--------SOFIA------
Pagkatapos ng klase namin umuwi na ako agad kasi wala naman akong kasama sa school, absent silang lahat.
*
Pagkadating ko sa bahay wala sila ni mom and dad, sanay naman ako kaya umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pagkadating ko sa kwarto kinuha ko agad ang laptop ko at nag facebook.
May biglang nag message sa akin, si flor.
'Sofia ok na ako, kailan kaba bibisita sa amin?'
Ngumiti ako dahil sa nabasa ko, ok na si flor? Kinuha ko agad ang susi ng kotse ni dad at nagmaneho na ako papunta sa bahay nila king.
Pagdating ko dun sabi ng yaya nila nasa ospital pa daw sila ni king dalawa, di pa umuuwi kaya pumunta na ako dun sa ospital.
"oh anong ginagawa mo dito?" Nakasalubong ko kasi si king.
"nag chat kasi si flor sa akin, ok na daw siya"nakangiting sabi ko sa kaniya nakita kung nag banggaan ang dalawa niyang kilay.
"ha? Hindi pa siya gising"
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nag sisimula nanaman siya.
"siguro namiss mo lang ako, kaya si flor ang dinadamay mo"sabay kindat sa akin. Tsk! hindi naman siguro siya mayabang, sadyang mahangin lang.
"sure talaga ako. Nakachat ko siya"seryosong sabi ko sa kanya, nawala yung saya sa mukha niya napalitan ng lito.
Binuksan namin yung pinto ng kwarto ni flor at nakita ko siyang mahimbing parin ang tulog hanggang ngayon. Bakit ganun parang may mali, bumalik nanaman ba siya sa buhay namin?
"naiisip mo ba ang naiisip ko?"tumingin ako agad kay king nung sabihin niya yun.
"oo"sagot ko naman sa kaniya.
"lahat naman ginawa natin para mawala na siya diba, para matahimik na siya"wika sa akin ni king, pero di pa ba sapat ang ginawa namin para wag na nila kaming guluhin.
"sofia"pareho kaming nagulat ni king nung may tumawag sa pangalan ko, pagkatingin namin sa pinto nandun sila ni quel, adrian,at rose.
"anong nangyare?"tanong ko agad kay rose.
"tumawag ang mommy ni will sabi niya hindi daw nila mapigilan si will, nag wawala daw siya sa kwarto niya"wika sa amin ni quel, tumingin ako kay king.
"bumalik nanaman siya"wika ko sa kanila.
"kailan niya ba tayo patatahimikin"takot na sabi ni king sa amin.
"nabalitaan ko sa mga kaklase natin kanina, patay na daw si jill"wika sa amin ni adrian, napahawak ako sa bibig ko at mga ilang segundo nalang papatak na ang luha ko.
Bakit walang sinabi sa akin ang mga kaklase namin nung nasa school pa ako? Ayaw ba nila na mastress ako kasi alam nila na galing pa ako sa ospital?
Niyakap naman ako agad ni king nung nakita niyang tumulo na talaga ang luha sa mata ko.
"pasensya na talaga, nadamay pa kayo dahil sa kasalanan ng mga magulang ko"tuloy tuloy na pumapatak ang luha sa mata ko.
"shhhh sofia hindi mo naman kasalanan"rinig kung sabi naman ni king sa akin habang naka-yakap siya sakin.
"sofia alam namin ang nararamdaman mo ngayon kaya wag mong sisisihin ang sarili mo"wika naman sa akin ni quel.
Buti nalang nandito silang lahat kundi diko na talaga alam kung anong gagawin ko kapag wala sila dito.
"wag ka ng umiyak hindi mo kasalanan"sabi pa sa akin ni king.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...