sabi ko naman sa kanya sabay iwas tingin.

First love ko si king at mahal na mahal ko siya dati pero nung niluko niya ako, nawala lahat ng pag mamahal ko sa kanya. Napalitan ng galit, kasi iniwan niya ako.

"sofia"napatingin ako kay flor."mahal na mahal kapa ni king hanggang ngayon" napa smirk ako sa sinabi niya sa akin.

MAHAL? Wala na sa dictionary yan!

"halata naman" napatingin kami sa likoran namin, si rose lang pala.

Nasa 2nd floor kasi kami habang yung mga lalaki nag hahanap ng kahoy para mag luto at para gamitin naring ilaw kasi gumagabi na.

"try mo kayang bigyan ng 2nd chance yung kakambal ko"

"ayoko na"malungkot na sabi ko. Pagod na kasi tong puso ko na mag mahal ulit ng isang manluluko.

"di niyo lang alam kung ilang balde ang napuno ko kakaiyak nung iniwan niya ako"pahabol ko sa kanila, inakbayan ako ni flor.

"alam ko yun kasi kaibigan mo ako diba?" wika niya."wala pa sila sa buhay mo pero ako dumating na kaya kilalang kilala kita" dugtong pa niya.

"Teka sofia, si will ba may pag asa ba sayo?"takang tanong sa akin ni rose, ayokong saktan si will pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at wala ng mas hihigit pa ron.

Umiling ako sa tanong ni rose habang naka yuko.

"bakit?"takang tanong naman ni flor.

"kaibigan lang talaga ang turing ko kay will at wala ng mas hihigit pa ron, kung meron man ay tinuring ko na din siyang parang kuya" wika ko habang nakayuko parin.

"bat di mo sabihin sa kanya para hindi na siya umasa pa"wika ni rose. Tumingin ako sa langet habang nakangiti.

"ayokong masaktan si will ayokong lumayo ang loob niya sa akin, ayokong mag away sila ni king ng dahil lang sa akin"wika ko sa kanila. Pareho ko silang mahal at ayokong mag away lang sila ng dahil sa akin tulad nalang kanina.

"mas lalong mahihirapan si will kung hindi mo sasabihin ang nararamdaman mo para sa kanya"wika ni flor. Alam ko yun pero ayokong umiwas siya sa akin.

"sa totoo lang sofia" tumingin ako kay flor. "naiingit ako sayo kasi may gusto sayo ang taong mahal ko" napa kunot yung noo ko.

"si wi--"hindi kona natuloy ang sasabihin ko kasi tinakpan niya ang bibig ko at tumawa siya.

"oo siya nga, since naging magkaibigan sila ni king dun na unti unting nahuhulog ang puso ko para sa kanya"kwento niya sa amin ni rose.

"ikaw rose"wika ko sabay tingin kay rose, tumingin na din si flor.

"may crush din ako sa grupo natin at katulad natin siya" napa smile ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano may gusto pala siyang tao akala ko wala.

"sino?"agad na tanong ni flor, excited yata.

"Amh. Nahiya ako eh baka sabihin niyo" halata nga sa mukha niyang nahihiya siya kasi di na siya makatingin sa amin.

"wag kana mahiya, nag sabihan na tayo kaya sabihin muna"pangungulit ko naman sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim sabay ngiti. "si adrian" 

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon