------SOFIA-------
Kaya pala subrang gaan ng loob ko kay will kasi siya yung taong nandyan nung time na kailangan ko ng ama't ina. Alam kung bata pa ako nun at wala akong maalala kung siya nga ba talaga yun pero yung heartbeat kona ang nag sasabi na siya talaga yung taong tumanggap at inalagaan ako habang pinaampon ako ng tatay-tatayan ko.
"Wifey"tawag sakin ni king sabay hawak sa kamay ko.
"Saan ka nanaman nanggaling, ang tagal-tagal mo"inis na wika ko sa kaniya.
Kanina pa kasi ako nag hihintay sa kaniya sa labas ng pinaradahan naming sasakyan. Bumalik siya saglit kasi daw may nakalimutan siya.
"Sorry na"wika naman niya sakin.
Buti nalang talaga may dala siyang pagkain, kung hindi baka mas lalo lang akong mahigh blood.
Totoo nga ang sinabi nila flor sakin. Buntis ako at 1months and 4weeks na siyang nasa tyan ko kaya pala lage akong galit kay king kasi siya yung pinaglilihian ko haha buti nalang natiis pa niya ang ugali ko.
Kinuha ko yung pagkain sabay kain habang hinihintay namin ang sasakyan ni quel. Pupunta na kasi kami ngayon sa kasal nila rose at adrian. Ang bilis ng panahon. Yung dating ang dami-dami pa naming problema tapos ngayon bigla nalang nag laho lahat.
"Hi king"
Tinignan ko ng masama kung sino man ang malanding tumawag sa pangalan ng asawa ko. Yes, asawa ko na siya kasi magkaka baby na kami. Angal ka!?
Aba! Aba! Wala pa ata siyang balak na umalis sa harapan namin kasi bigla siyang nag stop mismo sa harap namin.
Subukan mong mag 'hello' at makakatikim ka sakin ng bugbog mamaya.
"Hello"wika naman niya at may pabiso-biso pang nalalaman ha.
"Kumusta kana? Yaya mo?"tanong niya sabay turo sakin.
"Huy babaetang malandi, maharot! Kung ayaw mong ipakaladkad kita sa sampong asong meron kami umalis kana dito bago mag dilim ang paningin ko at mapatay pa kita ng di oras. Hayop ka!"inis na wika ko sa kaniya.
Sa takot niya siguro umalis siya agad sa harap namin. Tinignan ko naman ng masama si king sabay snob sa kaniya.
"Wi-wifey!?"
"Wag na wag mo akong kakausapin hanggang sa matuyo yang laway mo"
"Wifey naman eh"
"Opss. Subukan mong lumapit sakin, hindi lang bugbog ang aabutin mo mamaya. Tumigil kana dyan!"inis na sabi ko.
---
Dumating na yung sasakyan ni quel at nasa harapan si cess. Binuksan ko yung pintuan sa harapan kaya napatingin silang dalawa sakin.
"Bumaba ka dyan. Ako sasakay!"utos ko kay cess kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Mainit yata ulo mo ngayon sofia?"tumatawang sabi naman ni quel.
"Wag mo akong pag tatawanan kung ayaw mong tahiin ko yang bibig mo para hindi kana makapag salita!"
Nakita kung tumingin si quel sa likoran at parang nag sign pa siya kay king na pakalmahin ako, sorry nalang sa inyo kasi mainit talaga ang dugo ko ngayon.
"Wi-wifey. Dito kana lang hindi naman ako tatabi sayo"rinig kung sabi ni king.Naka upo parin si cess dito habang ako nakatayo at nag hihintay na umalis siya.
"Ayoko! Bumaba kana dyan"inis na wika ko kay cess kaya bumaba siya agad at sumakay ako.
"Babe ok lang ako dito"wika naman ni cess kay quel, tumingin naman bigla si quel sakin.
BINABASA MO ANG
A trip to hell |Complete|
HorrorPitong tao, Pitong estudyante, Pitong mag-aaral, Lahat sila kakaiba sa lahat ng kaklase nila, sa lahat ng nag aaral sa paaralan nila. Malalampasan kaya nila ang unti-unting pag hihiganti ng isang inang pumanaw na? Kakayanin kaya nilang makitang nag...