CHAPTER # 22 |Dahilan|

79 8 1
                                    

TINA POINT OF VIEW

.

Masaya kami kahit na nakatira lang kami sa ilalim ng ospital. May isa kaming anak na babae. Lahat ginawa ko para maging masaya ang pamilya ko kahit na mahirap lang.

"kahit na mahirap lang tayo basta sama sama tayong tatlo magiging masaya na tayo" sabi ng asawa ko sa akin.

Bata pa ang anak namin kaya 'mama' at 'papa' palang ang nalalaman niyang salita.

"nag papasalamat din ako sa panginoon kasi kayong dalawa ang binigay niya sa akin"masayang sabi ko naman sa kanilang dalawa at niyakap ko sila ng mahigpit.

Wala na ata akong hinihiling na iba pa basta kasama ko lang ang pamilya ko at magiging masaya na ako kahit na mahirap lang kami.

*

Pumunta na muna ako sa kapatid ko para mang hirap sana ng pera para makabili na kami ng pagkain.

"oh ito ate tina kahit na wag mo ng bayaran basta makakain lang kayo"wika ng kapatid ko sa akin.

"salamat talaga ynna napaka swerte ko kasi ikaw yung naging kapatid ko"masayang sabi ko naman sa kaniya.

"sino pabang mag tutulungan kundi tayo lang naman diba"sabi niya sa akin kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

Pinaalis na kasi kami ng magulang ko sa bahay namin kaya wala kaming ibang matirahan kundi dun nalang sa abandoned hospital. Malapit din naman ang bahay namin sa ospital na yun.

"nakahiram kaba ng pera sa kapatid mo?"tanong sa akin ng asawa ko.

Ngumiti ako sabay tango."buti nalang mabait yung kapatid ko kaya nga mahal na mahal ko yun"

"nga pala tina may ibibigay din ako sayo"may dinukot siyang pera sa bulsa niya, nagulat ako kasi ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera.

"saan galing to?"takang tanong ko sa kanya habang nakatingin lang sa pera na binigay niya sa akin.

"nag hanap kasi ako ng trabaho buti nalang nakasweldo agad ako"wika niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "salamat talaga"masayang sabi ko sa kanya.

"lahat gagawin ko para sa pamilya natin"wika naman niya sa akin.

****

Habang mahimbing na ang tulog naming lahat may napanaginipan ako at masamang panaginip kasi may kabit ang asawa ko. Simula nun hindi na ako nakatulog, tuwing gabi din kasi umaalis ng bahay ang asawa ko at sabi niya mag ta-trabaho na daw siya. Hindi naman ako nag hihinala kasi umuuwi naman siya tuwing umaga, sadyang sa gabi lang talaga siya umaalis.

Hanggang isang araw hindi na siya umuuwi sa amin kaya nagtataka ako, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya nag patulong ako sa kapatid ko.

"hindi ko na alam kung anong gagawin ko"umiiyak na sabi ko habang nakaupo sa bahay ng mga magulang ko. Wala kasi si tatay at nanay ngayon tanging si ynna lang ang nandito.

"ate tina baka naman kasi nag overtime lang si kuya kaya hindi pa siya umuuwi"sabi naman niya sa akin habang hinahaplos ang likoran ko.

"grabeng over time naman yan. 2 weeks na siyang di umuuwi sa bahay namin"inis na sabi ko naman sabay tayo.

"sorry ate ha, ganito nalang hahanapin nalang natin si kuya"wika naman niya sa akin.

***

**

*

Araw araw kaming lumilibot kahit saan, mahanap lang namin ang asawa ko. Nag poster na din kami ng MISSING kung meron sanang nakakakilala sa kanya.

Pero parang nawawalan na ako ng pag asa kasi mag fo-four months ng walang balita sa kanya at wala pang tumatawag sa amin kahit na sino.

Lagi akong umiiyak tuwing gabi dahil hindi ko kayang mawala ang asawa ko sa akin.

Hanggang isang araw may bumisita sa bahay namin. Isang magandang babae.

"dito ba nakatira si efren?"tanong niya sa akin.

"opo, ano pong kailangan nila?"tanong ko naman habang karga ko ang anak ko.

"ikaw ba ang asawa niya?"

"opo"maikling sagot ko naman.

"may utang na 1 million ang asawa niyo sa akin kaya dapat bukas bayaran niyo na yun kundi ipapapolice ko kayo"inis niyang sabi sa akin sabay alis.

Nagkautang ng malaking halaga ang asawa ko ng hindi ko alam?

*

Kinabukasan wala parin akong maibayad sa kanya kaya nag wala siya sa labas ng bahay namin at marami siyang kasama.Diko alam kung anong gagawin ko, sinara ko nalang lahat ng pinto at binatana sa bahay namin.

"mga mag nanakaw kayo, wala kayong silbi sa mundo"sigaw niya sa labas ng bahay namin habang pilit na sinisira yung pinto.

Niyakap ko nalang ang anak ko kasi hindi ko na talaga alam kung kailan sila aalis sa bahay namin.

Pero hindi pala talaga sila aalis ng hindi kami namamatay. Gawa sa kahoy ang bahay namin kaya agad yun nasusunog.

Sinindihan niya ang paligid ng bahay namin kaya hindi na ako makaalis pa sa bahay at ganun din ang anak ko.

"hindi ko kayo titigilan"galit na sabi ko habang nakakuyom ang mga palad ko.

Unti unti kaming kinakain ng apoy hanggang sa mawalan na kami ng hininga kasama na dun ang anak ko.

--------
----------SOMEONE--------

Nung araw na hindi na umuuwi ng bahay si efren. Pinapatay na pala siya ng amo niya ng walang kalaban laban kasi ayaw ni efren na dun na siya tumira. Nabuntis na niya kasi ang amo niya, hindi rin alam ni efren na buntis yun kasi lasing siya nung time na maganap yun.

Pagkatapos patayin ng amo niya ang trabahador nilang si efren na walang kalaban laban ay isusunod naman niya sana ang asawa niya para silang dalawa ang mag sama sa empyerno.

Pero pinalipas na muna niya ito ng apat na buwan bago niya patayin ang mag ina.  Pagkatapos ng apat na buwan ay pinuntahan niya ang mag ina at sinabing may utang na 1 million ang asawa niya para hindi mahalata na wala na pala ang asawa niya sa mundo.

Kinabukasan nag hanap ng paraan ang babae para lang patayin ang mag ina. Sinunog niya ang bahay ng mag ina ng walang kalaban laban at nag patulong pa siya sa mga kaibigan niya.

*

Habang tumatagal lumalaki ang tyan ng babae hanggang siya ay manganak.

"maam ano pong ipapangalan niyo sa kanya?"tanong sa kanya nung nurse.

"sofia"masayang sabi naman nung babae.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon