CHAPTER #32 |AWAY|

59 6 0
                                        

---------quel--------

Sinundan ko lang siya hanggang sa napunta na kami sa kwarto nilang apat.

"May kailangan kaba?"tanong niya sakin kaya hindi ko alam ngayon kung anong klaseng palusot ang gagawin ko.

"Ha. Eh. Pinapabalik ka ni sofia dun kasi may sasabihin daw siya" yes buti nalang may naisip rin ako.

"Sabihin mo nalang na, magpapahinga na muna ako kasi pagod ako sa byahe"wika naman niya habang inaayos ang kama nila.

Magkakatabi kasi silang apat ni sofia, flor at rose sa iisang kama. Malaki din naman yun kaya kasya silang lahat. Samantalang kami sa kabilang kwarto.

"Ganun ba"

Hindi ko alam kung anong klaseng palusot paba ang pwede kung gawin para lang makumbinsi siyang lumabas muna.

"Oh bakit kapa nandito?"tanong niya nung napansin niya akong nasa likoran niya parin.

"Ha. Eh. Ano kasi"

Napaka torpe naman kasi ng katawang to kaya nga wala pa akong nagiging girlfriend kasi napaka torpe ko. Hindi ko man lang maamin sa kaniya ang tunay kung nararamdaman.

"Bakit? May kailangan kapa ba?"tanong niya.

"Wa-wala na. Sige bye"sagot ko naman sa kaniya sabay alis at sinara ko na ang pinto..

Sa labas ng kwarto nila, dun ako nag wala."napaka bobo mo talaga!"inis na sabi ko sa sarili ko habang tinatadyakan yung pader.

"Anyare quel?"

Tumigil ako sabay tingin kina sofia at king. Ngumiti lang ako imbis na sagutin ko sila. Hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot sa tanong nila.

"Oh saan ka pupunta?"tanong ni sofia sakin habang naglakad na ako palayo sa kanila.

"Mag iisip kung anong magandang gawin"sagot ko naman sa kanila sabay takbo palayo.

Habang naglakad-lakad ako nakita ko sila ni adrian at rose sa may bench chair. Mukhang nagkakamabutihan na sila pareho, at magiging masaya ako kapag nalaman namin na officially sila na talaga.

Kaso nga lang, mukhang ako nalang ang walang pakner dito. Haist! Napaka manhid naman kasi ng aking prinsesa.

"Quel"

Tumingin ako sa likoran ko. Si will mukhang may tama na. Humarap ako sa kaniya.

"Anong nangyare sayo?"takang tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Masaya lang ako kasi nagkabalikan na sila ni sofia at king"wika naman niya sabay tawa.

Sa lahat ba naman kasi ng pipiliin ni will na maging girlfriend niya, bakit si sofia pa. Alam naman namin na hanggang ngayon si king parin talaga ang mahal niya.

"Tara, inuman tayo"yaya niya sakin kaya naman, no choice ako at sumama ako sa kaniya.

Gusto ko lang naman siyang damayan kaya ako sumama. Pagdating namin dun maraming tao at mukhang may tama na silang lahat kaya naman kapag may nakabanggaan ako na mismo ang nag so-sorry kasi ayoko ng gulo baka mamaya makapag sapakan pa sila sakin, kawawa yung gwapo kung face haha.

Umupo na kami at nag order na si will. Kahit subrang ingay dito naririnig ko parin ang boses niya.

"Lahat naman ginawa ko pero siya parin ang pinili niya"wika niya sakin sabay inom sa alak.

"Will, alam mo naman na si king talaga hanggang ngayon ang mahal ni sofia pero hindi kapa rin nagpa-awat, tignan mo ngayon ikaw ang nasasaktan"

Ngumiti siya tska siya uminom ulit."tinalikoran ko lahat ng babaeng dumating sa buhay ko para lang sa kaniya"

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon