CHAPTER # 24 |back to school|

94 7 0
                                    

-------sofia------

Nagising nalang ako dahil sa liwanag mula sa labas ng kwarto ko kaya minulat ko agad ang mata ko. Nakatulog na pala ako kagabi kakaiyak ng hindi ko namamalayan kaya hindi ko naisara ang bintana.

Umupo ako sa kama sabay unat sa mga kamay ko. Tumayo na ako para maligo kasi may pasok kami ngayon. Sana ok na si flor at will.

Pagkatapos kung naligo nag bihis na ako at nag almusal sa baba. Wala si mom and dad kaya umalis nalang ako ng bahay. Nag taxi ako papunta sa school.

*

Pagdating ko sa school wala pang mga tao, mukhang napaaga ata ako. Nag libot na muna ako sa school para aliwin ang sarili ko.

Nag vibrate naman bigla ang phone ko at nakita ko si screen na si king pala yung tumatawag.

|hello?|

[kumusta kana?]

Ngumiti ako at nag patuloy sa pag lalakad.

|ok lang naman.|

[sofia, barya kaba?]

|bakit?|

[kasi umaga palang kailangan na kita]

Natawa ako dahil sa sinabi niya, luko luko talaga tong si king kahit kailan.

|akala mo ikaw lang ha. Taxi kaba?|

[wow bumabanat din. Bakit?]

|kasi habang patagal ng patagal napapamahal ako sayo|

Alam kung tumatawa si king sa kabilang linya kasi halata naman eh.

[nga pala, nasaan kana ngayon?].

Tumingin ako sa paligid ko at diko namalayan na nasa garden na pala ako ng school kaya umupo na muna ako sa bench chair .

|nasa school na, hinihintay ka|

[talaga lang huh?? Nandyan na kaya ako]

|wala naman eh|

[nakasiksik na nga ako dyan sa puso mo]

Para na akong baliw dito tawa ng tawa ng wala naman kausap pero sa phone lang.

[ayiee ayiee kinikilig].

Kahit na sabihin ko sa sarili ko na hindi ako kinikilig pero pinapakita ng katawan ko, actually namumula na nga ako eh.

|sige na bye|

Napatingin ako sa relo at mag 7 na pala ang bilis ng oras. Tumayo na ako.

[ingat ... I love you sofia ko

Natigilan ako dahil sa sinabi niya sa akin.

[nandyan kapa ba?]

Natauhan ako ulit nung mag salita siya at nag lakad na ulit.

|oo|

[sabi ko i love you sofia ko]

|narinig ko yun|

[bat di ka nag rerespond?]

|i love you din king ng buhay ko|

[ano ulit yun?]

|wala sige bye|

Ngumiti ako habang nasa hallway na. Pinapakilig talaga ako ni king, umagang umaga, haist.

Pinatay ko na yung call at nagpatuloy sa pag lalakad. Madaming estudyante ang tumitingin sa akin, diko alam kung bakit.

'siya diba yung presedent ng last section?'
'naririnig mo ba ang usap usapan na silang dalawa ni maam ynna ang tumalon mula sa building'
'buti nalang nabuhay pa siya noh, impossible kasing may mabuhay pang tao dun, ang layo kaya ng building na yun.'

Yan ang mga naririnig ko habang papunta ako sa room namin. Hindi ko naman maiiwasan yun kasi alam kung kitang kita nila na kasama ako sa nahulog sa building. Impossible talaga na mabuhay pa ako pero binigyan pa ako ng second chance ni god para ipagpatuloy ang buhay ko.

Pagkarating ko sa room namin ngumiti agad ako sa mga kaklase ko at halata din sa mukha nila na masaya silang makita ako. Pumunta na muna ako sa harap habang nakangiti.

"namiss ko kayo guys"nakangiting sabi ko habang excited na excited.

"kami din naman sofia"wika naman ni jacob, kaklase ko.

"buti nalang nakaligtas ka mula sa pagkakahulog mo sa building"wika naman ni lea.

"akala ko nga din hindi na ako mabubuhay eh pero tignan niyo naman ngayon parang wala lang nangyare"sabay tawa kaya tumawa na din sila sa sinabi ko.

"nga pala kumusta na sila will at flor?"tanong naman ni marco.

"ok na si will , nagpapahinga na siya pero si flor wala paring malay"malungkot na sabi ko sa kanila.

May pumasok bigla na teacher kaya umupo na ako sa upuan ko. Hindi naman maiwasan ng mga kaklase ko na hindi mapatingin at mapangiti dahil sa nag balik na ulit ako.

"oh sofia ok kana ba?"tanong sa akin ni maam, ngumiti ako at tumango.

"sabi po nila king 3 weeks na daw po akong nasa ospital kung di daw po ako nagising nun baka mag 1 month na daw"wika ko kay maam.

"ok na ok kana ba talaga?"tanong niya ulit sa akin.

"oo naman po maam."natahimik ako nung maalala ko si maam ynna.

"may problema ba?"

"maam, wala na daw po si maam ynna?"malungkot na tanong ko kay maam.

"simula nung macomatose ka sofia wala na si maam ynna nun at nilibing siya agad ng pamilya niya"wika naman ni michael kaya napatingin ako sa kaniya.

Naisip ko nanaman ang nangyare sa buhay nila ni tina at ni maam ynna, madami silang pinag daanan. Kaya pala galit na galit si maam ynna sa akin kasi yung pamilya ko pala ang pumatay sa kapatid at pamangkin niya.

"sofia are you ok?"natauhan ako nung marinig kung nag salita si maam kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti nalang.

Habang nag didiscuss si maam lutang ang isip ko, wala akong natutunan magdamag kasi sila yung nasa isip ko. Naiinis nanaman ako sa sarili ko kasi dahil sa akin nagkawasak ang pamilya nila tatay at tina.

*

Last subject nalang ngayon at maya maya uwian na. 

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon