CHAPTER # 20|Pagbabalik|

86 7 0
                                    

--------king------

Papunta ako ngayon sa hospital para makita si sofia. Habang nag mamaneho ako ng kotse ko papunta dun. May napansin akong isang babae. Hindi ako pwedeng magkamali kasi siya yun, kahit na nakatalikod siya alam na alam kung siya yun.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya kay sofia bago sila tumalon sa building.

'ito tandaan mo sofia. Hindi kita tatantanan hanggang walang namamatay isa sa pamilya at kaibigan mo'

Pero bakit si sofia yung kinuha niya at hindi isa sa mga kaibigan at kapamilya ni sofia?

Napatingin ulit ako dun sa babae. This time unti unti na siyang lumilingon sa akin kaya parang kinilabotan ako bigla. Pagkaharap niya mismo sa akin ngumiti siya at parang may binulong sa sarili niya. Gusto ko siyang lapitan pero parang may kung anong pumipigil sa sarili ko.

~PEEP PEEP~

Natauhan ako nung may marinig akong busina ng mga sasakyan. Nasa gitna pala ako ng daan at ngayon ko lang napansin na nakaharang na pala ako. Tumingin ako ulit sa babae sa harap pero nabigla ako kasi wala na siya dun. Wala pang isang minuto akong tumingin sa likoran ko at pagkatingin ko dun wala na siya.

Hindi ko nalang yun pinansin baka guni-guni ko lang yun. Pagkarating ko sa room ni sofia nilapag ko agad yung mga prutas na dala ko. Tumingin ako sa kanya at wala paring pinag bago ganun parin ang kalagayan niya. Hindi parin siya gumigising kahit na saglit lang.

"sofia, nandito na ako"masayang sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Naisip ko nanaman yung nakita ko kanina. Imposibleng mabuhay siya ulit kasi kitang kita naming lahat na basag ang bungo niya at bali-bali ang mga katawan niya. Sabi pa ng pamilya niya na patay na daw siya pero bakit ko siya nakita?

Umiling-iling na lang ako para mawala yung nasa isip ko. Tumingin ako ulit kay sofia, nakalimutan ko pala yung bulaklak at teddy bear sa kotse ko kakamadali ko.

"sofia, kukunin ko lang yung gift mo. Saglit lang ako"pag papaalam ko.

Pagkalabas ko sa kwarto ni sofia. Habang nag lalakad ako sa hallway ng ospital parang wala akong makita ni isang nurse or doctor o di kaya mga patiente. Parang tumahimik yung paligid, parang ako lang mag isa ang nandito. Kinilabutan tuloy ako kasi naalala ko nanaman siya.

Dali dali na akong pumunta sa parking lot para makabalik agad sa room ni sofia baka may masamang mangyare sa kanya.

Tinawagan ko si will habang pabalik na ako sa room ni sofia.

|hello will|

[bakit?]

Subrang lakas ng kutob ko na hindi pa siya pumupunta sa langit kaya ginagambala niya kami. Ayokong kunin niya si sofia kasi mababaliw ako.

|will pumunta ka ngayon sa ospital, bilisan mo|

[bakit?? Anong nangyare kay sofia?]

|walang nangyare sa kanya pero parang malakas ang kutob ko na may masamang mangyayare ngayon|

Narinig ko na tumatakbo na si will kaya pinatay ko na yung tawag. Kahit nanginginig ako sa takot patuloy parin akong nag lakad kasi iniisip ko si sofia. Alam ko na matatakutin talaga ako sa mga multo pero si sofia ang lakas ko kaya unti-unti ng nawala ang kaba ko.

Tumakbo na ako sa 3rd floor kung saan nandun ang room ni sofia. Mag e-elevator sana ako kaso hindi bumubukas kaya naisipan ko nalang mag hagdan. Wala akong maramdaman na pagod sa katawan ko habang tumatakbo ako papunta sa 3rd floor.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon